Second short story, wala pa kasing cover yung isa kay nauna to. HAHA. Hoping na magustuhan nyo. Support. :)
I Know Kevin, I know..
"Ang haba ng mga pilik mata mo."
'Yun ang unang kapuna-puna sakin. Ang mahaba at itim kong mga pilik mata. Pinaresan pa ng brown kong mata na namana ko sa half-English kong ina.
Ipinanganak ako sa Bulacan at doon nagsimulang magkamalay. Madami akong mga kaibigan. Babae man o lalaki.
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.."
Mabilis akong tumakbo palayo sa tayang si Karen na kasalukuyang nakasandal ang mukha sa pader habang nakapikit ang mga mata. Masayang magtaguan kapag gabi sa lugar namin. Madami kasing pagtataguan pero alam naming safe naman.
Sumiksik ako sa isang pader na madilim sa may bakanteng lote. At ang isang walong taong gulang na batang tulad ko ay hindi na dapat natatakot sa dilim. Kaya gorabels lang ako.
Usad ako nang usad paatras para mas makapagtago ako. Kaya..
Usad lang. Hanggang sa may naramdaman akong natapakan ko. Impit na daing ang narinig ko. Ha! Boses lalaki.
"Aray!" Nalakasan nya na ang boses nya. At lalaki nga. Marahas akong napalingon. Si Joshua! Natapakan ko pala ang paa ng crush kong si Joshua. Omg!
"S-sorry Joshua!"
"Okay lang, tol." Napahinga ako ng maluwag nung sinabi n'yang okay lang. Pare o tol ang tawagan naming magkakaibigan, mapababae man o lalaki. Kasi, tropa kami.
Matangkad siya sakin. Kasi nga dalawang taon ang tanda nya. Pero kaklase ko sya dahil late syang nag-aral. Kaya ganoon talaga. Singkit sya at maputi. Kasi ang sabi, anak daw sya ng Hapon. Gusto ko din maging anak ng Hapon kaya kailangang kami ang maging balang araw, para father ko na din ang father nya. Pero hindi pwede.
Hinatak nya ako palapit sa kanya nun. Kasi naramdaman naming palapit na sa direksyon namin si Karen. Yung taya sa laro.
Napasinghap ako sa ginawa nya. Tinakpan ko pa ang bibig ko dahil baka lumabas mula dito ang puso ko. Gusto ko rin sanang takpan ang tenga nya. Dahil sa sobrang lapit namin, natatakot ako sa posibilidad na baka.. baka marinig nya ang tibok ng naglalandi kong puso.
Hindi natapos ang lahat nung 8 ako. Nung mag nine ako, mas dumami pa ang friends ko. More on girls syempre. We talk about boys, crushes and the like hanggang magten ako.
"Sa totoo lang, inggit na inggit ako sa hair mo. Ang shiny." Nasa room kami noon nung twelve na ako. Kasama ko si Cath at Jane kasi wala namang teacher.
Binulong lang yun ni Cath. Kaya pasimple lang akong ngumiti. Papalapit kasi si Joshua. Kasama ang tropa.
Nakipag-apir silang lahat sakin. Pakiramdan ko pa din, mangingisay ako sa kilig nung si Josh ang nakadaupang-palad ko. Kahit nano-seconds lang yun. Pero syempre di nila alam na kinikilig ako. Lalo na sya. Mahirap na. Baka masira ang friendship no!
Tumabi sya sakin. Nasa gitna namin sya ni Demi. Ang girlfriend! Bongga diba, graduating pa lang ako ng elementary, jowa na agad sila.
Isa pa yang dahilan kaya kami lang ni Cath ay Jane ang may alam na gusto ko sya.
"Kaninong amoy yun? Ang bango ah? Babaeng babae."
Isang pagkakataong nagkasalubong kami sa hallway. Ako lumabas kasi ng room dahil maaga pa naman habang papasok pa lang yata sya.
High school na ako. At mabuti na lang talaga at di ako nahihiwalay sa friendships ko! Lalong lalo na sa love of my life ko. Si Josh.
Nilapitan nya ako at bahagyang inamoy. "Sayo yun?"
BINABASA MO ANG
"I Know Kevin, I Know..."
KurzgeschichtenI like him eversince. His voice takes my breath away. I am captivated by the way he moves. I love him to bits that I treasure this feeling since I was eight. And now, it's my birthday. Legal age, the day I'm waiting for. But everything is forbidden...