CHAPTER XV

7 4 0
                                    

Pag katapos kong gawin ang morning routine ko, agad naman akong nag bihis para pumasok ng school. Habang nag lalakad ako papuntang building namin, nakita ko si Felix habang pinaparada nito ang kanyang sasakyan sa parking lot ng school. Pinuntahan ko ito para sabay nalang kaming pumunta ng classroom.

"Felix, good morning, sabay nalang tayong pumunta ng classroom" I said habang naka ngisi ang aking mga labi

"Oh, Jackson, ikaw pala 'yan, kararating mo lang ba?" Felix asked

"Oo, sumakay nangalang ako ng tricycle papunta rito dahil wala ng gasulina yung sasakyan ko" I said

Pag dating namin ng classroom, dumeretso na kami sa aming table at ibinaba ang aming dalang gamit. Naririnig ko sa iba naming kaklase na mag kakaroon daw kami ng masquerade ball na gaganapin sa sabado, agad ko namang tinanong si Felix about sa event.

"Oo nga pala, I'm sorry nakalimutan kong sabihin sayo na magkakaroon tayo ng masquerade ball sa sabado" Felix said

"Pupunta ka ba?" I asked him

Pansin kong namumula ang kanyang mga pisnge habang naka titig saakin at parang malalim ang iniisip. Hinintay ko ng ilang segundo ang kanyang sagot sa tanong ko, at ng hawakan ko ang kanyang balikat dahan dahan niyang tiningnan ang kamay ko at ramdam ng aking mga daliri ang malalim na buntong hininga ni Felix.

"Bro? Are you okay?" I asked

Tumingin siya sakin na para bang gulat na gulat at tinanong niya ako ulit kung ano ba ang aking sinabi. Inulit ko ito para sakanya at sinabi niyang nag dadalawang isip siya kung pupunta ba siya ng masquerade ball o hindi.

"Sumama kana, for sure pupunta rin 'to sila Ni-ki, Alex, at Jordan" I said na nag pupumilit

"Sige, pupunta ako ng masquerade ball" Felix said

Makalipas ang ilang oras, bumaba kami ng building para pumunta ng canteen at bumili ng makakain. Napansin kong hindi sapat ang pera ko para maka bili ng makakain, dahil sa pamasahe nalamang ang natira. Nag paalam ako sa kanilang apat na may kukunin lang ako sa room at agad na akong umalis. Habang naka upo ako sa table ko, ramdam ko na kumakalam na ang aking sikmura. Habang hinihintay kong maka balik sina Felix, Ni-ki, Alex, at Jordan, kinuha ko muna ang cellphone ko at headset para mag sound trip. Makalipas ang ilang minuto habang nakapikit ang aking mga mata at habang nag sa-sound trip, may naaamoy akong pagkain sa malapit kung saan ako nakaupo at hindi ko nalamang ito pinansin sa kadahilanang baka mas lalo akong magutom.

"Jackson, binilhan kita ng makakain. Nakita ko kasing wala kang pambili kanina kaya naisip kong ako nalang yung bibili ng makakain mo" someone said

Nagulat ako sa aking narinig at agad ko namang idinilat ang aking mga mata at binaba ko ang headphones ko, bumungad sa aking harapan yung isang burger, fries at softdrink na nakalagay sa table ko, at nakita kong naka tayo sa gilid ng table ko si Felix habang naka ngisi ang mga labi nito.

"Sana hindi kana nag abala, hindi pa naman ako nagugutom" I said in a lower voice

"Nako wala 'yun, at friends naman tayo syempre tutulungan kita kahit ano payan" Felix said na parang nahihiya

Ramdam ko ang dahan dahang pag ngisi ng aking mga labi dahil sa narinig ko. Agad naman akong nag pasalamat kay Felix at bumalik na ito sa kanyang table. Hindi na ako nag alinlangang abutin yung burger at kumain. Habang kumakain ako, pansin kong pa simpling naka tingin saakin si Felix habang hawak hawak nito ang kanyang cellphone.

"Felix, hmmm. Gusto mo.. hati tayo?" I asked him

"Haaa.. hindi, para sayo talaga yan. Kumain na ako kanina sa canteen" Felix said habang namumula ang kanyang mga pisnge

Napansin kong parang kinakabahan si Felix habang namumula ang mga pisnge nito. Binalin ko nalamang ang aking attention sa ginagawa ko. Ng matapos kong maubos ang biniling burger at fries ni Felix, inabot ko na rin yung softdrink para uminom. Aksedente akong nabilaukan at lumabas sa aking mga bibig ang iniinom kong soft drink, pansin ko rin na nabasa ang aking suot na polo at pants.

"Oh, are you okay?" Felix asked

"Oo, I'm sorry, gutom na gutom kasi ako" I said na nahihiya

Kumuha si Felix ng tissue sa kanyang bag at inabot ito saakin. Agad ko namang pinunasan yung bibig ko at yung uniform ko. Sa dami ng natapong softdrink sa uniform ko, hinubad ko ang polong suot ko at sinabit sa likuran ng inuupuan ko, sando lamang ang aking pantaas na suot at hindi ko na naisip na hubarin ang suot kong pants dahil wala rin lang naman akong dalang pang palit. Habang nag hihintay ako na matuyo ang aking polo, aking napansin na kanina pa saakin nakatitig si Felix na tila parang uhaw na uhaw ito, at makikitang patuloy na namumula ang kanyang mga pisnge. Hindi ko alam kung bakit ba siya nag kakaganyan at inisip ko nalamang normal nayun sa kanya.

Makalipas ang ilang oras, dumating na rin sila Ni-ki, Alex, at Jordan. At tinanong nila ako kung ano ba ang nangyare saakin at bakit naka sando lamang ako. Sinabi ko sakanila na natapon yung iniinom kong softdrink at nabasa yung suot kong polo at pants.

I'm In Love With A Guy | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon