BIAMI 5

345 19 0
                                    

Habang taimtim na nagdadasal ang mga magulang ni Bianca kasama si Yumi. Lumabas na ang Doctor. Agad namang tumayo at lumapit ang mommy ni Bianca sa Doctor.

"Doc kamusta ho ang anak ko?"

"Good evening po. Kaano ano nyo po yung pasyente?"

"Anak ko po"

"Maayos naman po ang pasyente may fracture lang sa kaliwang balikat kasi may bakal na aksidenteng tumusok at nakabali ng buto nya. Kinailangan na ho namin siyang operahan without your consent kasi its an emergency cases. Bukod naman po sa balikat nya wala ng ibang complications may kaunting galos sa mukha pero sa awa ng Diyos wala namang malalang nangyare sa ulo nya. Nasa maayos na ho syang kalagayan kaya wala na ho kayong kailangang ipagalala" Assurance ng Doctor sa mga magulang ni Bianca.

Napahinga naman ng malalim si Yumi at mga magulang ni Bianca sa magandang balitang narinig na galing sa Doctor.

"Salamat sa Diyos, salamat ho doc"

"You're welcome it's my pleasure to help, you can visit the patient naman na we will transfer her na sa sarili nyang room this time tulog pa sya kasi medyo mataas yung dosage nung anesthesia nya pero she will wake naman na with in an hour"

Tumango nalang ang magulang ni bianca at muling nagpasalamat sa Doctor.

Sama sama na silang pumunta sa kwarto kung nasaan si Bianca.
Nakita nila namay mga bandage yung katawan ni Bianca kaya awang awa si Yumi sa kaibigan ganon din ang mga magulang ni Bianca.

"Anak, andito na kami ni Daddy. Ang strong talaga ng anak ko" Sabi ng mommy ni Bianca habang kausap ang natutulog na anak.

'B, sorry feeling ko kasalanan ko bat ka nagkaganyan sana ako nalang, ang hirap makita kang ganyan. Sana ako nalang yung nasasaktan' Yumi said to herself.

"Yumi, anak gabi na di ka pa ba uuwi?" Tanong ng daddy ni Bianca.

"Ayos lang po tito. Hintayin ko pong magising si Bianca"

"Sure kaba anak?"

"Yes po tita ako lang din naman po nasa condo so much better dito nalang ako kasi mas magaalala po ako pag nasa bahay"

Napangiti nalang ang mga magulang ni Bianca dahil natutuwa sya kay Yumi na sobrang bait na bata.

"Dad, Bili nalang muna tayong food for sure gutom na yan si Yumi"

"Ano Yumi? Anong gusto mong pagkain?"

"Okay lang po ako tita, wag nyo ho akong alalahanin" Yumi said without looking kasi all her eyes is nakay bianca naka titig.

"Osha, ikaw na muna bahala dito. Pag nagising na si Bianca andyan yung mga nurses let them know."

Tumango nalang si Yumi at tumabi malapit kay Bianca. Umalis naman na ang magulang ni Bianca para makabili ng kakainin nila.

YUMI'S POV

B, May masakit ba? Nalulungkot ako. *hold Bianca's hand* sorry hinayaan pa kitang mag drive ng gabi na. Sana ako nalang nandyan. Tingnan mo yung mukha mo puro galos ang ganda ganda tapos puro galos na. Sorry B, sana sakin nalang lahat ng pain. Babawi ako sayo B di kita papabayaan. Andito lang ako palagi sa tabi mo kahit anong mangyare.

End of Yumi's POV.

Habang naghahantay magising si Bianca. Si Yumi nakatulog na ng nakaupo sa gilid ng bed ni Bianca.

Dumating nadin ang mga magulang ni Bianca dala dala ang mga gamit ng anak. Natagalan silang bumalik kasi kinailangan nilang umuwi para makakuha ng gamit ng kanilang anak. Nakita nila na nakatulog na si Yumi na nakasandal sa bed ng kanilang anak.

SHIPPERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon