Dawn 6

273 20 2
                                    

''Hahanapin ko ang.. pumatay sa magulang ko," mahina kong saad kaya kumunot ang noo niya.

''Ano?''

Napailing ako, ''Wala. Nevermind." Bumuntong-hininga ako at napaayos ng tayo. ''Tara na?'' aya ko sa kaniya at bahagya lang siyang napatango.

Napakagat ako sa ibaba kong labi at bahagyang napayuko.

Wala pa akong tiwala sa kaniya, at isa pa, hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao. Pero, medyo naniniwala naman akong anak siya ng kawal sa Vampiria, ngunit may parte sa'king hindi naniniwala. Dahil kung titignan mo ang pananamit ay hindi mo aakalaing isa siyang anak ng kawal, pati na rin ang kilos nito, pinong-pino at maingat.

Napabuntong-hininga na lang ako at napailing.

''Master, maaari bang magkwento o magsabi ka tungkol sa iyong sarili? Hindi kita masyadong kilala,'' saad ko.

Tinignan ko ang mukha niya at seryoso lang siyang napatango.

''Basta sa pagkain at inumin, marami akong alam diyan. Isa lang akong simpleng mamamayan ng Vampiria,'' simple niyang saad, at bahagya akong napangiwi.

''Okay"

''Alam mo ba? Maraming mga lobo at bampira ang nagkalat dito. No'ng isang araw nga ay may nakasalubong akong mga lobo at inatake ko,'' saad niya at mukhanng iniiba ang usapan.

''Oo,'' tanging 'yon lang ang nasagot ko. At rinig kong bahagya siyang natawa.

''Eh, ikaw? Talagang maldita ka na simula bata pa?'' tanong niya at napangisi kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

''Hindi," maikling sagot ko at kita ko ang bahagya niyang pagtango.

''Pero desperada ka talagang maging bampira? At ngayong isa ka ng bampira. Masaya ka ba?'' At bigla siyang nagseryoso.

Nanliit ang mata ko at bahagyang napatango. ''Siguro, mas lumakas ako at nagkaroon ako ng kapangyarihan,'' sagot ko.

''Hindi ka ba nagsisi?''

''Hindi, wala akong pagsisisihan kasi desisyon ko ito, this is my choice. Eh, ikaw? Nagsisisi ka bang ginawa mo akong bampira?'' balik kong tanong at natigilan siya.

''Hindi ko alam pero... hindi ako nagsisising tinulungan kita sa gusto mo. At kagaya nga ng sabi mo ay may kapalit naman, kaya wala akong pinagsisihan,'' aniya kaya mahina akong napatango.

Pagkatapos n'on ay naghari ang kathimikan sa pagitan namin. Wala ni isa sa'min ang nagtangkang basagin ang katahimikan. At puro huni lamang ng mga ibon ang naririnig.

Hanggang sa tumataas na ang araw, hanggang sa maghahapon na. Agad kaming napatigil nang makarinig  ng mga kaluskos sa paligid. Parang mga nagtatakbuhang nilalang.

''Ssh..'' At tinapat niya ang kanniyang hintuturo sa kaniyang labi, bilang huwag maingay. Tumango ako at dahan-dahang humkbang.

At awtomatiko akong napatigil nang tatlong nilalang ang nagsulputan sa harap namin, at base sa itsura nila ay isa silang mga lobo. Mabalahibo, matulis ang mga ngipin at ang kulay ng kanilang mata ay maputlang kulay yellow na may pagka-amber.

Bahagya akong napapikit nang sabay-sabay silang umungol sa harap namin. At nang tumahimik ay bahagya kong nilingon ang lalaki.

"Anong ginagawa nila?" bulong ko.

"Naghahamon 'yang mga 'yan." At napatingin ako sakanila nang maglabasan ang kanilang mga matutulis na ngipin. Napangiwi ako at napatango.

"Ano pang hinihintay niyo? Sugod!" walang gana kong saad at mabilis na kinuha ang dagger na nakuha ko sa bahay.

After The Dawn (Vampiria Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon