WALANG FOREVER!
Diba? Tama naman ako? Na wala naman talagang ganyan. Diba? Diba?
It's just a plain WORD. Na nakakapagpagulo sa isip nating mga kabataan. Imagination lang natin yan mga dude.
Isa lang naman siyang salita na hanggang ngayon ay pinagdedebatihan ng iba. Minsan hindi lang salitaan ang nagaganap. Kapag nainis na minsan napupunta pa sa pagkakasakitan.
Mananabunot na o kaya magkakandasapakan na. Or worst may nagbibigti pa.
Kadalasan puro mga sawi sa pag-ibig ang nagsasabi niyan. Yung mga bitter-bitteran ampeg kasi iniwan ng mga jowaers nila.
Tapos yung mga may Lovelife naman. Aba feel na feel ang salitang Forever. Kulang nalang eh magsabit sila ng placards sa mga leeg nila na may nakasulat na ..
May FOREVER kaya no. At kami ang patunay 'nun.
Pakshet lang no. Edi kayo na ang Forever. Mga forever Jejemon. Psh!
Pero ito lang ang masasabi ko.
Magbrebreak din kayo. Itaga mo pa sa buhay na bato. Bwahaha chos.
--
Kung meroon mang so called Forever shempre sa mga fairy tales lang meroong ganoon.
Wag ka nang umasa pa. Wala sa tunay na buhay niyan.
Feeling mo naman ikaw si Sleeping Beauty? O kaya si Snow White?
Na magigising sa katotohanan o sa mahimbing na pagkatulog kapag hinalikan ng isang gwapong-gwapong makalaglag panty na nilalang?
Pwes tama yang feeling mo. Talagang feeling lang 'yun. Haha!
Hindi naman masamang mangarap. Ang akin lang ay matuto ka sanang lumugar. Alamin mo ang limitasyon mo, aber.
Puro ka Forever at Thinking Out Loud. Yan tuloy yung grades mo namuro 70. Bwahaha.
Talaga namang WALANG FOREVER. Wag mong ipilit yang gusto mo at baka mabwisit pa ko lalo sayo eh; ibigay kita kay Kingkong. Tawa kayo. :)
Ang tanging meron lang naman sa mundo natin ay..
PANSAMANTAGAL. Iyan ang best description para sa forever mo.
Agree o agree? Kaltukan kita diyan kaya umagree ka.
Kaya ako wala akong pakialam sa FOREVER FOREVER na yan.
Hindi naman ako mabubusog diyan sa pisti na yan. Buti sana kapag sinabi kong MAY FOREVER eh bigla nalang may lilitaw na cake at juice sa harapan ko.
Eh wala naman. Naloka lang ako kakaisip diyan.
Kaya naman mag-isip ka kung may isip ka man. Imbes na ipilit mo yang forever mo eh matulog ka nalang baka sakaling lumaki kapa.
Pero kung talagang mapilit ka at sadyang makulit yang lahi mo. Eh hindi ko na pipiliting maniwala ka. Bahala kang mavirus-an yang utak mo ng Forever Syndrome mo. Basta sinasabihan lang kita. Baka kasi mabalitaan kong nagbigti kana raw. Bwahaha xD
"Ang FOREVER ay parang lumilipad na elepante. WALANG GANUN."
Kitams :)
--
A/N ::
Please po. Vote naman po kayo kahit papano. Pretty please.
Post ko po ang Chapter 1 soon. Ineedit ko pa po kasi. Hehe c:
xoxo,
Xhinn_