Ilang araw na ang lumipas, pero naiwan parin sa isipan ko yung katanungan na hindi ko parin masagot sagot. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan. Ako, si Tito at Tita lang ang nasa bahay, kasama ang mga kasambahay nila, habang si lolo naman ay nasa kwarto n'ya.
May kanya kanyang mga Lakad ang magkakapatid at hindi lahat ng oras ay magkakasama sila. Matuturing nga na sobrang laki ng bahay na 'to pero tahimik naman, parang walang laman.
"Oh, Astrid may napupusuan ka na bang skwelahan na papasukan para sa kolehiyo?" tanong ni Tito.
bahagya akong tumingin sakanya pagkatapos kong lunukin ang kinakain ko, "Meron na po Tito pero hindi pa po ako nakakapunta para makapagpasa ng requirements, sabi po ng kaibigan ko sabay nalang po kami sa lunes." sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.
"Aba, mabuti naman kung ganon anak, kung undecided ka you can simple enroll sa University na pinapasukan ni Arlo para may common side naman kayo kahit papaano." nakangiting sambit ni Tita.
Isang bahay with him? tapos isang skwelahan kasama s'ya? ayaw ko nga!
"Hindi na po Tita, matagal ko na rin po na naiisip na pumasok sa isang skwelahan na nag-ooffer ng magandang quality sa pagtuturo in terms of Architecture." marahan kong sagot.
"Daddy, magkakaroon na pala tayo ng Architect na mamanugangin" pang-aasar ni Tita na saka namang ginatungan ni Tito ng tawa.
Nasamid ako sa iniinom kong tubig sa sinabi ni Tita. "Si Tita talaga.." Awkward na sabi ko. Bakit sila ang bilis bilis nilang natanggap? Bakit ako parang never ako makaka-move on sa mga kaganapan? Ang Unfair!
"Pagpasensyahan mo na si Tita mo, gustong gusto ka lang talaga n'yan. Basta, pursue your dreams 'nak. If you need help, in behalf of your Mama and Papa, we're always here to support you and give you guidance basta magsabi ka lang." nakangiting dagdag ni Tito.
Napaka bait nilang dalawa, hindi nalalayo yung ugali nila sa ugali ng mga magulang ko. Napaka-swerte namin na nagkaroon kami ng ganito kasayang pamilya.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nag-paalam ako kay Tita na aalis muna ako saglit para kitain si Charlene, yung bestfriend ko. Ilang araw na namin 'tong napag-usapan pero ngayon lang namin naisipang ituloy yung plano namin, siguro dahil na rin busy s'ya sa sarili nilang tindahan.
Agad naman akong pinayagan ni Tita basta daw ay umuwi ako bago maghapunan dahil uuwi ang pamilya ni kuya Damian para maipakilala sa'kin. Finally! makikilala ko na rin yung mga anak nya at syempre yung wifey n'ya.
Naligo, Nag-ayos at Nagbihis na ako. Naka plain white shirt lang ako for top then khaki jeans romper para sa pants, tinupi ko lang yun ng dalawang beses para hindi masyadong mahaba, and syempre para sa sapatos ang favorite old school na mid-cut converse na black ko.
Nilagay ko na sa cream colored totebag with owl print sa gitna yung mga essentials na kailangan ko for the whole gala. Like, perfume, lip tint, press powder, wallet, I.D. and syempre foldable na umbrella if ever na biglang mang-trip si Ulan.
YOU ARE READING
In Love with Mrs. Alfresco
Teen FictionAstrid, leave her life in province just to take her luck in Manila. After graduation, her family decided to send her to a prestigious school to take up Architecture, but she learned that her lolo has a favor to ask and in order to save his life, she...