HIDE

4 0 0
                                    

Binabaybay ko ang dalampasigan habang inaantay na magtagpo ang araw at ang dagat.

Walang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Siguro'y naubos na at umagos na sa dagat.

Nagtatago na ang araw at unti unti ay nawawala na ang liwanag nitong dala. Binalot na ng kadiliman ang langit at ang inaakala kong naubos na luha ay bahagya na ring sumisila'y sa aking mga mata.

Siguro nga ay nagtatago lamang sa liwanag ang mga luha at pagkubli na muli ng araw ay siya namang pagpapakita ng tunay na hiwaga ng mga mata.

Salamat sa buwan sa pakikinig ng mga hikbing hindi natatapos hanggang sa sumapit muli ang bagong umaga.

Nasa tambayan area ako ng University, gusto kong mapag isa. Marami akong iniisip kaya need ko talaga ng lugar para huminga. Nakatitig ako sa laptop ko dahil hindi ko nanaman madugsungan ang storiyang naroroon.

" Why are you here? " I muttered to myself unconsciously

"Who?" Someone appeared in front of me ng hindi ko namalayan.

Napa angat kaagad ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan.

" Oh, yeah " pagpapanic ko dahil baka mapansin niya. "I forgot to give you the photocopy. Sorry I was just busy this morning " paglilihis ko sa usapan then inabot ko agad yung papers sa kanya para sana umalis na rin siya agad. Ayokong sabihin sa kanya agad baka kasi mag alalala siya.

"Carson are you ok? You look so bothered, what is it?" Seryoso yung tone niya

Nagdadalawang isip akong sabihin pero baka siguro tama lang din na malaman niya.

" He's back Luan" may pag aalala sa aking tono pero pinipigilan kong umiyak dahil ayoko siyang mag alalala.

" That guy? When? Tinakot ka ba niya? May ginawa ba siya sayo?" pag aalala niya na agad naman akong umiling.

" paano pag puntahan niya ako Luan? Paano na tayo? Magtatago na lang ulit tayo?" Sunod sunod na pag iisip ko sa mga posibilidad na pwedeng mangyari

" I will find him and stop him don't worry, ayusin mo yung muka mo. 5 mins nalang before your recit, bumalik ka na sa building niyo" pagpapakalma niya sakin. I am usually calm and well composed. I never got scared easily except for this one. This is my greatest fear.

Pagpasok ko sa room pumwesto ako sa pinaka taas since alam kong wala ako sa focus masyado at dito baka makapagtago ako sa prof kong paborito akong tawagin. Nawala ata lahat ng pinagpuyatan ko.

Tumingin ako sa paligid pero nakita ko lang ay lahat sila nag aaral. Ibinagsak ko ang ulo ko sa mesa sa harap ko at natawa naman ang katabi ko.

" ok lang yan feeling ko di maswerte ang index card mo today girl" Sabi ni Nessa habang nagrarank pa sa ML. Napakatapang

Inangat ko ang ulo ko at lumingon sa kanya " Feeling ko puro ako yung nasa index card eh hindi nanaman ako titigilan nun" I fake the cry

" well, do you want to cut ? We still have time" pang bubudol ni nessa at alam ko namang di niya kayang gawin yun.

" Tara " pagsakay ko sa kalokohan niya.

" Joke, sayang limang kape kung di ko magagamit, wag mo na akong demonyohin alam kong di mo din kaya" agad kong bawi at natawa nalang kaming dalawa.

" yesssss, panalo" mahinang sigaw niya.

"Goodmorning, itapon niyo na yang binabasa niyo dahil walang kwenta yan sa recitation natin." Magandang bungad ng prof namin pagpasok ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DI PA TAPOS ANG STORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon