Si POKNAT!
Naglalakad ako papuntang mall ngayon. Walking distance lang naman 'to mula sa bahay namin. Kaya hindi ko na kailangan mag-effort pang magtaxi.
Saturday ngayon kaya kaylangan ko munang magrelax kahit papano. Nakakapagod din kaya sa school no. Yung mga teachers naming ang tatamad pumasok nakakabwisit. Sayang tuition fee 'no.
Akala niyo naman puro mga stupidents lang ang tamad pumasok. Dyan kayo nagkakamali. Kadalasan mga guro ang dapat sisihin. Yung iba lang ha.
Ayaw ko magtaxi kasi sayang lang yung pamasahe. Yung ibang driver kasi gahaman. Hindi pa nga umaandar yung sasakyan pero yung metro umaariba na.Putcha! Tapos yung iba nanghohold-up pa.
Psh! Mga walang puso, atay, balun-balunan, kidney, ngipin, pango. Bwisit!
At ito pa ha. Takot talaga kasi akong sumakay ng taxi kasi baka marape ako. Alam mo naman sa panahon ngayon. Walang sinasanto ang mga manyak slash rapist. Kaya mga panget pinapatos na basta may PoohKey.
Ang OA mo Revo. Ang aga-aga rape yang nasa isip mo. Kakapanuod mo ng porn yan kaya ang halay mo.
Tsk. Epal tung isang bahagi ng brain ko. Chop-chopin kita dyan eh. Walang pinipiling panahon ang tawag ng laman 'no. Diba? Kahit na mapaumaga man yan o tanghali o gabi o kaya madaling araw, basta umatake 'yang hormones mo sa katawan, aba! Siguradong dali.
--
Patuloy lang ako sa paglalakad habang ngumunguya ng bubble gum na binili ko kanina sa nadaanan kong tindahan ng mapadaan ako rito sa JP.
Short for Jejemon's Park. Hmm, sakit sa mata ng mga nakikita ko ngayon. Kung pwede lang pumikit habang naglalakad, kanina ko pa sana ginawa. Kaso baka mabunggo ko naman yung mga street vendors dito na dala yung mga cart nila. Yung mga nagtitinda ng fishball at yung iba naman mga cotton candies at dirty ice creams. Pati ang dami ring nagpipicnic na mga pamilya. Haist!
Ako lang ang nagbansag ng JP sa lugar na 'to. Ang dami kasing mga jejemons lagi rito. Mapaumaga o gabi. Nakakairita lang sa mata.
Pero ang tunay niyan. TP talaga ang pangalan ng lugar na to. It means Traeh Park. Diba ang galing. Pauso lang din yung nagpangalan sa park na 'to eh. Daming alam.
Napalingon ako sa paligid ko nang may naaninag akong masakit sa mata. As in super sakit sa mata nitong nakita ko.
Yung totoo. Nakavarsity jacket kahit na ang tirik na tirik yung araw. Tapos ang itim itim pa. Akala mo naman may ipuputi pa yung balat niya. Seriously?
Ang panget pala tingnan kapag nognog yung nagvarsity jacket. Tapos ang epic pa ng combination ng kulay ng varsity jacket niya. Kulay Yellow yung sleeves tapos yung sa mismong katawan niya ay kulay Green? Ang dugyot lang tingnan ha. Nakakatawa na nakakabwisit.
Pero kapag mga tunay na varsity players ang hot 'no. Yummilicious! Juicilious! Sharap!
Tapos may mga nakashades pa sa gabi. Kapag napapadaan ako rito madalas akong nakakapansin ng ganun. Ano kayang ganap no'n? Feeling siguro nila nakakagwapo 'yung ganon.
Feel mo ba ko? Ako 'yung nabuburyong sa mga galawan nila eh. Kung pwede ko lang ipatapon lahat ng jejemon sa Iraq, matagal ko ng ginawa. Pero hayaan ko na nga lang. Pipikit nalang ako para hindi na ko mastress.
"Over!" Napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
Ang lapad ng ngiti ng kumag. Puting puti yung ngiti ah. Bagong toothbrush. Taray!
