Chapter 51

2.3K 41 1
                                    

Amanda's POV

Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga. Nanginginig ang aking mga tuhod at nagpapawis ang aking mga kamay. 

"Kaya mo 'yan gurl. Isang Q&A nalang, galingan mo!" imbis na kumalma ay mas lalo lamang akong kinabahan sa pang pe-pressure ni Rica. Nakakainis naman ang binabaeng ito. Akala siguro ay kaya ko lahat, nananakit na ang aking paa dahil sa high heeled na sapatos, idagdag pa ang mukha kong nangangati na dahil sa makapal na make up! 

"Tingin mo Rica, mananalo ba ako?" kinakabahan kong tanong. First time ko ito, kahit nakapasok ako sa final three ay mahirap pa rin mapakampante. 

"Oo, sure na 'yan." napanguso ako. Ang laki ng tiwala niya sa akin. 

"May follow up question daw ang judges, hindi ko pa alam kung sino ang magtatanong sa akin." nanginginig ang aking kamay na humawak kay Rica. 

"Okay lang 'yan. Dali, larga na, ikaw na ang susunod." ipinagtulakan ako ni Rica kaya wala na akong nagawa kundi ang umakyat sa entablado. Pag akyat ko ay katatapos lang  nung isang kandidata sa pagsagot. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga estudyante, habang ang mga judges naman ay nakangiti habang pumapalakpak. Mukhang maganda ang sagot ng susundan ko. 

"Okay. Our next candidate, please move forward, Ms. Dela Cruz" napalunok ako ng ituro ni Ma'am Serene iyon pwesto kanina ng unang kandidata. Kinalma ko ang aking sarili at humakbang doon. Nagiging magaan ang aking pakiramdam sa ngiti ni ma'am Serene. Kailangan kong kumalma para maayos ang aking pagsagot. 

"You seems very nervous Ms. Dela Cruz" napatingin ako kay Ma'am Serene, nakangiti ito. 

"Breath in, breathe out" paulit-ulit na sabi nito, halatang kinakalma ako. Nginitian ko siya para ipahiwatig na handa na ako sa pagsagot. 

Iniiwas ko ang aking tingin sa kanang bahagi ng entablado. Naroon kasi iyong lalaking babaero. Ang sama-sama ng tingin sa akin, para akong kakainin ng buhay. 

"Okay, Ms. Amanda. This is your question, you just have 30 seconds to answer so think wisely." tumango ako at tumingin sa mga judges. 

"What do you think is worse – an emotional affair or a physical one?" kumabog ng malakas ang puso ko. 

"Your time start now" 

"If only there was a measure of which of the two was the worst, I also want to know to determine which is more painful. Because on my part, nothing hurts more than the knowledge that he had an affair physically, because he loves the woman emotionally." pinilit kong ngumiti sa madla. Nagsisigawan ang mga estudyante dahil sa sagot ko. Buti nalang at hindi ako nabulol o nanginig ang aking boses. Sobrang sakit. Nanunuot. 

Bakit kasi puro pag-ibig ang tema ng patimpalak na ito? Kung susumahin ay parang naikwento ko na ang nararamdaman ko simula ng maging kami ni Xane at nung maghiwalay kami. 

"Okay! Nice answered Ms. Dela Cruz" sabi ni Ma'am Serene. May ngisi ito sa labi habang tumatango-tango. Napailing ako at muling tumingin sa mga judges. 

"And since you are the last candidate among the three. Please pick one paper for the followed up question" tumango ako at bahagyang lumapit kay Ma'am Serene. Ito ay nakasaad sa rules kaya wala kaming magagawa. 

"Hmm.." ngumiti sa akin si Ma'am Serene. Parang gusto ko siyang ngusuan. Ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon? 

"Okay. The judge who'll ask you will be Mr. Sebastian Tauzon. Please, Sir, do the honor" nag palakpakan at hiyawan ang mga estudyante. Napatingin ako kay Sir Sebi. May ngiti ito sa kanyang labi, ngumiti ako pabalik, sana naman ay madali lang ang tanong niya. Gaya ng 'For you, what is love?' ganon. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon