Natigil ako sa pagguhit ng marinig ko ang halakhakan ng mga bata.. Sumilip ako sa bintana ng aking silid.. Kung saan katabi lamang ng bahay namin ang playground ng subdibisyon..
Nakita ko ang dalawang bata.. Isang batang lalaki at isang batang babae.. Marahil ay nasa walo o siyam na taong gulang na ang dalawa..
Naghahabulan sila at paikot-ikot sa puno ng mangga.. Masayang naghahabulan.. Nagkakatuwaan.. Habang pinagmamasdan ko sila.. May alaalang nanumbalik sa akin..
**********
Nagdo-drawing ako noon sa may bintana ng aking silid ng may tumalsik na bola mula sa labas ng bintana ko.. Sumilip ako upang tingnan kung sino ang bumato..
Nakita ko ang isang batang lalaki na marahil ay kaedad ko lamang.. Siyam na taon gulang na ako.. "Bata, pasuyo naman ng bola." sabi ng batang lalaki.. Nakatingala siya at nakatingin sa akin..
"Teka, sandali lang." sabi ko.. Umalis ako sa may bintana para kuhanin ang bola.. Nang makuha ko ang bola na lumusot pala sa ilalim ng kama ko.. Agad akong nagbalik sa may bintana.. "Anong nilalaro ninyo?" tanong ko sa batang lalaki..
"Sipa bola." sagot niya.. "Pwede ko na ba makuha yung bola?" tanong niya..
Tiningnan ko ang bolang hawak ko.. Sabay tumingin ulit sa batang lalaki.. "Pwede ba akong sumali?" tanong ko sa batang lalaki..
"Ahm.." tila nag-isip muna ang batang lalaki.. Ngumiti siya.. "Sige ba. Halika na." aya niya sa akin..
Awtomatikong napangiti ako bago nagtatakabo palabas ng silid ko.. Hawak-hawak ko pa rin ang bola.. Nagpaalam ako kay Mama bago ako nagtuloy sa playground..
"Eto oh." inabot ko ang bola sa batang lalaki na kausap ko kanina.. "Kanina ako kampi?" tanong ko..
"Sa amin ka kampi." sabi niya.. "Tayo ang taya." pumwesto siya sa may base.. "Doon ka oh." turo niya sa gawing kaliwa niya.. Agad naman akong tumalima.. "Oh game. Sambot taya lahat." sabi ng batang lalaki bago pagilungin ang bola..
Halos maghapon na kaming naglalaro.. Habulan.. Taguan.. Magdidilim na ng magkayayaan kaming umuwi na.. "Bata!" tawag sa akin ng batang lalaki ng pauwi na ako..
"Bakit?" takang-tanong ko ng lingunin ko siya..
"Saan ka uuwi? Gusto mo sabay na tayo?" tanong na ikinangiti ko..
"Alam mo. Patawa ka." sabi ko.. Kunot-noong nakatingin siya sa akin.. "Ayan lang bahay namin oh." sabi ko at itinuro ang bahay na katabi ng playground..
"Ay,oo nga pala." kakamot-kamot sa ulong sabi niya.. Natawa naman ako.. Natawa na rin siya.. "Sige, una na ako." paalam niya kapagkakwan..
"Teka!" pigil ko sa kanya.. "Anong pangalan mo?" tanong ko.. Kanina pa kasi kami magkasama at magkalaro.. Hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't-isa..
"Ryujii." sagot niya.. "Ikaw?" balik tanong niya..
"Hi, Ryujii." nakangiting bati ko.. "Ako si Aisaka." tapos kinamayan ko siya.. Nakagiting tinanggap niya ang pakikipagkamay ko..
"Hi, Aisaka." sabi niya.. "Oh paano? Kita na lang tayo ulit bukas ha. Laro ulit tayo." sabi niya.. Tumango lamang ako..