#1: Let Me Go

0 0 0
                                        


Disclaimer: This story is made up according to the author's imagination. Any resemblance to other stories are accidentally made or coincidential.

*****

"I saw Kirk again, hitting other girl last night." Saad sa akin ng aking kaibigan. Napabuntong hininga nalang ako sa aking narinig. Sanay na ako sa ganung balita. Wala namang bago doon.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain at maiinom. Nagsalin ako ng malamig na tubig at dinala iyon sa sala.

Nadatnan ko ang aking kaibigan sa sala na umiiyak na naman dahil sa pangangaliwa ng kanyang asawa sa kanya.

Yes, they are married for almost five years. But then, her husband hasn't change anything from his younger doing. He loves hitting girls, kahit paman may asawa na sya.

Ibinigay ko sa kanya yung basong may lamang tubig. "Uminom ka muna Steph." Saad ko. Inabot nya naman ito pero konti lang ang kanyang ininom.

"Pagod na ako Tricia. Pagod na pagod. To the point na gusto ko ng sumuko. Buti nga yung asawa mo, natuto nang magbago. Yung akin, ni katiting wala." Kalmado niyang sabi.

Natawa ako sa sinabi niya.

Masakit man aminin pero tulad din ng asawa ni Steph, babaero din si Sander. Di ko lang sinasabi sa kanya.

Matagal na kaming magkaibigan ni Steph. At saksi ako sa bawat pambababae ng kanyang asawa sa kanya. Di ko lang talaga sinasabi kasi ayokong ako yung magsabi. Ayokong sa akin manggaling. Gusto ko siya mismo yung makakita. Ayokong sumawsaw sa problema nilang dalawa.

"Kausapin mo sya Steph. Wag yung ganyan, yung padalus-dalos kalang sa desisyon mo. Kasal na kayo." Suhestyon ko sa kanya na agad nya namang tinutulan.

"Ilang salita pa ba ang kailangan kong sayangin para lang matauhan sya Tricia? Pang lima nya na tong babae simula nung ikasal kami. At kahit kailan, di sya nakinig sa akin. Di ko nga alam kung kino-consider niya nga ba talaga akong asawa niya." Saad niya.

Nabaling yung atensyon ko sa asawa kong kakapasok lang sa aming tahanan. Nadatnan niya si Steph na umiiyak habang ako naman ay pinapatahan siya.

"Kaya ikaw Sander, wag kang tumulad sa asawa kong babaero. Kahit kasal na, naghahanap pa rin ng babae! Di ba kayo marunong makontento sa amin?" Sigaw niya sa asawa ko. Agad ko naman siyang sinaway dahil baka ano pa ang masabi ng asawa ko sa kanya.

Sinenyasan ko nalang si Sander na umakyat na sa taas para makapagbihis ng pambahay. "Shh. Tama na Steph. Kumalma ka."

"Tricia? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Nakakairita ba akong asawa? Kaya ko namang magbago para sa kanya ih. Iniwan ko na nga ang gusto kong trabaho sa Canada para sa kanya. Ano pa ba ang kulang?" Naiiyak niyang sabi.

Niyakap ko si Steph kasabay ng paghagod ko sa likod niya.

Yan din naman ang tanong ko sa sarili ko nung malaman kong nambababae parin hanggang ngayon si Sander. May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Nagbago din ako para sa kanya pero wala ih. Naghanap pa din sya ng iba.

"Steph. Walang mali sayo. Actually, you are every man's dream girl. The ideal wife to be. Sadyang di lang talaga nakontento si Kirk sa kung ano man ang ibinibigay mo. Don't blame yourself." Saad ko.

Matapos ang pag-uusap namin ni Steph ay pinahatid ko na sya sa driver namin. Baka kasi ano pang gawin niya sa sarili niya.

Nang makaakyat ako sa kwarto, nadatnan ko si Sander na may kausap sa kanyang telepono. Di ko nalang inisturbo kasi alam ko naman kung sino ang kausap niya.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon