Chapter 4

7 3 0
                                    


Third person's POV:

“ILAN lahat ang bago?" Tanong ng isang lalaki ng presenteng nakaupo.

"Labing lima po master at may dumagdag pa pong isa kaya labing anim na po sila." Magalang na sagot ng isang lalaki na takot maparusahan. Nasa isang opisina sila. Ngumisi ang lalaking presenteng nakaupo,ang kaniyang ngisi ay para bang may kahulugan.

"Ikaw na ang nag-asikaso sa kanila."

"Opo." Magalang pa din nitong sagot.

Nagsalin ng wiskey sa kopeta ang lalaki na nakaupo, pagkatapos ay uminom.

"Leave." Maikli nitong utos sa lalaki at gayon din ay umalis ito.

He took a deep breath habang may malalim na iniisip.

France’s POV:

HINDI ako kampante sa suot kung maikling black mini skirt at fit na red blouse na may white design sa laylayan.Feel uncomfortable? Yeah...

May lumapit sa akin na isang lalaki na naka-tuxedo ng kulay itim with an innocent face, but all is just a  disguise dahil wala anghel sa impyerno. Naka poker face akong nakatingin sa kaniya.

"Hello young lady, I'm Fleux Go, your majesty."  Sabi nito at yumuko.

Sandali ay napataas kilay ako.

"Ituturo ko po sa inyo ang magiging dorm niyo po at—" Hindi ko na siya pinatapos sa speech niya dahil nagsalita agad ako.

" Thanks,but no thanks mister. Actually, I can handle myself. Ibigay mo nalang sa akin yung form at mapa,pati na din ang schedule."

Matagal bago niya binigay sa akin ang form na tila ba'y nag dadalawang isip pa. Nginitian ko siya, isang ngiti na may pinapahiwatig and that is ‘hindi ako mahuhuli sa mga patibong niyo. You can't bare with me devil!’ umalis na ako sa harapan niya.

Sa bawat tao na madadaanan ko ay napapatingin sa akin. Mga titig na gusto akong atakihin at mga ngiting may masamang binabalak. Umiling nalang ako.

Wala naman akong dapat ipagtaka sa mga ugali ng mga tao sa paaralang ito. May mga tao na ngang nagsasabi na;

"Killers,anak ni Santanas!"

"Walang breeding..."

"Bunch of evil!"

"Walang puso!"

"Walang kinabukasan!"

"Magaganda’t gwapo pero yung ugali ay demonyo!"

"Mga demonyita at demonyita!"

May motto na din ang paaralan na ito , just like Hell University na “Once you enter,no turning back!" Pero ang pinagkaiba lang sa dalawang paaralan dahil nakabukas ang malaking gate ng Hellish University pero kung tatakas ka na walang pahintulot, naku lang dahil makakalabas ka nalang kapag isa kanang malamig na bangkay.

Hindi ko nalang pinansin ang nakakamatay nilang titig sa akin,tinuon ko nalang yung pansin ko sa mapa. Hahanapin ko pa ang girls dormitory.

Pero ngayon ay kailangang ko pang pumunta sa principal office para magsubmit ng form.

This is the new beginning of my new life!




# Sino yung tao sa third person's POV?

Follow the next chapter:  

MERCILESS QUEEN




Laleybells /L.L   

Merciless Queen ( Ongoing ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon