𝗲𝗹𝗲𝘃𝗲𝗻

100 6 0
                                    

it's heeseung's birthday.


“oy, pre, di naman pantay. mababa yung sa kaliwa oh, ayusin mo naman.” pinilit ko ang sariling ibato sa kaniya ang tarpaulin na hawak ko sa inis nang marinig ang demanding niyang boses.

“hoy! masiyado kang maarte ah! akala mo ba hindi ko napapansin? porket birthday mo inaabuso mo ang kabaitan naming mag-kapatid sayo, you jackass.” sa unang beses nagustuhan ko ang pagiging maingay ni kelly.

“anong maarte dun? ang pagiging maayos maarte na ba ngayon?”

“hindi lang yan ang tinutukoy ko, tanga! ang aga-aga mambubulabog ka dito at gigisingin ang napakasarap kong tulog para sabihing gusto mong dito maganap ang engraaaande mong birthday. tapos ako pa ang pinaluto mo ng almusal mo!” kahit hindi ako nakatingin alam kong namumula na sa inis si kelly.

“come on, it's my birthday. wala na nga kayong regalo sakin tapos ganto niyo pa ako tratuhin.”

“kasing kapal ng libag mo ang mukha mo. hindi pa ba sapat na regalo tong pagpayag naming dito maganap ang birthday party mo? na pinagluto kita?”

“pinagluto mo nga ako sunog naman at walang lasa.”

napalingon ako sa kanilang dalawa sa narinig. hindi na ako nagulat nang makita ang halos naguusok na ang ilong sa galit na si kelly. sa lahat ayaw na ayaw niyang nilalait ang luto niya kahit naman talaga wala siyang talent doon.

rest in peace, bro.

“anooooo?! ikaw—”

“no, please!” putol ni heeseung habang nakaharang ang kamay sa mukha. “birthday ko ngayon at ayaw kong magkapasa sa mukha. can you spare my life just for today?”

hinihingal sa galit ang kapatid ko pero pinigilan niya pa din ang sarili. hindi totoong wala siyang regalo sa tukmol na to. alam kong nakaraang linggo palang hinanda niya na ang regalo niya para kay hee dahil lumabas siya ng bahay noon, unang beses matapos ang dalawang buwan.

umatras siya at malalim na bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. “humanda ka sakin bukas. i will literally skin you alive.” at tumalikod  sabay lakad paalis.

“tch. alright, mr. birthday boy, ayos na ba yan?” tukoy ko sa tarpaulin na kinabit ko.

mukha niya yon na nakanganga habang natutulog. picture na ako mismo ang kumuha pero si sunghoon ang nagpa-tarpaulin. kuha yan noong third year high school palang kami.

“pwede na.” aniya.

“yung mga alak nasan na?”

“si jake-the-rich-boy na ang bahala doon. dadalhin niya daw mamaya.”

tumango ako. “gaano ba karami ang ininvite mo? baka naman kinabukasan wala ng pader tong bahay namin.”

“what? ang oa mo. konti lang, no. i think mga nasa two hundred?”

nalaglag ang panga ako. “a-ano? gago ka ba?”

“just kidding. tayo-tayo lang din ng tropa tapos mga girlfriend. ininvite ko din grupo nina yeonjun para mas masaya.”

“mabuti kung ganon, muntik na kitang masapak kanina.” umirap ako at kinuha yung tubig sa lamesa at nilagok.

“si sienna nga pala,” bumalik agad ang tingin ko sa kaniya  “sa tingin mo papayag yon maki-party satin?”

nagkibit-balikat ako. “don't really know. she doesn't seem like someone who attends drunk party like this.”

“eh? magda-dalawang buwan na pero hindi mo pa din siya kilala?”

“bro, it's not like we're always together every single day. how would i know something about her?”

“sabagay.” sang-ayon niya. “but come to think of it, did sienna ever mentioned why she moved in here?”

napaisip ako. “uh, she once mentioned about her mother's work near here and that's probably the reason.”

“saan sila unang nanggaling? nasabi niya din ba?”

muli ay napaisip ako hanggang sa dahan-dahan akong umiling.

“hmm? that's weird. you've been hanging around with her for the past two months yet you're only certain about her is her name—wait, do you even know how old is she? she's like the girl from nowhere.” aniya na parang natatawa pa samantalang ako ay parang sinampal ng reyalisasyong tama siya.

sa totoo lang ay matagal ko na ding napapansing kapag may tinatanong ako bagay na tungkol sa personal niyang buhay ay minsan iniiba niya ang usapan at kapag sumasagot naman ay parang hindi siya sigurado or more of she's just lying.

totoong kahit ang edad niya ay hindi ko alam o kahit man lang birthday niya, well, not that it's important but i still somewhat find it weird that despite of knowing her for almost two months didn't do much of help to get to know her. does kelly know about this too? o hindi niya napapansin?

should i ask her about this later? matagal na akong binabagabag ng kuryosidad ko simula palang noong nanood kami ng movie na dalawa. noong itinanong niya sa akin ang bagay tungkol sa kasiyahan. hanggang ngayon nasa utak ko pa din ang larawan ng malungkot niyang mga mata. napapaisip ako kung anong naranasan niya at ganon kalungkot ang mga mata niya at kung isa ba yon sa dahilan kung bakit sila lumipat dito?

if i ask her will she freak out? will she find it weird that i ask her what i'm curious about out of nowhere?

“argh. maybe i'm thinking too much.”

after all, we didn't ask her about anything specific so there's nothing for her to answer anyway.

napabuntong-hininga ako. this is annoying.

i just realized that she's like a walking mystery. is she hiding something behind that sweet smile of hers?

“uy, jungwon.” narinig kong bigla si heeseung. nilingon ko siya. “natulala ka? kanina pa kita tinatawag.”

natulala pala ako ng hindi ko namalayan. nasapo ko ang ulo nang maramdamang kumirot yun. “sorry, what is it?”

“kanina pa may kumakatok sa pinto niyo.” saka ko lang narinig yung sunod-sunod na katok sa pinto. “birthday ko kaya dapat ikaw ang magbukas.”

sinamaan ko siya ng tingin. “anong connect, hinayupak ka.” umirap ako at naglakad nalang palapit sa pinto at binuksan yon.

bumungad sakin ang nakangiting si sienna. “good morning, jungwon!”

natigilan ako at hindi nakasagot.

hindi ko alam pero bigla akong napatitig sa kaniya na parang sinusuri at binabasa siya. natulala ako at nakikita kong may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan kung ano. ang tanging naririnig ko lang sa utak ko ay isang tanong.








“sienna, just who are you?”

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon