One

11 1 0
                                    

"Taenang buhay 'to"

Hindi ko alam gagawin ko. Kanina ko pa hinahanap yung mga gamit ko.

Kanina pa ako natataranta.

Shuta paano na ako uuwi nito? Ampota, di ako marunong lumangoy! Baka nga may pating na kumain sakin!

Sana pala hindi na lang ako sumama.

Nandito nga cellphone ko, wala naman signal. Mag-aalas dose na, gutom na gutom na ako. Pero mas nangingibabaw pa rin ang kabang nararamdaman ko.

Di ko tuloy maiwasang isipin na, baka dahil 'to nangyayari ay dahil may balat ako sa pwet.

Ang dami naming magka-kaklase pero ako lang yung napadpad dito sa isla? Ako lang talaga mag-isa? Seryoso?

Aydana.

Paano pag may mga cannibal pala dito?

Kanina pa ako naka-silong dito sa isang puno malapit sa dalampasigan. Nanghihina na ako dahil sa stress, pagod at gutom. Di ko maiwasang ma-iyak.

Bata pa po ako, marami pa po akong pangarap sa buhay. Wala pa po akong first kiss.

Natigil ang pagra-rant ko sa isip ko ng may marinig akong kaluskos sa aking likuran.

Shit.

Ano yon?

ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon