IV

6 0 0
                                    

Hindi... hindi ko namalayang nakaratay na sa kaniyang balikat ang dalawang braso ko habang marahang tinutugonan ang bawat halik niya.

Bawat halik niyang bago at may kakaibang hatid sa akin. Sa sandaling iyon ay tila may mga paro-parong nais na kumawala sa aking kaloob-looban at gusto akong dalhin at liparin sa kung saan man.

Hindi ko maipaliwanag lalo na't ito ang aking unang halik. Tuluyan na ngang nawala na'ko sa katinuan.

Ilang sandali pa'y bumitaw din kami nang parehong kapusin ng hininga. Mahina pa itong tumawa matapos.

Naramdaman ko nalang na uminit ang mukha ko sa kahihiyan kaya agad ko rin siyang tinulak palayo sakin. Sobra niyang lapit, hindi ako makahinga ng maayos. Agad akong umiwas ng tingin.

Namalayan ko nalang din na tuluyan na pala siyang nakapasok sa loob ng aking silid at nasa harap na kami ng aking higaan. Kung ganoon.. Anong ginagawa ko?! pumikit ako at agad na huminga ng malalim.

"Prostrian, you can call me Pros. Uhm T-tawagi--"

Tuluyang nagising ang diwa ko sa biglang pagsasalita niya. Kaya't natuon ang atensyon sakanya at agad siyang pinutol.

"Wala.. wala na akong pakialam kung s-sino ka pa."

Hindi na dapat 'to nangyari at paanong narito siya ngayon?

"So you did understand me huh, so you are?"  tumatangong hangos pa nito na nakitaan ko pa ng multo ng ngisi na tila di narinig ang aking sinabi.

Hindi man ganoon pero talaga ngang nauunawaan ko ang bawat sinasabi niya. Talagang malaki nga ang naging epekto sa akin ng librong iyon.

"U-umalis ka na hindi mo na dapat malaman kung sino a-ako. Walang dapat makakilala sayo rito kaya umalis ka na bago pa may makakita sayo!"

Mariin ng lumukot ang mukha nito sa bigla kong pagsigaw.

"What? I'm really interested at your atmosphere here, i want explore and know more about this place so i even learn your language and.."

and?

Ramdam ko ang pagdadalawang isip niya sa susunod sasabihin kaya't mula sa magkasalubong kong kilay ay itinaas ko ang isa.

Gusto niyang malaman ang mga bagay na tungkol dito sa Marley?

May balak ba silang sakupin kami at gawin kaming isa sa mga alipin nila o ang mas malala pa ay gawing isa sa mga napaslang nila? Posibleng yun nga ang dahilan kaya siya nandito ngayon at hindi malabo iyon marahil mayaman at masagana kami sa ilang bagay rito na siyang bumubuhay sa amin sa araw-araw. Hindi ako papayag na mangyari iyon kung ganoon nga.

Huminga siya ng malalim ng makita ang naging reaksyon ko.

"Gusto kitang makilala."

Agad nag-init ang damdamin ko matapos marinig 'yon. Gusto ko pang  iproseso lahat ng mga sinabi niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. at..

Gusto niya pa akong makilala?

Ah. Isa ba 'ko sa gagawin niyang paraan para gamitin para tuluyang makamit ang madilim niyang plano? nila?

Tuluyang nandilim ang paningin ko sakanya at sumama ang pakiramdam sa naisip.

"Uma--" natigil ako ng marinig ang maingay na katok mula sa aking pintuan.

"Mam Costa! gising na ho ba kayo? Ipinapababa na po kayo ni Señor para mag-umagahan." mariing tawag nito na batid kong isa sa mga taga silbi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time series I: Between Eldian and MarleyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon