EUMMEE BELLEZA
Bumukas nang malakas ang pinto ng aming
Org room at pumasok sa loob ang isang lalaki. Matikas, elegante, pero mukhang mayabang at higit sa lahat pamilyar sa akin ang lukot n’yang mukha.Ano naman kaya ang ginagawa n’ya rito? Nagkaroon agad ako ng hint no’ng maalala ko ang mga nangyari nitong nakaraan.
Hindi na siguro niya kinaya ang mga kinahinatnan ng actions niya.
“You’re not an effective president! Hindi ka magandang role model sa mga estudyante rito!” he shouted. Naka-crossarms pa siya sa harapan ko at tila sasabog na sa galit.
Tiningnan ko siya at saka nag-crossarms din.
“So ano pala ang effective president sa’yo? I'm just doing my job not like you ikaw pa ang pasimuno sa mga kalokohan. Is that the attitude of an effective president?” buwelta ko.
“Iyan ba ang tamang role model Mr. President?” I rised my brows.His glares were frightening, parang kahit titig pa lang magagawa na n’ya akong saktan.
“H’wag mo akong i-compare sa’yo pwede ba, we're different I accomplish things while you.” Tinuro n’ya ako.
“You messed things up,”
Ang kapal naman ng mukha nito. E kung guluhin ko kaya mukha niya!
“For your information Mr. President.” I stepped closer to him.
“Ikaw ang sumisira sa credibility ko as a president sa Org ko masyado mo kasing pinahihirapan ang Org namin. If I were you I'll better stop my bullying habits para pareho tayong walang problema,” saad ko.
He stepped backwards palayo sa akin.
“I'm not a bully ako ang president ng school council kaya itigil mo na ‘tong accusations ng Org n’yo sa akin. Sinisira mo ang reputation ko!”
Bad reputation kamo.“Okay then I'll stop accusing you... I will just prove to everybody na ikaw ay isang president bully!”
“Wala akong binu-bully na kahit kanino!”
Oh really?
“Come on Rheese, I've been your victim too ‘di mo na maalala?”
Naningkit lalo ang mga mata niya. Para na iyong naglalabas ng apoy at handa na akong tustahin.
“Stop this nonsense Ms. Belleza!”
“Kumalma ka lang Mr. President madali naman akong kausap. If you'll promise na titigil ka na sa pang-bubully then I'll stop, simple as that,”
“Ano ka ba nila abogado? Tss nagpapasikat ka ba? Gusto mo ba talagang makalaban ang School Council?”
Bakas sa face expression niya ang matinding inis. Galit na galit naman ‘to e siya naman itong may kasalanan.
“Gusto mo rin bang makalaban ang org ko?” Nagpamaywang ako.
Natawa siyang bigla, hindi ko alam joker na pala ako ngayon. Ano ‘to new talent?
“Itong nonsense na org mo? Alam mo bang I can dissolve this. Since you're making fake accusations na lang din naman and lalo lang pinagugulo ng Org mo ang mga students sa campus, I think that's enough reason para i-dissolve kayo,”
I smirked. E sino ba sa atin ang gumugulo sa mga students dito? Duh ikaw kaya.
“Feel free Mr. SC President but before that I will definitely sue you. I have my evidences na nagpapatunay na you're a certified bully,”
Naningkit na naman ang mga mata niya.“I will make sure before mo pa magawa ‘yan dissolve na itong org mo.” Pinasadahan n’ya ng tingin ang room namin at saka naglakad nang palabas sa pinto.
“Sandali lang Mr. President tandaan mo ‘to I will bring down all the bullies here including you. Hindi na kayo ulit makapananakit ng iba I swear,” wika ko. Sakto lang ang lakas ng pagkakasabi ko para marinig n’ya bago siya tuluyang makalabas.
Kung dati I disregard the idea of fighting against the bullies ngayon hindi na ako matatakot I'm ready to win the fight.
~×~
BINABASA MO ANG
Operation Bring Down The Bully
Teen FictionSi Eummee Belleza ay biktima ng bullying sa kanyang dating eskwelahan. Normal na siguro 'yong babaguhin ka ng masasama mong karanasan sa mas matibay at matapang na ikaw. No'ng pumasok siya sa Clarion High, ang tanging hiling lang niya ay tahimik na...