Chapter 25

44 1 0
                                    

Thea POV

Lumabas sila Ley kasama yung dalawang lalaki na ngayon ko lang nakita.

Sa totoo lang nakakapagtaka ang mga gulat sa mga mukha nila kanina.

Dapat ba kilala ko yung mga lalaking yun?

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Lucifer at inayos ang mga dala niya. Umiling lang ako sa kanya at nagtanong.

"Kilala mo ba yung dalawang lalaki? Yung mga kasama nila Tine?" tanong ko sa kanya. Kumuha siya ng water bottle at umupo sa tabi ko. Tinitigan niya ako.

"Hindi mo ba talaga sila maalala? Mga kaibigan mo sila." sabi niya kaya napaisip naman ako.

Bukod kila Ley na silang mga kaibigan ko na pinaka close ko. Pero sila? Wala, hindi ko maalalang nakaclose or naging kaibigan ko sila. Tumingin ako sa kanya at nakatitig naman siya akin.

"Hindi... Hindi ko talaga maalalang naging kaibigan ko sila..." sabi ko. Huminga naman siya ng malalim at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ako? Kilala mo ba talaga ako?" tanong niya kaya napakunoot ang noo ko sa tanong niya.

"Syempre ikaw si Lucifer at boyfriend kita diba? Magpapakasal na nga tayo diba?" sabi ko. Ngumiti siya pero may bahid ng lungkot.

Bakit? Bakit siya nalulungkot? Dapat ba talaga kilala ko yung mga lalaki?

"Dapat bang kilala ko sila? May rason ba na dapat kilala at ka close sila?" pagtatanong ko. Pero imbes na sumagot nagtanong siya akin.

"Kelan ang unang pagkikita naten?" kumunot lalo ang noo ko sa tanong niya.

Ano bang nangyayari?

"Dinner party... Pero hindi ko maalala ang sumunod doon..." sabi ko at pilit inalala ang una namin pagkikita.

"Ok lang kung yun pa lang ang naalala mo... Wag mong pilitin..." pagpapakalma niya pero hindi ako nagpapigil. Pilit inisip ang sagot sa tanong niya.

"Tapos nag date tayo noon... May sinabi ako sayo pero hindi ko maalala kung ano. Pagkatapos yung dinner naten with your family... Yung chapel..." sabi ko. Huminto ako saglit. Tinignan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin at hinahantay ang susunod na sasabihin ko.

"Tapos... Yung aksidente kung bakit ako nandito... Yun... Yun lang naalala ko. Ni hindi ko alam bakit ako nagdrive... O saan ako pupunta ng maaksidente ako." sabi ko at yumuko.

Naramdaman ko na lang na pinunasan ni Lucifer ang pisngi ko dahil sa luha. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

Dapat ba talaga may maalala ako? Eh ano naman yun? Anong rason bakit kailangan ko maalala yun?

"Althea anak!" rinig kong sigaw ni mom. Napatingin ako sa pintuan.

Humahangos papalapit sakin sila mom at dad. Katulad nila Leen at Ley, yinakap rin ako ng mahigpit nila mom.

Napangiti ako dahil ramdam ko ang pagaalala nila.

"Jusko... Akala ko- akala ko mawawala ka na sa amin! Wag mo na ulit gagawin yun ah!" hagulgol ni mom.

"Mom... Tahan na po... Ok na naman na po ako... Tahan na please." sabi ko habang inaalo siya. Si dad naman malaki ang ngiti sa akin na para bang nakahinga siya ng maluwag. Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya.

Note: wala alam si otor about medical chu chu hahahaha kaya bahala na kayo intindihin 😆

Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa bumukas ang pinto. Pumasok yung nurse kasama ang doctor ko.

Badgirls Married To PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon