A/N : It's good to be back! Kahit walang nagbabasa/ magbabasa neto, okay lang. Gusto ko lang tong ipagpatuloy. Gawa na rin ng pagkabagot. Hihi!
---
Kakatapos ko lang kumain. Syempre, kain muna bago yung offer na yun ni Boss. Wag niyo tanungin kung may idea ako kung ano man yon dahil wala. Wala akong maisip. Walang laman utak ko. But the thought that I will be going to his office and we will be together alone! In a room!
Oy oy oy! Yannah ha! Ayan na naman pagka naughty mo! Aigoo. Hayyy. Eto na ako, magta-time in lang ako tapos diretso nako sa office ni Sir Nikolai. Ano naman kaya pag-uusapan naming "offer". Hmm. Eehhh, bahala na nga!
Andito nako sa harap ng office ni Sir Nikolai. Kinakabahan akooooo! Whoah! Hingang malamim Yannah! Inhale.. Exhale.. Hooo!
*knock knock*
"Sir Nikolai? Si Yannah po ito." ako. Eehh, kinakabahan talaga ako! Naman eh!
"Pasok!" Sir Nikolai. Eto na. Papasok na. Yannah relax ka nga! Pumasok na ako sa office niya at nadatnan ko syang may parang pinipirmahang mga papeles. Naku! Baka ipapagawa niya saken lahat yan! Sobrang dami. Nakalula. Halaka!
"Ahh Sir, ano po ba yung offer na sinasabi niya kanina?" Tanong ko habang syay busyng busy. Tsk.
Di na ko nagsalita pa. Nag hintay na lamang akong pansinin ng isang gwapong nilalang sa aking harapan na tila di pansin ang kagandahan. Chos!
Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Napaka linis. Napaka organize. Halatang laging nililinisan ito. Ang interior nakaka mangha. Di basta basta. Di ko nga maipaliwanag e. Meron din itong sofa na parang higaan sa laki. hmm ginagamit niya kaya yan sa twing may pumupuntang babae dito? Hihi. Ehh. Ang kulay naman ng kanyang opisina ay itim, puti at pula lamang. Na busy na rin ako sa pagmamasid sa buong kwarto hanggang sa narinig ko syang tumikhim.
"Ahemm" sya. Napalingon naman ako bigla.
"Po?" Ako.
"I said sit down." Sya. Halaka. Nagalit yata. E namangha lang kasi ako sa ganda ng opisina niya e. Ang ganda kasi talaga. Pramis! Peksman!
"Ahh! Opo. Maraming salamat po." Naupo ako sa upuan sa harap ng kanyang lamesa. Nakakakaba naman. Anubayan!
"So...about the offer I'm telling you.." panimula niya. Eto na, ano kayang klaseng offer ito. Hayys. Hindi na ako nagsalita pa, hinintay ko nalang ang susunod na sasabihin niya.
"I want you to act as my girlfriend." Ha?! Girlfriend? Ako? Ano? Paanong...? Ha ulit?!
"Po?!" Yan lamang ang nasabi ko. Naku! Speechless ang loka. -.-
"Yes. Just for a night only. I will be attending a party this coming Sunday. And I want you to come with me. Since matagal ka nang nag tatrabaho dito and may alam ka na din naman sa hotel na ito. Hindi ba?" Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman.
"Ah eh opo. Meron din naman po. Pano po yun, e wala akong maisuot? Alam niya naman pong mahirap lang ako. :3" pa cute na sabi ko. Hihi. Sana kumagat sa pacute ko. Walakompera e. -.-
"No need to worry about that. On saturday we will buy what you need. It's your day off. I'll pick you up on Saturday at 2pm. No buts. You may now leave. Continue your work." Yun lang at umalis na ako. You may now leave na daw e. Haha! Madali akong kausap.
QUARTERS. 4PM.
Eh? Alas kwatro na pala ng hapon. Off ko na. Uwian na! *0* pero teka, ayoko pang umuwi e. Hmmm. Ah! Alam ko na. Tetext ko nalang kapatid ko. Pupuntahan ko sya. Hihi.
TO: Alejandro xD
Alejandro! Nasa school ka pa ba? Puntahan kita. Sa labas na tayo maghapunan. Tinatamad akong mag luto.
Sent!
Hintay-hintay nalang ako sa reply ng kapatid ko habang nililigpit ko gamit ko. Tagal naman mag reply! Hays.
*beep!* [A/N : tunog ng cellphone po xD]
Yun oh! May nag text.
FROM: Alejandro
Sige po ate kong makulit. Ako nalang pupunta jan. Hibtayin mo ko. Katatapos lang po ng klase ko.
Yes! May date na naman kami ng kapatid ko. Hihi. Mahal na mahal ko kaya yun. Kahit minsan pinag titripan ako nun. Alam niya minsan, habang ng mimix ako para gumawa ng waffles bigla ba namang sumigaw? Ayun tuloy natapun sakin. Eh syempre gumanti rin ako. Yung waffles na ginawa ko nilagyan ko ng hotdog na may mga pulang sili sa loob. Ayaw niya ng maanghang. Hahaha! Kaya ayun, parang baliw halos niligo na ang fresh milk. Hahaha. Natatawa parin ako kapag naaalala ko yun. Hayy.
Nasa may lobby nako. Palabas na ko ng building ng may narining akong usapan.
"Nabalitaan mo na ba? Babalik na daw siya" girl 1
"Sino te?? Yung maarteng feeling maganda? Pero puro peke naman?" Girl 2. Lokaloka. Haha.
"Oo! Sya nga. Hay naku. May maghahari-harian na naman dito." Girl 1. Halatang bad trip si ate. Haha.
Kilala ko na sino pinag uusapan nila. Nakuuu! Sa oras na bumalim na sya, panigurado gugulo nanaman dito sa hotel. Tsk.
Tuluyan na kong naka labas ng hotel at nag hintay sa kapatid kong dumating.
Sunday. Party. Saturday. Bili damit. Anong klaseng party kaya yun? Di yun dito gaganapin panigurado kasi kung dito, malalaman ko. Hmm. Ehh. Excited na ko sa saturday. Hihi. Wednesday pa lang nagyon! -.-
---
A/N : End of chapter 2.