Prologue

0 0 1
                                    


"Umuwi na tayo please" pag mamakaawa ko sa pinsan kong si arian habang hinihila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Para ano? panindigan ang pagiging ignorante mo? " Singhal niya. Wala na akong nagawa ng tuluyan na kaming nakapasok sa isang gusali.

Agad sumalubong ang malakas na tugtugin mula sa speaker, napangiwi ako nang malanghap ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.

Tahimik akong sumunod kay arian kahit halos magkabungguan na kami ng sumasayaw sa dancefloor.

Magulo. Maingay.

It was like I'm in another world, far away from where I was used to.

We stopped walking when a group of people called arian, kumaway siya roon bago ako binalingan. Kinuha niya ang wallet niya tyaka ini-abot saakin ang tatlong libo.

"Bumili ka ng alak, uminom ka. Maghanap ka ng lalake mo." Aniya na para bang madali lang gawin lahat ng inuutos niya.

She sighed and rolled her eyes annoyed when she notice i'm not in my senses.

"Gusto mo bang habang buhay ka na lang sa bundok ha? probinsyanang tanga? kasi kung oo, ibabalik kita ro'n!" Mabilis akong umiling sa pananakot niya. Hindi ako pwedi bumalik saamin hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral.

"Oh, edi yun naman pala! ano pa tinatanga mo?"  sabay singit ng pera sa nakatiklop kung palad. Tumalikod na siya para pumunta sa mga kaibigan niya pero ilang hakbang pa lang ay muli itong lumingon saakin.

" Happy birthday!" Sigaw niya bago nawala sa paningin ko.

Hindi ko alam kung gaano na akong nakatayo sa pwestong pinag iwanan ni aryan basta naramdaman ko na lang ang pangangalay ng binti ko.

Walang hupa ang ingay at inuman ng tao, parang habang tumatagal ay mas lalo silang dumarami, mas lalo silang nagiging wild.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung uuwi ba ako o sundin ang sinabi ng pinsan ko. Nakita ko nalang ang sariling lumapit sa counter kung saan nakita kung bilihan ng alak.

Naupo lang ako roon habang binabaybay ang dami ng tao sa paligid. Wala masyadong tao sa banda ko kaya medyo nakampante ako.

Habang tumatagal ay nababawasan ang kaba ko, siguro dahil narin ito ang unang beses na nakakita ako ng ganitong senaryo. Napangiti ako ng makita ang pera sa palad ko, kahit sobrang maldita ni aryan alam kung gusto niya lang rin na maranasan ko ang sumaya at magliwaliw.

Alak.

Umorder ako ng hindi pamilyar na alak, gusto ko sanang tanungin si kuya kung ano ba yung maiinom dito kaso ayaw ko namang maging 'ignoranti' ika nga na parati kong naririnig sa pinsan ko, kaya kung saan unang dumapo ang mata ay yun na lang ang pinili ko.

I winced as I drunk a shot of tequila. Napapikit ako ng gumuhit ang pait nito saaking lalamunan. Gusto agad masuka sa lasa, ganito pala 'to pero bakit parang sarap na sarap ang iba? tyka hindi biro ang presyo, parang hindi makatarungan!

"Kaya pa miss?"  My brows forrowed as i looked at guy who set beside me. He smirked and tilted his head while intenly looked at me.

"Sino ka?" lasing kong tanong. Napapikit ako ng magsimula ng umalon ang paningin ko, teka nakailan na ba ako? Ganito ba ang sinsabi nilang lasing?

I heard him chuckled but before he could talk, i raise my right hand to stopped him.

"Nasaan ang cr?"

"You're drunk, sayang." Anito. "But anyway samahan na lang kita, okay lang ba? baka maligaw ka rito mukhang bago ka lang e" dagdag niya pa at bumaba ang tingin niya sa suot ko.

I'm wearing white shirt and jeans paired with white shoes, hindi katulad ng mga tao dito na halos maghubad na. Sinamaan ko siya ng tingin para kasing sinasabi niya na hindi ako belong dito! Judger!

Tumawa lang siya at Inalalayan ako sa paglakad. Umakyat kami sa hagdan na hindi masyadong ma tao tapos nagulat pa ako kasi may guard pa. Nahagip ng paningin ko ang nakasulat sa pinto, VIP.

Nang makarating sa banyo ay agad akong umuhi, Hindi ko mawari kung gaano ako katagal sa loob feel ko nakatulog pa ako sandali. Pagiwang-giwang akong naglakad palabas pag dating ko ay wala na yung lalaki. Saan na yung mukong na yun? bahala siya dyan uuwi na ako.

Agad din akong napatigil at nanlaki ang mata ng may naalala.

Lalaki.

Kailangan ko ng lalaki. Bilin yun ni aryan sinusunod ko lang.

I glazed over the group of people. Kakaunti lang dito sa taas halos mabibilang mo lang sa daliri. My forehead crease while searching for a good looking guy until my eye caught a man who's drinking alone.

Bahagya siyang nakatagilid kaya hindi kita ang kabuohang mukha nito pero malinaw ang tangos ng ilong at ang magandang hulma ng perpektong panga niya.

"Hi" I greet before seating on the table in front of him. His forehead crease then lifted his gaze on me. My lips parted as i stared at him.

Wow. 

I've seen a lot of good looking guys but this one really hit fucking different. He looks dangerous but not the way to scared me though.  His lips were thin and reddish. Hindi ko inexpect na ganitong mukha ang makikita ko ngayong gabi! blessing.

He was wearing white long sleeve polo, bahagya itong nakatupi hanggang sa siko at bukas ang tatlong botones nito sa itaas. Walang emosyon niya akong tingnan at pinasadahan pa ako ng tingin.

"What do you want?" He said coldly.

"Pwedi bang pa upo?"

"You already sit, why bothered to ask?" Sarkastiko niyang sagot.

"Hindi dito." Tinuro ko ang sofa na katabi niya. "Hindi rin diyan." Tumayo ako tyaka naupo sa kandungan niya at mabilis na pinulupot ang braso sa leeg niya.

"Dito, dito yung gusto ko." sabi ko ng diretsong nakatingin sakaniya. Dala ng kalasingan ay kung ano na lamang ang ginagawa ko.

He looked at me with parted lips, His eyes are deep and cold that sent me shivered lalo na't titig na titig siya saakin. Mabilis akong umiwas ng hindi nakayanan ang intesidad, bumaba ang mata ko sa dibdib nito ata wala sa sariling napangiti ng makaramdam ng kakomportablihan. Sumandal ako sakaniya at pinilit na isniksik ang mukha sa leeg niya.

Ambango niya. Iuwi ko kaya 'to?

I was busy inhaling his scent when i heard him wishpered.

" You're crazy."  Then he chuckled.

Avidity InflamedWhere stories live. Discover now