Tulong,
Tulungan ang pusong naghihingalo
Na napagod na sa walang kasiguraduhan
Tulong,
Tulungan mo 'ko sa pagdadasal oh
Mukhang kailangan ko ng mga kamay
Na aakap at magdadasal sa Ama
Tulong,
Tulungan mong punasan ang mga luhang pilit kumawala sa mga walang-hiya
Na nakilala ko pero di naman nagtatagal
Tulong,
Kailangan ko lang ng makakausap na di paasa
Na di ako ipapafall tapos mag-isa namang mahuhulog.
Tulong,
Ayoko na. Ayoko nang makakilala nang taong pansamantala
Na sana sa una pa lang sabihin na ng maaga na ako'y paglalaruan lang
At nang ako'y makaiwas.
Tulong