Chapter 2

12 0 0
                                    

Yaci's POV

Ayan na! Si Sam na. Kasalukuyan siyang nasa harap ng klase. Okay, I won't state the obvious. Nagsisimula na naman siyang mamula.

"Breathe in. Breathe out." I mouthed. Ginawa naman niya. Halatang kinakabahan na naman siya. At nagsimula na ang tanungan.

"Okay, Sam. Bakit Sam ang nickname mo? Pwede namang Scar."

"Yun po kasi yung tawag sakin ng parents ko. Mas naging comfortable na ako na yun yung tawag sa akin."

"Saan nahugot yung Scarlett? I mean, pwede namang Amanda na lang."

"Uhm, si Mommy po nagpangalan sa akin nun. Na-namumula po kasi ako nung pinanganak ako."

"Okay. Kayo guys? May tanong pa kayo?" Tanong sa amin ni Sir. Nagtaas ng kamay si Paula.

"Sa ganda at talino mong yan, imposibleng di ka nililigawan. Ang tanong ko, nagkaboyfriend kana ba?" Mas namula si Sam sa tanong ni Paula. Hindi pa kasi siya nagkakaboyfriend.

"Oo nga! Nagkaboyfriend kana ba?" Tanong ulit ni Sir. Nakita kong huminga ng malalim si Sam. Go friend! Kaya mo yan.

"No Sir." Sagot niya.

"Whooooah!" Hiyaw ng mga kaklase ko.

"Sa ganda mong yan, di ka pa nagkakaboyfriend?!" Gulat na sabi naman ni Sir. Oo nga eh. Malay ko ba jan sa kaibigan kong yan! Binuburo ang kagandahan niya! Kalurky!

"Err, o-opo." Sabi ni Sam na ngayo'y pulang pula na.

"Well, if that's the case, I dare you to be Tyrell Ivan Marquez' girlfriend for one month." HUWAAAAAAT?! Ang heartbreaker-slash-campus crush-slash-playboy-slash-mysterious guy pa ang napili ni Sir?! Naku! Malaking gulo ito.

"Whoooooah!" Hiyawan ng mga kaklase ko.

"Sir?! Ayoko po nun! Tsaka may girlfriend po yung tao!" Pasigaw na sabi ni Sam. Oo nga pala! Warfreak pa naman yung babaeng yun!

"Wag kang mag-alala, dare lang naman ito. Nasa iyo kung seseryosohin mo ito. Gusto ko lang naman na ma-experience mo ang magkaboyfriend bago ka man lang grumaduate." Sir. Grabe naman kasi tong si Sir!

"Pero Sir," Sagot ni Sam.

"No buts, Ms. Ramos. Asan nga pala si Ivan? Bakit wala siya dito?" Tanong ni Sir. Err? Malamang nakikipaglandian ito ngayon.

"Sir! Kasama po ni Tara kanina. Nakita ko po sila sa canteen." Sagot ni Drake.

"Sige. Pakisabi sa kanya na puntahan ako sa faculty mamaya. Okay class, see you tomorrow! Class dismiss." Utos ni Sir.

Sam's POV

After lumayas ni Sir. Di na ako nakakibo pa. Isipin niyo yun! Magkakaboyfriend na nga lang ako, dun pa sa taong saksakan ng kademonyohan ang ugali isama mo pa ang jowa niyang warfreak! Nako lagot na talaga ako nito.

Welcome to your 30 days living hell, Scarlett Amanda Ramos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Thirty Days DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon