Chapter 23

34 1 1
                                    

Leen POV


"Saan ba kasi tayo pupunta?" pang ilang beses ko ng tanong sa kanya simula nung umandar kami.

"Basta... You'll love it." nakangiting sabi niya. Hinayaan ko na lang dahil ayaw niya talaga sabihin.

Huminto ang kotse sa isang magarang building. Maraming tao na nakapila sa labas. May mga bata na nakauniporme na parang field day ata nila ngayon.

"Ang daming tao..." sabi ko habang pababa ng kotse.

"It's ok. Makakapasok tayo agad." sabi niya at hinila ako papunta sa entrance.

Pinapasok nga kami agad ng sabihin ni Steven ang pangalan niya. Ng nasa loob na kami, tumambad sakin ang sobrang daming art frames. Ang gaganda! Ang kukulay!

"Woah!" napanganga na lang sa sobrang ganda ng mga art frames.

Nasabi ko na ba sainyo? Na pangarap ko magkaroon ng ganito kagandang lugar kung saan lahat ng gawa ko nakapaskil at nakikita ng iba't ibang tao. Na lahat ng mga art frames ko nakikita nila. Na lahat yun ay sana maging inspirasyon nila.

Sa dami ng nangyari, sa puntong ito nakarelax ako. Nakakarelax kasi makakita ng mga arts. Sa kulay at sa kung pano ito ginawa. Sa bawat strokes. Sa mga pinturang ginamit. Mga ginamit na lapis o mga brushes.

Napayakap na lang ako kay Steven dahil sa sobrang saya makita ng ganito.

"Thank you!" sabi ko habang yakap siya.

"Basta masaya ka." sabi niya at gumanti ng yakap. Natawa na lang sa ka-chessyhan niya at bumitaw sa yakap.

Kung kanina siya ang may hila sa akin, ngayon ako naman.

Lahat ng art frames na nadaanan namin sobrang ganda. Meron makukulay at iba naman ay iisang kulay lang. Meron masasaya ang pinta at meron naman na sobrang lungkot. Malalaman kasi ang emosyon ng isang art sa kung paano ito ginuhit ng isang artist. At syempre kung anong iniisip nila at sino ang iniisip nila ng ginagawa ang isang art.

Akala ko maglilibot lang kami at titingin ng mga art ng sabihin ni Steven na punta daw kami sa second floor. Tumango na lang ako saka sinundan siya.

Ng makarating kami sa second floor, may nagaabang na nga staffs. May hawak silang roses isa isa.

Nahihiya kong kinuha ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Ng nakarating sa dulo dun na nangilid ang luha ko.

Nakasabit kasi lahat ng drawing namin. Lahat ng drawing namin dun sa drawing pad. Yung drawing pad na gusto niya itapon pero ayoko naman. Yung drawing pad kung saan nag drawing kaming dalawa ng mga gusto namin. Yung drawing pad namin na binili sa date namin.

Lahat ng drawing namin naka frame. Nakasunod pa rin ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa pinaka sentro kung saan nandoon ang drawing na hindi ko maalala dahil ang alam ko wala yun sa drawing pad. Yung drawing kasi is magandang bahay na nasa tabing dagat. Tapos sa bandang baba nandoon ang dalawang taong magkaakbay ngunit nakatalikod. Parang tinitignan nila yung bahay.

Humarap siya sa akin na nasa tabi niya ang frame. Ako namn nahinto sa kinatatayuan ko.

"Lalabs..." pagtawag niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Alam kong nagtataka ka dahil itong drawing na ito" sabay turo sa frame na nasa tabi niya. "ay wala sa drawing pad naten. Kasi lalabs itong drawing na ito" doon may kinuha siya sa likod ng frame na  bagong drawing pad. May nakasulat na next chapter of our lifes sa harap/cover. Binuklat niya ito at pinakita ang kaparehas na drawing na nasa frame. " ay nandito. Itong bagong drawing pad na ito ang magsisilbing unang yugto natin sa susunod na pahina ng ating buhay. Itong unang drawing ang ating unang bubuoin." naluluha niyang sabi. Speechless. Hindi ako maka react dahil sa mga scenario na naiisip ko.

Badgirls Married To PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon