I woke up in a room where all you can see is white and black, agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtanto kong diko alam ang kwartong ito. Mabilis akong tumayo at inikot ang paningin ko, sakto din ang pag bukas ng pintuan at pumasok ang isang lalaki, napaatras ako at pinatiling alerto ang sarili ko.
Nginitian ako ng lalaki bago ito nag salita "Glad you're awake, mahigit isang araw kading walang malay." Wika nito he seems harmless, pero kailangan ko pading maka siguro.
"Who are you? At anong ginagawa ko rito? Bak---" di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla itong sumingit.
"Nadatnan kitang walang malay sa labas ng hideout niyo. So decided na dalhin ka dito, at isa pa hindi ako ang nag bihis sayo, yung maid ko ang may gawa." Saka ko lang napagtanto ang nangyari,
Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay mabilis kong tinakbo ang pagitan namin sa pinto at akmang lalabas ng pinigilan ako ng lalaki kaya agad akong napatingin dito, at dahil matangkad siya saakin agad kong nakita ang tattoo nitong black demon mask sa leeg niya kaya nanlaki ang mata ko at akmang susuntukin siya ng napigilan niya ang kamao ko at tinulak ako kaya napasandal ako sa pader.
Susugurin ko sana siya kaso tinutukan niya ako ng baril. "Stop making a mess, I'm not here to kill you."
Sinamaan ko siya ng tingin, saka ako nag salita "you're one of them." Mahina kong sambit.
Napa-smirk ito at ibinaba ang baril "Just call me Ace. Empress sent me to get you out from that hideout."
Agad akong nagtaka dahil sa sinabi nito, he's a member of our enemy. "Alam kong nagtataka ka ngayon pero diko pwedeng sabihin sa iyo. Nasa labas ang motor mo pati ang susi nito, pwede kanang umalis total okay ka na naman pinaghahanap ka na ng mga kasamahan mo."
Magtatanong pa sana ako pero mabilis ang galaw nitong umalis at iniwan akong nakatanga at pinoproseso ang nangyari. Lumabas ako sa kwartong yon na malalim ang iniisip. Napagdisisyonan ko munang umuwi at para matawagan ang pamilya ko.
Kakatapos ko lang kausapin sina mommy through phone call dahil di padin sila umuuwi dito sa bahay. Napagdisisyonan kong tawagan ang mga kasamahan ko isang ring palang agad itong sinagot ni Delilah.
"Hello?" Dinig kong wika nito.
"It's me."
"Arae? Shit! Nasaan ka ba? Nasa arena kami ngayun mag memeeting sana kami para hanapin ka. Akala namin kung ano ng nangyari saiyo! Pumunta ka agad dito ngayun na." Napangiwi ako sa boses ni Reese she's the one who answered the call kaya pala napakatalas ng boses na yun.
Pinatay ko nalang ang tawag at mabilis na lumabas ng bahay, nakaligo na ako pagkarating ko rito. Ginamit ko ang sasakyan ni mommy papuntang arena dahil tinatamad akong mag motor,
Habang binabaybay ko ang daan papuntang arena diko maiwasang di maisip ang nangyari ng gabing yun, dalawang tao ang nawala na pinangakuan kong poprotektahan ko pero di ko nagawa. Di ko napansin na kanina pa pala ako umiiyak, pagkarating ko sa arena mabilis kong pinahid ang luha ko at sinuot ang maskara saka ako pumasok sa loob.
Nadatnan ko silang lahat sa meeting room kita ko ang alala sa mga mata nila. Nakita ko si Emerald na nakaupo sa dulo, biglang kumolo ang dugo at tinakbo ang distansiya naming dalawa agad ko siyang dinambahan ng suntok, alam kong nagulat silang lahat sa ginawa ko kaya di sila agad nakagalaw nag palitan muna kami ng suntok ni Emerald hanggang sa nahila ako ni Delilah.
Agad akong sinigawan ni Emerald dahil pati ito ay nagulat din sa ginawa ko "Ano bang problema mo!!"
Dinuro ko siya "Nangako ka eme!! Nangako ka na poprotektahan mo si jake!! Pero ano? Wala kang ginawa!! Nasaan ka ng nangyari ang lahat ng yon? Diba wala? Walang emerald na nandun!!" Nag pupuyos na ako sa galit habang nakahawak padin saakin si Delilah.