Ugh! Trabaho na naman. Heto na naman ako. Lalabanan ko na naman kabaliwan ko sa kanya. Hayy. Bakit pa kasi naging boss ko pa? -_-
Oy! Nanjan na pala kayo? (Ay wala. Wala kami dito. Tskk)
Luh? Si author naging si Vice Ganda na? O_O (Isang hirit pa, patay ka na. Di pa nga nag sisimula story mo, baliw ka na. Tskk)
Hala. Lagot! Eto na po. Sorry naman. Di na po Author. :D Love mo naman ako diba? Kaya di mo ko papatayin? T_T (Umayos ka. Oh, magpakilala kana.)
Ay! Oo nga pala! Hi sa inyong lahat! *waves* ako nga pala si Iannah Roselle. Secret na muna apilyedo ko ah. Hihi. Bawal pa kasi sabihin, baka magalit na naman si Author. Lagot na naman ako.
Anyway, 20 years old na ako. May kapatid. Lalake. Gwapo yun. Boy version ko. So meaning, maganda ako. Hihi. (Ahemm) O_O so ayun nga, kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang 5 star hotel, ang Dragon Star Hotel. Isa akong housekeeper or room attendant. Okay naman work ko dun. Masaya din naman kasi gusto ko din naman sa ganoong trabaho. Kesa naman dun ako sa masama diba? Ayoko naman pag aralin kapatid ko gamit ang masamang pera noh. Yup! You heared it right madlang peeps! Ako nagpapa-aral sa kapatid ko. Kung bakit? Secret ulit. Hihihi. Daming secret noh? Yun yung gusto no Author e :3
Hala! Oo nga pala! Naku di ko namalayan yung oras. Baka ma late na ko neto. Aish! Madlang peeps, mamaya na muna ha? Ligo muna ako. Nakuuuu x.x
***
11:45am. Di ako na late! Buti nalang kung hindi lagot talaga ako. Masungit pa naman boss ko. Pero gwapo kaya hayaan na. Hihi.
Naglalakad na ako papunta sa quarter ko. Dun kasi namin kinukuha ang mga gamit namin sa pang lilinis. Kada floor ng hotel may quarter. At kada floor isang RA(Room Attendant) lang. Medjo madaming rooms, pero keri na din di naman kasi namin kelangan linisin lahat ng rooms kung wala na kaming oras. May pumapalit din naman kaya oks lang.
Dito na ko sa quarter ko, kumukuha ng gamit.
"La la la la... hmm hmm hmm" ako xD
"Ganda ng araw natin ah"
"Ay butiking ng split!" Gulat ako dun ah!
"Butiking what?! Miss Yanah(nickname ko hihi cute), what are you saying?"
"Naku sorry po sir. Nagulat kasi ako sa inyo e. May kailangan po ba kayo?" Hayy. Compose yourself ineng.
"I am here to inform you that you're fired."
"Ha?! Sir bakit naman po? May nagawa po ba ako? Dahil po ba yun sa butiking nag split? Sir Nikolai wag naman po. Maawa po kayo sa akin. Ako po nagpapaaral sa kapatid ko. Pano na siya kung wala akong trabaho. Sir Nikolai.....!" Pagmamakaawa ko na halos lumuhod na ako sa harapan ng boss ko. Oo boss ko kausap ko. Hay nako!
"Pfftt!! Hahahahahahahahahahah. Oh my god! You are so funny Miss Yanah. Hahahahahaha you should have seen your face. It's epic! Hahahahahahah" kantyaw nya. Ang sama nito!
"E kasi naman po e bakit niyo ako tatanggalin? Tagal ko na kaya dito. Tapos wala akong natatandaang kasalanan ko. Ano po ba yun Sir huh? Sabihin niyo naman po. Nababaliw na ko kakaisip e." Wala na. Baliw na ako.
"Hahahaha. Haaayyy. See me in the office at 1pm. I have an offer." Sabi niya bago umalis.
Kita mo yon! Di pa nga ako naka sagot umalis na agad! Bastos talaga! Naku pasalamat ka crush kita! *^O^*
*~/~*
A/N: yan muna sa ngayon. Alam kong corny pero wala e xD