OPERATION 1: New SchoolEUMMEE
I opened the glass door of Clarion High admission office. Unang sumalubong sa akin ang napaka lamig na hangin mula sa loob.
Hindi naman nila sinabing na-extend hanggang dito ‘yung Baguio, ang lamig.
“Yes what can I help you?” Nakangiting salubong ng babae sa admission office. Matangkad maputi at mahaba ang buhok n’ya, halatang nasa twenty's pa lang siya.
“Mag-eenroll po sana ako ma'am,” sagot ko rito.
Tumango siya sa akin at tinuro ang upuan sa tapat ng table n’ya.
“Okay then welcome to Clarion High were happy na dito mo napiling mag-aral, have a seat,” alok niya.
Umupo naman ako habang siya ay busy sa pagbuklat ng drawer n’ya.
“You’re enrolling to what grade?” Nilingon niya ako.
“Grade 12 po ma'am, HUMMS po sana,” sagot ko.
Tumango lang ulit siya sa akin kaya tahimik na lang akong nanood sa ginagawa niya.
“You're lucky, we haven't yet closing the enrollment for this term. May I know why you're enrolling this late?” tanong niya habang busy pa rin sa paghahalungkat sa kaniyang drawer.
Alam kong 1 month na akong late sa enrollment, masyado kasing maraming nangyari sa akin bago matapos ang school year no’ng nakaraang grade 11 ako. I need to space up my mind for three months, kaya late na ako nakapag-pa-enroll. Kinailangan ko lang bigyan ng oras ang sarili ko to start healing.
I sighed before answering her.
“Uhm, medyo personal po ma'am kaya hindi ko maikwekwento,” tipid na sagot ko.
At saka baka kapag nabasa n’ya ang pangalan ko malamang malalaman din naman n’ya kung anong dahilan.
“Oh no it's okay, I understand. Gosh! Finally I found you!” sambit n’ya.
May hawak siyang bond paper galing sa drawer sabay abot nito sa akin.
“Enrollment form ‘yan, fill up and give me your requirements. Then pumunta ka sa window 1 para magbayad ng ilang fees tapos sa window 2 makukuha mo ang schedule mo pati locker key. And for your convenience mas okay kung bumili ka na ng uniform at PE para isang bayaran na lang sa window 1 tapos punta ka na lang sa computer lab para magpakuha ng ID,” paliwanag n’ya.
Hindi pala madali mag-enroll mag-isa. Dati buong barkada ko ang kasama ko sa enrollment, tapos magtatanungan kami kung anong ilalagay sa ganito at gan’yan. Para kung may mali man sama-sama kami.
But I guess from now on I should handle it by myself.
“Sige ma'am,” sagot ko.
Agad kong sinagutan ang form nagpasa ng requirements at halos mangalay na ang paa ko sa kalalakad.
Panay paroon at parito ako dahil sa dami ng pupuntahan. Inabutan na ako ng tanghalian sa pag-eenroll kaya ng matapos ako sa canteen na ako dumiretso.
Halos manlumo ako sa mahal ng bilihin sa canteen nila, presyong imported. Kailangan yata i-increase ni Mama ang baon ko, hindi yata kakayanin ng 100 pesos kung ganito kamahal ang mga pagkain dito. Pang lunch pa lang kulang na.
Dahil kulang na ang pera ko biscuits na lang ang binili ko at tubig pagkatapos ay lumabas na ako. Marami na kasing tao sa canteen, halos occupied na lahat ng lamesa.
Naghanap ako ng lugar na pwedeng kainan, habang naglalakad ako sa corridor halos lahat ng students nakatingin sa akin.
Ano namang eksena ‘to?
BINABASA MO ANG
Operation Bring Down The Bully
Teen FictionSi Eummee Belleza ay biktima ng bullying sa kanyang dating eskwelahan. Normal na siguro 'yong babaguhin ka ng masasama mong karanasan sa mas matibay at matapang na ikaw. No'ng pumasok siya sa Clarion High, ang tanging hiling lang niya ay tahimik na...