Huling Kinsenas at Katapusan (sa aking unang trabaho)

23 2 0
                                    

 

Dalawang beses na lang ako susuweldo, huling kinsenas at katapusan.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga araw na dadaan

Medyo nag-aalala ako pero minsan naman okay lang

 Hindi ko rin naiisip yung mga magiging kulang

Bakit nga naman kase ako mag-aalinlangan sa mga dating wala naman ako

Mas mabuti pa nga noon kase ako’y mas kuntento

Nabuhay naman ako na masaya, magaan, tahimik

Sa mga luho at material na bagay di ako umimik

Ano man ang kalalabasan ng desisyon ko’y aking tatanggapin

Hindi ko rin naman ito puwedeng bawiin

Ginawa ko lamang ang sa tingin ko’y tama

‘Yung magpapabuti sa akin, sa KANYA, at sa’king pamilya

Kaysa naman pahabain ko pa ang aking pagtitiis

Para sa mga bagay-bagay na hindi kanais-nais

Kaya naman kailangan ko na talagang bumalik

Sa mga gawaing ako’y puno nang sabik

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon