"Uy! Gawa na tayong wine,"Umupo si Jaurus sa tabi ko. Naandito kami sa bahay ni Maella dahil kami ang magkagrupo sa Biology wine project namin.
Inihanda namin ang mga ingredients pati na rin ang mga kagamitan na gagamitin.
"Guys, asan yung pomelo natin?" tanong ni Leinard.
Nagtawanan naman kaming lahat at importante ang pomelo dahil yun ang main ingredient namin.
"Aries, Jaurus, kayo na lang kumuha ng pomelo dyan lang naman sa kabilang kanto ang bilihan," utos ni Maella.
"Sige, sakto papunta na si Ivan dito. Nagpapahintay siya sa labas ng kanto," sabi naman ni Jaurus.
Hinintay naman namin sa labas si Ivan. Malayo kase ang bahay ni Maella at gubat pa ang dadaanan mo bago ka makapunta sa bahay ni Maella.
"Ang tagal naman ni Ivan,"
Naiinip na ako tas may dadaanan pa kaming kanto para kunin yung pomelo. Nauuhaw na rin ako sa layo ng nilakad namin ni Jaurus para lang sunduin si Ivan.
"Ayan na,"
Napatingin naman ako sa tricycle na huminto sa tapat namin.
"Jaurus, may goodnews ako,"
Halata sa boses ni Ivan na masaya siya at nagtatalon pa siya sa tuwa. Habang naglalakad kami papuntang bilihan ng pomelo bigla naman nagsalita si Jaurus.
"Ano yon? Chismis ba yan?"
Natawa naman ako ng bahagya. Basta chismis, masagana talaga ang buhay ng barkada. Naglakad na lang ako pero syempre nakikinig ako sakanila.
"Si Vern lilipat sa VHV,"
Ha? Lilipat sa school namin? Sino kaya yon? Kaibigan kaya nila yon? Pwede pa palang lumipat? Akala ko bawal na? July na kase. Mas lalo akong nakinig sa usapan nilang dalwa.
"Ha? Bakit? Nakick-out ba siya sa dati niyang school?" nagtatakang tanong ni Jaurus.
"Ewan nga e. Basta ang sabi lang sakin ay "Pre, sabay ako sa pagpasok niyo bukas," kwento ni Ivan.
"Sino yung lilipat?"
Hindi ko na napigilan magtanong. Napatingin sakin si Jaurus at Ivan."Ah tropa namin yon nung Grade 10," sagot ni Ivan.
Tumango-tango lang ako kase wala naman ako masabi. Hindi ko naman yon kilala. Nagtinginan yung dalwa at bigla silang tumingin sakin.
"Bakit?"
Nakakatakot yung tingin nila. Mimiya ay ngumiti sila sakin. Ang weird ha."Hayaan mo Aries. Ipapakilala kita don at feeling ko magkakatuluyan pa kayo. Pangako yan!" pagbibiro naman ni Ivan.
"Ha? Anong sinasabi mo? Nagtatanong ako kung sino yon? Tapos magkakatuluyan agad kami?" Ang bilis naman nito ni Ivan!
Tumawa naman sila pero inaasar parin hanggang sa nakuha namin yung pomelo at nakabalik sa bahay nila Maella.
Hanggang sa nagtataka na si Maella at Leinard samin tatlo. "Sino si Vern?" tanong ni Maella.
"Transferee daw," sagot ko. Mas lalo tuloy akong inaasar ni Jaurus at Ivan.
"Tara stalk natin!" presinta ni Maella.
Nagtawanan naman si Jaurus at Ivan.
"Vern Acquarius Elliot," sabi naman ni Ivan.
Sinearch naman agad ni Maella. Hindi ko na inintindi at hiniwa na ang pomelo para masimulan na.
"Hoy! Nakita ko na!" sigaw naman ni Maella.
"Bagay nga kayo Aries! Yiee!" pangaasar naman ni Leinard.
Kung kanina si Jaurus at Ivan lang nangaasar sakin pero ngayon kasama na si Leinard at Maella.
Hindi ko alam kung ano yung nakita nila. Hindi rin naman pati ako interesado kahit di ko tiningnan ang mukha nung Vern na yon.
After 3 hours, nasayang lang ang ginawa namin. Naparami ang lagay ni Maella na yeast kaya naman sumabog ito sa lalagyan.
Hindi na namin inulit dahil wala na rin maming pomelo. Iisa lang binili namin dahil balak lang naman namin i-try.
Naglalakad kami pauwi ni Jaurus, Ivan at Leinard.
"Aries! Bagay talaga kayo nung transferee!" nangaasar naman na si Leinard.
"Wews! Mas bagay kayo ni Ella,"
Napatingin naman si Leinard at hindi na sumagot. Talo ka pala! Ex kase niya yon.
"Aries, add mo siya sa FB," sabi ni Ivan. Lumapit na rin siya sakin kasama si Jaurus.
Hindi na lang ako umimik hanggang sa dumating na ang tricycle at umuwi na ako.
Kakatapos ko lang magbihis hanggang sa naalala ko yung inaasar sakin nila Ivan at Jaurus.
Naisipan ko siyang istalk. Oh, okay naman siya ah! Nakasalamin, mukhang matalino, mukhang mabait at mukhang active sa church nila. Pasok siya sa standards ko sa crush! Kaso sabi nila kapag sakristan daw, mapanakit.
Subukan natin yan! Chour.
BINABASA MO ANG
The Last Necklace | Dream Series #1
Teen FictionAries Diaz, isang babaeng mahiyain, mahilig sa kdrama at kpop, at napaka adventurous sa buhay. Vern Acquarius, isang torpeng lalake na napaka seryoso sa buhay. Magwowork ba ang relationship nila kung hindi sila parehas ng interest?