CROSS ROLE PLAYER
I have a boyfriend, nakikilala ko siya sa role playing world o mas kilalang RPW.
Isang taon na kami ni Kleo, pero di pa kami nakakapag usap sa tawag or vc, di rin siya nagsesend ng picture niya sakin ever.
Ayos lang naman sakin yun dahil di naman ako bumabase sa kung anong itsura niya or boses niya. Mahal ko siya and we have the same vibes at iyon naman ang mahalaga.
Months passed, bigla kong natanong kung gusto niya bang umabot kami ng real world. And then..
"Sorry, matagal ko ng gustong sabihin to. CRP talaga ako." sagot niya.
"Alam ko, matagal ko ng alam. Pero mahal kita eh, kaya tatanggapin kita kahit ano ka pa o sino ka pa."
Gano'n ko siya kamahal na kahit niloko niya ako, kaya ko pa rin siyang tanggapin dahil akala ko mahal niya rin ako kaso..
"Thank you, sana lahat katulad mo. Pero may boyfriend ako sa real world at 3 years na kami. Nasa rpw lang naman tayo, lahat ng nandito hindi totoo."