Line 2

3 0 0
                                    

INILAGAY ko ang bag na dala ko sa opisinang okupado ko at kinuha ang report na ginawa ko kahapon. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas upang ibigay ito sa head namin.

Ang pagod. Wala pa akong sariling sa sakyan. At tuwing umaga ay nagjejeep o kaya ay nagtatricycle ako. Gusto naman nila akong bigyan ng sasakyan pero inayawan ko. Lahat na nang pangangailangan ko ay naibigay na nila at sobra sobra na iyon. Gusto kong ako naman ang makapundar para sa sarili ko.

Sinigurado kong  nabasa ko ang lahat ng nandito. Ito ang resulta ng imbestigasyon namin karaang linggo.

Kumatok muna ako bago pumasok. Respect does matter here lalo pa at kami ang modelo ng batas.

“Sir!” agad akong sumaludo pagkasara ko ng pinto.

“Good morning!” pagtugon nya kasabay ang pagsaludo din.

“Sir! Inspector Macey Altamerano Reporting. Sir!” matikas na sabi ko.

Pinagkuskos nya ang mga kamay nya bago nagsalita. “Ayaw ko na ng paligoy-ligoy. Anong balita sa mga Sarmenta?” mahinahong sambit nya.

Inilagay ko ang report sa lamesa at agad naman nyang binasa.

“Positive Sir. Fool play ang lahat. May nakita kaming mga ebidensya sa pinangyarihan ng krimen at lumalabas na isa sa tauhan ng Arenas ang may gawa.” Proud na saad ko.

Ipinitik nya ang hintuturo sign na ipagpatuloy ko ang pagsasalita. “Nakita narin po namin ang sasakyang ginamit sa pagpatay at hindi lang po iyon. Ang bunso ng Sarmenta na inireport tatlong-araw na ang nakakaraan ay natagpuang wala naring buhay. Dalawang probinsya mula rito.” Naikuyom ko ang kamao ko matapos banggitin iyon.

“God damnit!” Ibinagsak nya ang papel na hawak sa lamesa dahilan ng pagkagulat ko.

“Malapit na ang eleksyon. Masamang magsabi pero mukhang ito ang paraan ng mga Arenas upang bantaan ang mga Sarmenta”. Sambit nya at tila nag-iisip.

“Gusto kong humanap kayo ng pinakamatibay na ebidensya laban sa mga Arenas. Gusto kong lumabas na ang mga baho nila dahil sumasakit na ang ulo ko sa pamilyang yan. Understood?” nanggigil na sabi nya.

“Yes, Sir!” dagliang tugon ko.

“Sapat na ang mga nalaman ko. You may leave.” Kalmadong sabi nya.

“Sir. Thank you. Sir!” pagsaludo ko.

Humakbang na ako paalis dahil mukhang marami rin akong gagawin. Akmang bubuksan ko na ang pinto when I heard him called me.

“Anak sandali.” Lihim akong napangiti. Alam kong mula sa sa mga sandaling iyon pamilya na ang namayani.

Humarap ulit ako sa kanya ng nakangiti.

“Yes, Dad?” Usisang tanong ko. Napangiwi ako ng tinignan nya ang ako matalim. Mukhang masesermunan pa yata ako.

“Alam ko ang sitwasyon nyong mag-asawa, simula’t sapol.” Napangisi sya ng nakakaloko matapos sambitin iyon. Damn.

“Anak naman, Macey. May intelligence subject tayo baka nakakalimutan mo.” Napayoko na ako at hindi na lang umimik. Totoo naman hindi kami okay.

“Pero hindi ako mangingiaam. Sa ngayon. Dahil kapag wala pa kayong progress sa loob ng limang buwan ako mismo ang magpapatapon sa anak ko doon sa Davao.” Seryosong sabi nito. Naiangat ko agad ang aking ulo at hindi makapaniwalang tumingin dito.

“Po? Teka lang dad. Alam naman po nating hindi sya papayag. Alam naman natin wala po talagang something!” shit. Hindi ito maganda.

“Something something. Whatever. I trust you. Hahaha. You can have him. Malapit na.” taas noong sabi nya at mukhang siguradong sigurado sya.

Legal Wife Line Do Not CrossWhere stories live. Discover now