TIRED

11 5 0
                                    

Warning: 
>Errors Ahead
>Grammatically Error
>Open for Criticism 

ENJOY READING!

---

"Hoy Mel bantayan mo yung kapatid mo, baka kung anong mangyari don." Utos sakin ng tatay ko.

Pinuntahan ko ang nakababata kong kapatid na nag c-cellphone lang naman.

Ano pa bang kelangan bantayan dito? Masasaktan daw, Jusko napaka O.A. ng tatay namin.

"Oy Mel, andito kana lang din naman, gawin mo nalang yung homeworks ko." mataray na sambit niya.

Psh, hindi manlang marunong gumalang. Spoiled masyado

"Mel!" tawag naman ng stepmom ko, ang pinaka worst sa lahat.

"Po tita?"

"Hugasan mo ang mga pinag kainan natin... Pag katapos mo don, walisin mo ang second floor ng bahay at pati narin itong baba. Maliwanag ba?"

"Yes po."

Grabe nakakapagod ang araw na ito. Ni hindi pa ako kumakain ng dinner, dahil ayaw akong kasabay ng magaling kong Stepmom.

Namatay ang Biological mother ko nung 11 years old palang ako dahil sa isang aksidente. Bilin daw niya kay tatay na mag asawang muli sapagkat bata pa naman daw ako noon.

Tapos ayun, nag asawa nga ulit ang tatay ko kaso napaka maldita naman. Akala mo kung sino.

---

Kinabukasan nagising nalang ako bigla dahil sa sakit ng tiyan. Naalala ko nga pala na hindi ako nakakain kagabi.

Ang hirap talaga kapag nalilipasan ng gutom.

Bumaba na ako para sana pumunta sa kusina ng makita ako ng dragon--este ni tita Sol which is Stepmom ko nga.

"Gising na pala ang Prinsesa."

"Ah Good Morning tita." bati ko sa kanya pero ang bruha inirapan lang ako.

"By the way, wala ng pag kain diyan. Binaon ni Kim (Stepsister ko) Ipamimigay niya daw sa classmate niya." paliwanag niya.

"Eh anong kakainin ko?" grabe ah naiinis na 'ko.

Pwede niya akong utus utusan pero ang hindi tiran ng pagkain? Aba sobra na!

Hindi na nga ako nakakain kagabi tapos ngayon den?!

"Edi bumili ka na lang, siguro naman may allowance ka pa diyan... Kaka sahod mo palang naman nung isang araw."

"Jusko naman tita, walang wala na ako ngayon! Diba inubos niyo na nga? Una, pinambayad sa tuition ng magaling mong anak. Pangalawa, pinapambayad sa kuryente at tubig dito sa bahay at pangatlo kinuha mo!"

Akala siguro niya diko malalaman na kumupit siya ng pera sa wallet ko kahapon.

"Anong kinuha ang pinag sasabi mo diyan? Hoy Mel napaka bintangera mo naman!"

"Bakit hindi ba totoo?" nauubos na ang pasensiya ko sa kanya.

"Aba baka gusto mong isumbong kita sa tatay mo."

"Hah! ako pa talaga ang isusumbong mo? Baka pag sinabi ko na kinuha mo ang pera ko ay palayasin kayo dito ng anak mo." mariin kong untag.

"Walanghiya kang bata ka! Wala kang respeto!"

Ouch... bigla niya akong sinabunutan!

"Ako pa talaga ang walang respeto at walanghiya? Tinutukoy mo ba ang sarili mo STEPMOM? kung hindi dahil smain baka sa Palengke padin kayo pupulutin! Nag tataka nga ako ba't ka pinatulan ng tatay ko eh, napakasama mo naman." Ginantihan ko na din siya ng sabunot.

"Mel! Sol! what happened?" tanong ng tatay ko na kadadating lang galing trabaho.

"Si Mel kasi hon eh, bigla nalang akong sinabunutan nung sinabi ko na wala ng pagkain."

Wow! Best Actress of the year: Solidad Marquez!

"Tay hindi po totoo yun. Sinabi ko lang naman na siya ang kumuha nung pera ko kahapon tapos bigla nalang niya akong sinugod." Paliwanag ko.

"No hon, hindi totoo yan, napaka sinungaling naman ng anak mo."

"What? So kasalanan ko pa pala gan--"

"STOP!" Sigaw ni tatay.

"Ikaw Mel bakit mo naman pinag bibintangan ng ganon ang Mommy Sol mo? Baka naman nagastos mo lang yung pera sa kung saan."

"Tay! Mas kinakampihan niyo pa yan kesa sa anak niyo?" Maluha luha kong tanong.

"Hindi sa ganoon Mel pero--"

"Hon,"singit ng bruha "Hayaan mo na siyang pagbintangan ako kahit hindi ko naman ginawa. baka dala lang yan ng galit niya sakin kasi ako ang pumalit sa nanay niya, intindihin mo nalang muna siya." Psh, Anghel ka? Pwes hindi halata!

"Hays Mel...mag sorry ka nalang sa stepmom mo."

"What? Bakit ako pa ang kailangan humingi ng tawad? Wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanya ah! Nag sasabi lang ako ng totoo." tuloy tuloy ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Mel, say sorry to your Stepmom NOW!" sigaw niya.

Ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito. Pero kahit na, hinding hindi ako hihingi ng tawad lalo na't wala akong kasalanan!

"NO!" protesta ko. "Bakit ba lagi nalang ako ang sinisisi niyo sa lahat ng bagay? Tay, ni minsan ba kinamusta niyo ako?hindi diba. Alam mo bang pagod na pagod na ako... Utos dito--Utos doon, lagi nalang sila ang iniintindi niyo! Hindi niyo ba naisip na may isa pa pala kayong anak. AKo na gumagawang lahat sa gawaing bahay, ako na din ang nagbabayad sa lahat ng gastusin, sinusunod ko din naman lagi ang utos niyo ah, Hindi pa ba yun sapat? Tay, nakakapagod na...Suko na 'ko." Mahabang lintanya ko.

"Then LEAVE! kung walang gustong mag sorry sa inyo. Umalis muna kayo sa harapan ko, pinapainit niyo lalo ang ulo ko."

Imbis na sa kwarto ako dumeretso ay lumabas ako ng bahay kahit bumubuhos ang malakas na ulan, nakikisabay siguro sa lungkot na aking nararamdaman.

At sa hindi inaasahan ay may isang humaharurot na kotse at pagewang gewang ang takbo papunta sa direksiyon ko,

Huli na ang lahat dahil bago ko pa ito maiwasan ay nabundol na ako nito.


-WAKAS-


All Rights Reserved.

Thankyou for Reading!

Don't Forget to Vote and Comment




TIRED • ONE SHOTWhere stories live. Discover now