Saf’s POV
“Tsug!Tsug!”
Kyaaaaaah! Patay! Andyan na ang tren.
Kumaripas agad ako nang takbo. Gaaaaahd! Sana umabot ako. Ilang kembot pa ‘to bago ako makarating sa PNR Station dito sa Sta. Mesa.
Imagine! Galing pa ako sa 5th floor ng main building ng PUP. Waaaaah! Feeling ko tuloy milya-milya pa ang lalakarin ko.
Oo. Nag-aaral ako sa PUP. Proud iskolar po ako. But it could’ve been a lot better kung nagging UPian ako. Hayyy! Pumasa naman kase ako ng UPCAT. Paanong hindi eh all my life yun ang pinangarap ko – ang makapasok dun. Aral ako nang aral before the exam noon.Awa ng Diyos.Pumasa naman.
Pero hello! Problema ko naman kung saan ko kukunin ang pambayad ng tuition ko. Di naman kase kame mayaman.Kaya ayun. PUP bagsak ko, BS Accountancy. Not bad. Like duh! Magiging choosy pa ba ako?Masaya naman dito eh. Haha!
Nga pala, ako si Saf. My real name’s Edsafe Catacutan. Ewan ko ba dun sa tatay ko. Inaasar pa ako. Feeling ko ang bantot ng pangalan ko.
Actually, the idea came from him. Nakasali kase siya sa EDSA Revolution nung 1986 eh. Kaya nung nagkaanak sila ni Mama, who unfortunately, was me, ipinangalan niya sa’kin yun. Edsa Fe nga dapat yun eh, hindi Edsafe. Swerte pa rin naman ako kahit paano kase nagkamali yung gumawa ng birth certificate ko. Hahaha! Mahal pa rin ako ni Lord.
Anyway, balik tayo dun sa makasaysayan kong pagtakbo.
Buti nalang talaga nung nagsabog si Papa God ng bilis sa pagtakbo, naambunan ako. Haha!
There! Pagdating ko bili agad ako ng ticket. Tapos tumakbo with all my heart.
Ayaaaaaan na!
In 3..
2..
1..
Shemay! Nabunggo pa ako ng isang guy.
Maputi siya, chinito na parang may Spanish features. He has this pair of brown eyes na nakakaewan tingnan. Matangkad siya, mga 5’9 siguro.
Oyy ha! Nanliliit ako.Huhu.Basta yun. Pero…
“What the hell!” He looked at me na parang kakainin ako nung masamang titig niya.
Grabe siya! Di man lang ako tinulungang tumayo. Hmp!
Napastraight ako ng tayo.
“What the hell ka dyan! Ikaw nga ‘tong may kasalanan eh. Nakita mo ng may tao, babanggain mo pa. Grabe ka! Napakaungentleman mo pa! Sarap mong ipalapa sa isang milyong aso!”
Di naman ako papatalo sa kanya no! Para saan pa’t naging Catacutan apelyido ko? Di ako pinalaki ng mga magulang ko para masabihan lang ng ganun ng isang estrangherong…
GWAPO.
Ayy no! Ungentleman! Kupal! Feeler!
“Look. Di ko kasalanang tanga ka at malas pa na ako ang binangga mo. Minsan kase, gamitin mo utak mo. And excuse me. Kung isa ka lang sa mga nagpapapansin sa’kin, stop it. Di bagay.”Then umalis.
He just left me there staring at his back.
Congrats! Public place nga pala. Edi instant sikat ako ngayon dahil sa karumal-dumal na pagtapak niya sa’king pagkatao.
Eh?
Nakakaasar siya! The next time na makita ko siya, sasampalin ko talaga siya.
“Tsug!Tsug!”
(A/N: Sorry. Di ko talaga alam yung tunog ng tren. Hahaha!)
Anebeyen! Paalis na ang tren.
Waaaaaaaaaah! >.<