Pagkatapos ng meeting ng grupo namin para sa thesis ay agad na kong tumungo sa store. Nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili. Isang mahabang araw na naman ang bubunuin ko. Mabuti na lang at walang masyadong activities ang binigay sa amin. Lahat ay nagawa ko na kanina sa school kaya makakapag pahinga ako ng maaga.
Nakita ko si Nicks na nasa counter na. Mukhang mas maaga siya sakin ngayon.
"Hi babe!" Bati ko sa kanya.
"Hi babe!"
"Nagpunta na ba si Gio?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Baka di na naman gumawa 'yon kaya di pa pinapauwi ng teacher."
Nag-aalala ako sa bata. Si Gio ang batang laging napunta sa convenience store namin na laging nanghihingi ng pagkain sa kanila kapag wala ng pera ang kanyang lola.
Wala ng mga magulang ang bata kaya ang lola niya ang nag-aalaga dito. Inaabutan ko ng pera si Gio linggo-linggo para may pangbaon siya at pagkain nila ng lola nila. Tanging pagtitinda ng gulay sa harapan ang ikinabubuhay nila. Nagbabagsak ng gulay ang mga truck na bumababa mula sa bundok at iyon ang binebenta ng matanda.
Naaawa ako sa kalagayan ng mag-lola kaya inaabutan ko sila ng tulong pinansyal sa abot ng aking makakaya.Nasa labas ng pintuan ng gusali si Gio nang matanaw ko ito. Umiiyak habang kausap si Manong.
"Ayon na si Gio, Isa! Umiiyak siya!"
Pinuntahan ko agad sa labas si Gio.
"Anong nangyari baby?" Tanong ko sa bata na namumugto na ang mata.
"Mukhang inaway siya ng mga kaklase niya Isa." Sagot ni Manong ng hindi tumatahan si Gio.
Inaaya ko ang bata sa loob at pinaupo sa mga nakahanay na bangko. Kinarga ko siya para maiupo dahil mataas ito. Hinaplos ko ang likod nya hanggang sa tumahan siya. Saka ko tinanong kung anong nangyari.
"K-kasi po.. sabi p-po n-nung.. kaklase k-ko.. w-wala daw p-po akong.. m-mama at p-papa.." Sabi nito habang humihikbi hikbi pa.
Naawa naman ako sa kanya. Naranasan ko rin ang nararanasan niya ngayon dahil simula bata pa lang ako ay di ko na nakagisnan ang nanay ko.
Niyakap ko si Gio at pilit na pinatahan. Nang kumalma ang bata ay saka ko siya kinausap ng maayos.
"Ganito na lang baby, kapag tinukso ka pa nila ng wala kang mama, sabihin mo ako ang mama mo." Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha sa sinabi ko.
"P-pero ate ganda hindi naman po kita Mama.."
"Ganito kasi iyon baby, may mga tao na pwede mong maging mama kahit di mo sila tunay na mama."
"B-bakit po ate? Paano ko po magiging mama kayo kahit di ko po kayo mama?"
"Hmm... kasi love kita na para kong anak kahit di pa ko nagkaka-anak. Basta maiintidihan mo rin iyon paglaki mo." Hirap kong ipaliwanag sa munting bata ang sitwasyon.
"T-talaga po?! Pwede po 'yon?!" Nakita ko naman ang kagalakan sa kaniya. Sabik na sabik talaga siya na magkaroon ng isang ina.
Tumango ako sa kanya.
"Yehey! May Mama na ko!"
"Wag ka nang iiyak ha? Teka, ikukuha lang kita ng pagkain. Diyan ka lang muna ha? Behave."
"Opo mama." Masayang tugon nito sakin.
Umalis ako at kumuha ng hotdog at juice. Dumiretso ako sa counter para magbayad.
"Anong nangyari kay Gio? Bakit umiiyak?" Tanong ni Nicks habang pinapunch ang binili kong pagkain.
"Inaway ng mga kaklase niya."