Naging successful naman yung araw ko for a week na hindi binibigkas ni hindi naririnig ang pangalan ni toot. Minsan nga naeenjoy pa namin ni Kate eh, parang nagiging laro na lang samin yung badword thingy eh. XD
Everyday kong tinitignan ang locker ko to make sure may letter ng dumating, nahohook na kasi ako sa mysterious letters na ito eh. Kung sinuman sya, nagpapasalamat ako sa ginagawa nya para sakin. Kung babae sya, kakaibiganin ko sya at kung lalaki sya... baka mahalin ko sya. haha. Hindi, joke lang. Sabi nga ni Kate baka mamaya daw isang fatso pero kung ganun nga, pede ko rin naman syang maging kaibigan diba? Basta kung sinuman ito at pag nakilala ko, I'll be very grateful to her/him.
Mukhang weekly magpdala ng letter kasi after a week, saka lang ako nakareceive ng letter.
"Sis! Ayan na! May new letter!" excited kong pinulot yung letter na nalaglag mula sa locker ko pagkabukas ko nito. Binasa agad namin ni Kate ang laman.
------
3. Do new things that will keep yourself busy.
----
At pagkabasa ko nun, nakareceive ako ng text from an anonymous number.
From: +63000******
Hi Sena! Ako 'to, si Trey, yung sa class ni toot. Kamusta?
How did he know my number?
Way --- 3
“Sure ka ba dyan?” natatawang nag-aalangang tanong sakin ni Kate habang nagfifill up ako ng form sa taekwando club.
“Oo, diba nga nabasa mo naman yung nakasulat dun sa 3rd letter? Diba ang sabi do something new daw! Eto, new ‘to! I’m joining a new club at alam mo namang never kong natry magtaekwando diba? I think this would be cool!”
“I think this would be a disaster! You can’t even open a cap of a bottled ketchup what more kung makikipagbugbugan ka pa dyan sa mga taekwando students! Baka mabalian ka lang!” tawa pa rin sya ng tawa.
Tinignan ko sya ng masama at sarcastic na sinabi, “Napakasupportive mong kaibigan.”
Mamamatay na ata sa kakatawa si Kate, “Eh kasi naman bakit hindi ka na lang sumali sa club ko? Dun ka na lang sa club ko.”
“Heh. Mas prefer ko pang mabalian ng buto sa taekwando kesa magsayaw! Alam mo namang balu-baluktot ang paa ko! Mas mamamatay pa ako sa pagsasayaw kesa sa pagta-taekwando!”
“Sige na nga, bahala ka. Basta paalala lang, ilagay mo na sa speed dials mo ang 911.”
“Heh! Umalis ka na nga dito! Dumiretso ka na sa club mo, tignan mo nga kung anong oras na. Iniintay ka na ng mga club members mo!”
“Antaray neto, ikaw na nga ‘tong nagpasama sakin ikaw pa nagpapalayas sakin. Sige na nga, babye na! Goodluck, sabihin mo lang sakin kung anong hospital room ka pagkatapos ah?”
Sinipa ko sya sa paa pero nakailag sya, “Woah! Wag kang magpractice sakin ng taekwando!”
“Che!” tumawa lang sya at nagwave na at umalis na.
Nung matapos na ako magfill up, binigay ko na dun sa organizer sa may pinto.
“Here.”
BINABASA MO ANG
11 ways to forget your ex-boyfriend (full story)
RomanceStory by HaveYouSeenThisGirL