France's POV:BINUKSAN ko ang pinto gamit ang susi na binigay sa akin ng mapadaan ako kanina sa faculty. Pumasok na ako sa loob ng dorm at nadatnan ko ang tatlong babae na busy sa kanilang ginagawa. Hayyy... Hindi na ako magtataka dahil every one dorm hindi iisang tao ang titira kundi apat. Malaki din naman ang dorm , hindi masikip at may apat na malaking kama.
May nalaman din naman ako na kaunting impormasyon tungkol sa misteryosong paaralan na ito. Kahit papano ay hindi na ako magtataka sa mga kinikilos ng mga tao dito sa loob ng campus.
Pwedeng pumatay kung gusto, hindi ka makukulong dahil legal ang pananakit. Legal ang pumatay sa paaralang ito. Buwis buhay kapag mahina ka.
Inilagay ko yung mga gamit ko sa gilid ng bakanteng kama na malapit sa dingding at bintana.
"Talagang tama ang hula ko na may bagong dorm mate tayo!!" Halos mabingi ako ng sumigaw ang isang babae na naka ninja sit sa sariling kama. Kulang nalang ata ay mabasag yung eardrums ko sa sobrang lakas ng boses niya. Parang nakalunok ang isang 'to ng microphone ah.
"Can you shut up Trisha,at kailan ka pa naging manghuhula?" Medyo sarkastikong patanong ng isang babae na nasa kanyang laptop nakatuon ang tingin.
" Ngayon lang,at tsaka huwag kang mag mataray na pusa diyan Megumi ," aniya.
Tumingin sa akin ang nagngangalang Trisha, and she smile like a kid.
"Hello,ako nga pala si Trisha Ballares, I'm fifty percent good girl... Can we be friends?" Dugtong pa nito habang ang mga mata ay kumurap kurap.
"Nag pa feeling close ka na naman Trisha."
"Shut up Monica! And mind your own business!"
"Okay, okay." Pagsuko ni Monica at binalik ang pansin sa librong binabasa.
Tumingin uli sa akin si Trisha na naka kamot ulo. She also acting like a brat.
"Pasensyahan mo na itong dalawa, talagang sinumpong sila ngayon sa pagka kj pero don't worry dahil mababait naman ang mga iyan. Hehehe..." Hinging paumanhin niya sa akin.
Ngumiti ako." It's okay,by the way i'm Francesca Aran Sujico ." Pagkatapos ay inilahad ko ang isa kung palad sa kanya upang makipag shake hands. Inabot naman niya ang kamay ko at ramdam ko ang init ng palad niya.
" Cheska, hindi ka naman siguro patay diba? Ba't ang lamig ng palad mo?"
Nginitian ko nalang siya. Hindi ko masagot ang kaniyang katanungan dahil pati ako ay walang alam.
"Alam mo Cheska,ang ganda mo... Parang may kamukha ka nga eh."
ANDITO ako sa kama ko, nakaupong habang nakasandal yung likod ko sa dingding. Nagbabasa ako ng PHR pocket book na hiniram ko kanina kay Monica. Kahit nagbabasa ako ay hindi pa din pumapasok sa utak ko yung binabasa ko. Ang lalim ng iniisip ko. It's not about of my mission but of course it's all about of my beloved son na iniwan ko kay Martha. Dalawang araw palang ay miss na miss ko na ang anak ko, paano pa kaya kapag isang linggong? Iniisip ko kung ano ang ginawa niya ngayon, kung uminom naba siya ng gatas at vitamins niya, kung kumain naba siya,o kung natulog naba siya ngayon.
"May problema ba?" Parang kabute na sumulpot sa gilid ko si Trisha.
"Ah... eh... Wala naman." Sabi ko at nginitian siya , ngiting peke.
"Eh... Bakit parang binagsakan langit at inipit sa gitna ng lupa iyang maganda mong mukha? Tell me, don't worry you can trust me Cheska."
" Eh... N-nakakalungkot kasi yung scene ng kwento."
Hinablot niya sa kamay ko yung libro at binasa ang pamagat nito.
" Are you sure Cheska? Eh... Wala namang sad scene sa kwentong ito, sa katunayan nga'y nakakakilig ang bawat yugto ng nobelang ito na tagos hanggang boto yung kigwa sa sobrang kilig."
Madali ay nakahanap ako ng palusot."Hindi naman kasi ang librong ‘yan kundi yung napanood kong teleserye na may sad scene pagdating sa middle part..."
Tumango-tango lang siya na ika inis ko. She's not safe pagdating sa nagbabalat kayong kaaway dahil sa madali niyang pagtitiwala.
"Ganon ba ? Sana mapanood ko din iyan... Sige , lalabas na muna ako Cheska at ikaw na muna ang bahala dito."
"Okay."
Lumabas na siya. Tumingin ako sa aking relo, malapit ng magtanghali . Hmmm... I sighed. Sana madali ko lang masolusyunan ang problemang ito. Para makabalik na ako sa anak ko.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang pagpasok ni Monica.
Lumingon ako sa kanya, nakita kung dumapa siya sa kaniyang kama at nag buklat ng libro na tumataghoy pa. Pansin ko lang, book worm pala ang babaeng ‘to kahit ilang oras ko pa siyang nakilala.
"Uhmmp... Cheska, pinapapunta ka sa principal office ngayon din. Gusto ka atang makausap ng headmistress," aniya.
" Sige, pupunta ako."
Tumayo na ako at inayos ang aking sarili.
—
—
—
—
—TO BE CONTINUE:
Laleybells / L.L
BINABASA MO ANG
Merciless Queen ( Ongoing ✔️)
Mystery / ThrillerShe's kind of a woman who are not an ordinary girl. She love dangerous, she are the badass you will ever see walking on the street with an innocent face who will make someone's fool. Wanna know her? Warning: SPG MATURE CONTENT