Dawn 30

152 10 1
                                    

Napangisi ako habang tinitignan siyang mag-isa at matapang na nakatayo sa tarangkahan ng kaniyang bayan. Ang damit niya ay bakas ng mga talsik ng dugo, habang mahigpit ang pagkakakuyom ng kaniyang kamao. Ang kaniyang mukha ay walang emosyon.

Ako ang nasa unahan kaya deretso ko siyang tinignan.

''Umalis ka sa daraan namin kung gusto mo pang mabuhay,'' simple kong saad at kita ko ang panliliit ng kaniyang mata.

''A-Aziza?'' At akmang lalapit siya sa'kin nang humakbang ang mga kasama ko at tinutukan siya espada.

''Huwag mo nang sayangin ang lakas mo at ipaubaya mo na lang ang bayan mo sa'min." At napangisi ako. ''Let's have a deal. Huwag kang lalaban at hindi namin sisirain ang iyong bayan, itong bayan mo naman ang importante sa'yo 'di ba? Wala ka ng kakampi, Franco, kaya pumili ka na lang. Lalabanan mo kami o ang iyong bayan?''

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid at lumaki ang ngiti ko nang unti-unti siyang lumuhod sa lupa.

''Magaling, Franco,'' bulong ko. ''Ikulong siya!'' utos ko at si Alpha ang lumapit sa kaniya.

Ngunit bago siya mailayo ay tinignan niya ako. ''Maling-mali na pinatuloy kita sa'king bayan,'' madiin niyang saad at puno ng galit ang mga mata niya.

Napanguso lang ako. ''Swerte ka nga at hinayaan pa kita mabuhay.'' At kahit na nakamaskara ay kinindatan ko siya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at hinatak na siya palayo.

Napangiti na lang ako at nilingon ang mga kasama ko. ''Maaari na kayong pumasok, kunin niyo na ang lahat ng gusto niyo.'' At nang sabihin ko 'yon ay halos mag-unahan na silang pumasok sa tarangkahan.

''Madali lang naman palang kasuap si Franco,'' bulong ko kay Merida at Cia nang makalapit sila sa'kin. Hindi sila sumagot at napangisi lang.

''Dito ang magiging campo natin, maraming pagkain dito. Hindi ka nagkamali sa pagpili, Aziza," tumatango-tangong saad ni Merida.

''I told you!'' natatawang saad ko at pumasok na kami sa loob.

Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang buong bayan. Totoo ngang wala nang bampira ang narito. Naiiling akong natawa. Hindi ko pa alam kung ano ang isusunod ko, ang centro ba o ang Assyria? Si Alpha na ang bahala sa Caeseria. Basta, sa'kin ang Centro.

''Magpahinga muna kayo rito. Bukas na lang tayo sasalakay sa Assyria,'' saad ko na hindi matanggal ang ngiti sa labi.

Hindi ko alam ngunit labis ang sayang nadarama ko ngayon, para akong nanalo sa lotto. I wrinkled my nose, damang-dama ko na ang pagkapanalo! At kulang na lang ay magpalakpakan na ang magkabila kong tenga.

Sa unang pagakakataon ay pumasok ako sa palayso ng Saperia. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mailibot ang paningin sa buong loob. Masyadong masikip at maliit, napangiwi ako.

Siguro... Mas bagay ako roon sa centro. Nailing ako at natawa. Ibang-iba ang palasyo sa centro, nakakalula ang taas at malawak. Agad din akong umalis doon at nagtungo sa bahay ko rito sa Saperia.

Lumipas ang oras hanggang sa mag-umaga na at madaling-araw pa lang ay gising na silang lahat. Mukhang naghahanda sila para mamaya. Ang bayan ng Assyria ang isusunod namin, at balita ko ay nagkakagulo rin doon dahil sa kanilang pinuno at sa babaeng nagngangalang Abby.

''Maiiwan ako rito,'' saad ko bago umupo sa harapan nila.

''Maiiwan din kaming dalawa,'' si Cia sabay turo sa katabi niyang si Merida.

Bumuntong-hininga si Alpha kaya nilingon ko siya. ''No choice. Sasamahan ko sila.''

Natawa ako sa tono ng boses ni Alpha. ''Ayos lang 'yan, ikaw ang leader nila.'' At napangisi ako.

After The Dawn (Vampiria Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon