BIAMI 12

246 31 5
                                    

"Anak ko si Bianca. Baby pa lang yan kilala ko na. Ibang iba ngiti nyan pag nandito ka. Kaya alam ko na." Pabulong na sabi ng mom ni B sakto lang na sila lang nakakarinig.

Napatingin naman si Bianca sa mom nya and kay Yumi. Nagtataka sya kasi nakatingin yung dalawa sa kanya.

"Mommy? Yumi? Ano pinagchchismisan nyo ba ko? bakit ganyan kayo makatingin sakin?"
Natatawang tanong ni Bianca.

"Pano. Itong girlfriend mo nahuli kong tingin ng tingin sayo." Bianca's mom said.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Girlfriend?" Sabay na sabi ni Bianca at Yumi.

"Hala, bakit? Hahaha ano ba dapat?. Boyfriend? Sino ba lalake sa inyo?."

Nanlaki nalang mata ni Bianca at Yumi sa naririnig sa mommy nya.

"Mommy!?"

"Anak. Ano? Sakin ka pa magsisikreto? Bakit itatago nyo lang ba samin yan?"

"No, mom. Of course not syempre we're just waiting for the perfect time." Bianca explained.

"Anak, hindi na iba samin si Yumi. Masaya nga ko kasi alam kong mabuting tao to si Yumi. Tsaka kung saan ka masaya doon kami support ng daddy alam mo naman yan anak."

"I know mom." Lumapit si Bianca sa mommy nya at niyakap ito.

"Super swerte ko kayo naging parents ko. I love you mommy thank you for everything." Bianca said habang nakayakap sa mommy nya.

"I love you too anak. Ikaw lang ang pinaka precious gift namin ni daddy mo. All we wanted is for you to be happy. Yumi wag paiiyakin si Bianca ha. Balita ko madami ka daw chics." Pangaasar ng mommy ni B.

Natawa naman si Yumi napatingin nalang sya kay B.

"No, tita. Si Bianca lang chics ko promise po." Yumi said while raising her right hand.

"Mabuti naman. Pano ba yan mapapadalas ka dito. Palagi na pala ko may katulong sa packaging." Pangaasar ng mom ni B.

"Mommy.!?"

"Joke lang B ito naman. Pero kayo ha be open. Ayoko ng may sikreto sa pamilyang ito. Okay?".

"Haynako mommy parang bata." natatawang sabi ni Bianca.

"Yes tita. No worries pag inaway ako ni Bianca susumbong ko din po sa inyo." Pangaasar na sumbong ni Yumi.

"Kapal. Ako pa daw nangaaway. Haynako Yumi Garcia."

Natawa nalang si Yumi sa girlfriend nya.

"Yan last package na. San nyo gustong kumain?" Tanong ng mom ni B.

"Mommy, dito nalang tayo. Luto ka nalang. Si daddy di naman makakasama eh."

"Oo nga pala. Okay lang ba sayo Yumi?"

"Okay lang tita. Kahit saan po basta po kasama ko si Bianca." Natatawang sabi ni Yumi.

"Haynako love birds. Oh sya. After nyan alam mo na san ilalagay prepare na ko ng lulutuin. Check ko muna si Daddy."

Tumayo na ang mommy ni B at pumunta na sa kwarto.

"You okay hon?"

"Pagod po. Pero worth it. Walang prize? *pout*" pangaasar ni Yumi.

"Hon!! Si mommy."

"Legal naman na tayo eh. Okay na yan." Pangaasar ni Yumi na nakanguso pa din naghihintay sa girlfriend.

"Haynako. Mamaya na."

"Bayan. Damot!" Yumi said with a sad face.

Ring.. Ring.... Ring....

SHIPPERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon