Busog?Parehas kaming naghahabol ng hininga ng huminto kami sa tapat ng comfort room. Of all places talaga dito niya pa naisipang huminto ah. Baka naman naiihi sa sobrang kaba. Psh!
Pahamak talaga 'tong si poknat kahit kaylan. Madadamay pa ko sa mga katarantaduhan niya eh. Mamaya drug pusher pala 'to o kaya member sindikato na ninakawan niya. Baka naman magnanakaw siya ng bangko o kaya nangholp-up kanina. Or baka naman yung nangunguha ng internal organs. Gosh!
OA mo Evo.
Pero wala naman sa itsura nitong si Poknat ang gagawa ng masama. Mukha naman siyang rich kid eh. Yung mukha, ang kinis. Walang bakas ng pagkakaroon ng tigyawat. Dinaig pa yung kutis ko eh. Parang wala siyang pores. Tapos yung mata niya itim na itim. At ang haba rin pala ng pilikmata niya. Nakakainggit ha. Parang nakakainsecure ng konti yung eyelashes niya. Siguro ginupit yun ng mama niya nung baby pa siya.
Ganoon daw kasi 'yun kapag baby, gupitin mo 'yung pilit mata para humaba. At kapag gusto mo naman ng baby na may dimples ay tusukin mo ng bahagya ng cotton buds yung pisngi.
Tama ba yun? Narinig ko lang 'yun sa kapit-bahay naming nagchichismisan nung isang araw.
"Uy"
Tapos yung ilong niya. SheetOfPaper! Ang tangos. Ngayon ko lang to na titigan ng ganto. Kadalasan kasi panay irap yung ginagawa ko sa mukha niya eh. Nawawala kasi ako minsan sa mood kapag nakikita ko yung pang-asar niyang mukha.
"Uy"
At ito pa ha. Grabe yung lips. Myghad! Ang pula parang kasing pula ng regla. Kidding. Kasing pula ng red. Grabe! Ang sarap ikiss.
Ay teka teka teka!
Bakit ko ba pinagpapantasyahan tong poknat na to. Eh ang panget panget ng ugali niya. At ang itim itim ng budhi niya.
"Uy"
"Ay Pu....so" Nagulat ako don ah. Yung bibig mo ha Evo! Careful!
"Kanina kapa tulala, Over. Okay lang?" he snapped
Nilapit niya ang mukha niya sakin dahilan para maitulak ko siya ng bahagya. Gosh! Napatulala ako sa mukha nitong payatot na poknat na 'to.
"Bakit mo ba ko hinatak hatak ah. FC ka ah." kinunot ko ang noo ko para halata talagang galit na galit.
Pero deep inside. Nahihiya ako. Napatulala ako kanina. Tsk tsk! Wrong yan Revo. Baka naman namumula yung mukha ko sa sobrang hiya. Wag naman sana.
Kaya ngayon. Maldita on muna ko. Para itago ang hiya ko.
"Anong FC?" Henebeyen. San bang galing planeta 'to at ganto kaboplaks 'to. Kaynis!
