Chapter-4 : Alen and Antarc

3 1 0
                                    

Papunta kami ngayon sa close gymnasium para magpractice para sa darating na laban ng bawat section at sa laban namin ng USG.

"You okay Alen?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami.

"No" mahinahon nyang sagot.

Napatawa naman ako sa isip ko, ayaw nya talagang ma-expose sa mga tao at ayaw na ayaw nyang pagkaguluhan siya. haha.

Nasa harapan namin sila Zeal, Dave, Jayson at nasa kaliwang gilid sila Keith, Latte, Nathan nasa kanan naman sila Lohan, Perry, Zephyr, Ariss at nasa likod ko sila Antarc at Kiv. Katabi ko naman si Alen na handa ng sapakin ang nasa harapan nya.

"Keep away that damn face of yours Zeal" mahinahon nyang suway kay Zeal.

"pfftt--" Zeal.

"Don't let me see it or else..." pagbabanta na ni Alen kay Zeal.

Huminga muna ng malalim si Zeal at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Hoo grabe ang init noh?" tanong ni Zeal kay Dave.

Sumabay naman si Dave. "Oo nga pre ang init" pagkatapos yun sabihin ni Dave nagkatinginan sila ni Zeal at tumawa ng malakas.

Malapit na kami sa gymnasium ng hilahin ako ni Alen at tumakbo patungong gymnasium.

Ha* ha* ha* hingal naming dalawa.
"Ano ka ba Alen..." sabi ko habang pinaypayan ang sarili.

"Tss ang babagal nila maglakad" dahilan nya.
"Weee gusto mo lang na masolo ako" biro ko sakanya.

"Oo" pagkasabi nya non ay yinakap nya ako. Sakto namang dumating ang mga loko.

"Oy oy oy ano to b*ld?"

"Oii Alen sumusobra kana"

"Hoyy Aleeeen!!!" sigaw ng isang matinis na boses papunta sa kinatatayuan namin ni Alen.

Sinubukan ni Perry na paghiwalayin kami ni Alen sa pagkakayakap pero mas hinigpitan pa ni Alen ang pagyakap sakin.

"Ang PDA nyo naman... "Jayson

"Oi baka may makakita sa inyong dalawa" saway ni Dave.

Tinignan ko naman si Alen na nakatingin pala sa sakin. Inilapit ko ang mukha ko at tinitigang mabuti ang mukha ni Alen.

"Gwapo" sabi ko nalang at isiniksik ang mukha ko sa leeg ni Alen. Hmm ang bango ehehehe.

"Ayun oh"

"May nanalo naaa"

Hindi ko na narinig ang ilang kantyaw nila ng mandilim na ang paningin ko.

"Oii ano na bat sya nahimatay kanina?!"

"Pwede ba huminahon ka!"

"Pano ako hihinahon eh nagdudugo sy-"Hindi na natuloy ang sasabihin ng loko ng bigla akong bumangon. Medyo umiikot pa ang paligid ko pero hindi na masyado masakit ulo ko.

Napatingin ako sa sahig. Dinala pala nila ako sa dorm. Iningat ko ang paningin ko at nakita ang mga loko na di mapakali maliban kay Antarc.

"A-alen" sabi ko at hinanap sa loob ng kwarto si Alen.

"Okay ka lang ba??"

" May masakit ba sayo?"

"Gutom ka na ba?"
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila at hinanap si Alen sa kwarto.
"A-alen nasan ka..." mahina kong sambit.

Crimson Academy : Crimson Empire Association Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon