Chapter 1

25 0 0
                                    

"Uy! Ano ba? Nakikinig ka ba sa kwinekwento ko?" Tanong ni Yaci. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng school.

"Ahh, sorry. Ano nga ulit sinasabi mo?" Tanong ko.

"Ano ba kasi yang iniisip mo? Sabihin mo nga nang mapag-usapan natin. Kanina ka pa! Di ko alam kung nananadya ka at nang-aasar o talagang pre-occupied lang talaga ang utak mo." Sagot niya. Kanina pa kasi ako nag-iisip ng pwedeng itanong sakin ng teacher ko. May one-on-one interview kasi kami ng teacher ko sa Filipino. Actually, kaming lahat may ganoon. Unfortunately, I was the last one. For sure, nasa hot seat ako mamaya. Lord, sana magkasakit ako kahit lagnat lang!

"Uhm, w-wala. Oo, wala. Tara na! Baka malate pa tayo kay Ma'am. Patay tayo pag nagkataon." Sabi ko naman.

Dumiretso na kami sa classroom. Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Yaci. Economics first subject namin. Third subject namin ang Filipino. Parang binabagyo ang puso ko sa kaba.

"Earth to Sam!"

"M-ma'am," Napaayos ako ng upo.

"Naiintindihan mo ba ang lesson natin? Sige nga, ano ang depreciation?" Tanong ni Ma'am.

"Depreciation o depresasyon, ito ang pagkaluma at pagkasira ng mga makinang ginagamit sa produksyon." Buti na lang alam ko yung tinanong ni Ma'am. Sana talaga matapos na ang araw na to!

"Nasagot mo Ms. Ramos ang tanong ko, but, you should still listen attentively!" Sabi sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Good. Okay class, may long test tayo bukas about sa previous topics natin. Mag-aaral ng mabuti para di bumagasak. Is that clear?"

"Yes Ma'am!" Sagot namin.

"Class dismiss." Aniya.

"Bruha! Mukhang alam ko na kung anong iniisip mo."  Sabi ni Yaci. Nagulat ako sa sinabi niya.

"H-huh? A-anong sinasabi m-mo?" Anak ng tipaklong! Why am I stuttering!? Chill Sam. Chill.

"Wag ka ng mag maang maangan pa. Alam ko ng kinakabahan ka para sa interview mamaya." OH GOSH! Paano niya nalaman?

"A-ako? Kakabahan? Wow lang huh!" I hope this works.

"Sam, wag mo ng i-deny. Mas lalo kang nahahalata. Namumula na yang pisngi mo. Parang kamatis!" Agad kong tinakpan ang mukha ko. Huhuhuhu.

"Sa susunod na magsisinungaling ka, siguraduhin mong may sandamakmak na foundation yang mukha mo, nang di ka mahalata!" Agad ko siyang hinampas. Okay! This is too much!

"Sobra na Yaci! Ang bad mo! Pwede ba? Kahit minsan lang, sakyan mo naman ako." Sabi ko sa kanya. Kaasar!

"Oo na! Sige na! Pagsabihan mo muna kasi yang pisngi mo na wag mamumula. Para di ka halata. Ganern!"

"Normal na yun. Kaya masanay kana lang. Umupo kana, padating na si Ma'am Via." Bumalik na kami sa dati naming mga upuan at dumating na su Ma'am Via.

Natapos na ang English. Now, my heart is racing, pounding. Every beat seems to go louder. My breathing was uneasy. Sobrang kinakabahan ako. Nakita kong papalapit si Yaci.

"Uy! Anong nangyayari sayo? Sobrang pula mo na. Ito tubig, uminom ka muna." Ininom ko ang tubig na inabot niya. Sabay ng pag-ayos ng paghinga ko. Sabay ang pagdating niya.

"Class! Humanda na huling interview. Sino ba ang huli nating feeling panauhin?" I lost my blood.

The Thirty Days DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon