CRINE POV
"Sino kayo? Anong kasalanan namin sainyo?" Narinig ko si Razer na sinisigawan yung mga naka-itim.
"Wala kayong kasalanan samin, actually si Crine lang yung may kasalanan eh. Pinatay nya yung kaibigan namin! Wow lang Crine, boyfriend mo pinatay mo?" No! No!
Hindi ako nagkaroon ng boyfriend except kay Kin.
"Impossible! Hindi sya nagkaroon ng boyfriend dati dahil ayaw ng magulang nya!" Oo ayaw ng magulang ko.
Dumilat na ako at tumingin sakanila, nakatingin naman sakin yung dalawang naka-itim.
Ngisi lang ang binigay nila sakin at agad tinuon ang pansin kay Razer.
"Talaga lang? Bakit hindi mo tanungin yang girlfriend mo?" Tumingin naman si Razer sakin.
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend maliban sakin?" Tanong nya sakin.
Bakit ganun? Hindi ako makasagot.
Sasabihin ko ba o hindi?
"ANSWER ME! THIS IS BULLSH*T" Tumulo ang luha galing sa mata ko.
Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganyan.
"Sabi mo ako LANG ang naging BOYFRIEND MO! Kaya pala sa tuwing magtatanong ako kung nagkaroon ka na ng boyfriend lagi mong iniiba ang usapan."
Nakonsensya ako sa ginawa ko noon.
Di ko yun sinasadya.
"Isa pang tanong, Bakit mo pinatay ang BOYFRIEND MO?" Tanong ni Razer.
"Bhe, di ko yun sinasadya! Promise bhe, sorry--" di ko na natuloy yung sasabihin ko.
Bigla akong binato ng kutsilyo sa braso ko.
Ahhh! Ang sakit!
"SINUNGALING! KITANG KITA KO KUNG PANO MO SYA PINATAY!" Hindi! Hindi ko yun sinasadya!
"Ahh! Di ko sya pinatay! Aray!" Tanong ko sakanila.
"Kilala mo ba Razer kung sino pinatay nya? Ang kaisa-isa mo lang naman na kuya" nagulat si Razer.
Oo alam kong may kuya sya.
Si Razer talaga ang mahal ko pero hadlang si Kin sa pagmamahal ko kay Razer.
"G*GO KA! KAPATID KO PINATAY MO!" Minura nya ako.
Ngayon nya lang nya ginawa ito sakin.
RAZER POV
All this time, nagsisinungaling na pala sya.
Pinatay nya ang kapatid ko.
Oo mahal ko sya pero mas nangingibabaw ang galit ko sakanya.
Ang kaisa-isa kong kuya ang nagmahal sakanya.
Sya pala ang sinabi ng kuya ko na girlfriend nya.
"PINATAY KO ANG KAPATID MO DAHIL AYAW KONG MAY HUMADLANG SA PAGMAMAHAL KO SAYO!" Di ko inaasahang maririnig ko ito mula kay Crine.
At ng dahil doon lalo akong nagalit sakanya.
"So, all this time hindi mo minahal yung kaibigan namin? T*NGINA!" Sabi nung naka-itim.
Actually dalawa sila, Babae at lalaki.
Yung lalaki yung nagsalita. Masyadong cussing machine.
"Ang babaw ng dahilan mo Crine! Pinatay mo si kuya tapos ganyan lang ang dahilan?" Hininaan ko na ang boses ko pero may halo itong galit.
BINABASA MO ANG
Love until Death
Mystery / Thriller"I will love you until death." It will happen and not. It will happen if you want to die to see your love. It will not happen if you don't want to die. ********** Read my story ^_^