Ano yun?
Huwag naman sanang mabangis na hayop 'to. Kasi kung ganon na nga, 0% na yung survival chance ko. Shit. Kinakabahan ako. Tumigil yung kaluskos saglit.
Hanggang sa nakita ko na yung sanhi ng kaluskos.
Naka-hinga ako ng maluwag.
Tao
Gwapo
Yummy
Daddy
Wait.
TAO??
May tao sa isla na 'to?
Hindi ako nag-iisa. Nabuhayan ako ng loob. Pero may pangamba pa rin. Kamalayan ko bang may saltik 'to sa ulo?
Di ako makapag-salita. Parang nalunok ko yung dila ko.
"Pano ka naka-punta rito?"
Huminga akong malalim. Eto na, chance ko na 'to para humingi ng tulong.
"Outing. Bangka. Bagyo. Alon. Taob."
Ay tanga.
TANGA!
Ano ka? Batang nag-aaral pa lang mag-salita?
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig kong tumawa ang kaharap ko.
Tumawa rin ako ng pilit para di awkward.
"Calm down, miss." aniya ngunit may bakas pa din ng ngiti sa mukha.
"Sorry po" sabay tawa ng pilit.
Hehehehe tenge me telege gege.
"Nai-intindihan naman kita. Don't worry. Alam kong magulo pa ang isip mo sa ngayon. I'm sure gutom ka na rin"
"Sobra po." Ay tanga. Sige. Dili na lang ako mag-talk.
Natawa ulit siya. Mama mia, nakaka-busog pala yung tawa? Bakit may naligaw na crew yung adonis gay bar dito? Cheret.
"Mag-pahinga ka muna. May maliit akong bahay doon."
"Teka po manong."
Napalingon si daddy ay este si manong.
"Ano pong paborito niyong ulam? Karne lang po ng hayop yung kina-kain niyo di ba?"
Natawa na naman siya.
Na naman.
"You're so funny. Don't worry, hindi ako katulad nung mga napapa-nood mo sa mga movies. I don't have an intention on eating you."
Bigla akong nanghinayang.
GAGO BAKIT KA NANGHINAYANG?????
MALANDI!
"Mabuti na po yung maliwanag. Hindi po ako masarap e."
Napa-iling na lamang si manong. Saka may binulong sa sarili.
"Let's go"