Chapter 24

0 0 0
                                    

Tahimik akong nag da-drive papunta sa rest house namin para bumisita. Matagal tagal nadin pala akong di nakapunta dun. Pag karating ko, agad binuksan ng guard ang malaking gate dito at pinapasok ako, nakita ko si mama na nasa labas ng pinto habang pinagmamasdan ang pag labas ko sa sasakyan. Saktong pag baba ko agad itong nag lakad palapit saakin, tinakbo ko ang aming distansiya at nung makalapit na ako mabilis ko siyang hinagkan.

"I miss you mom"

"I miss you so much baby"

Sabay naming sabi. Kaya napatawa nalang kaming dalawa, it's already 8:30 in the morning pero di padaw kumakain si mommy ng breakfast dahil hinihintay ako nito na makarating para sabay kaming kumain.

Sabay-sabay kaming kumain pati nadin ang bagong dalawang maids ni mommy, napatingin ako sa dalawang maids, they look familiar to me at parang kaedad ko lang ang mga ito. Ng napansin ng isang maid na nakatingin ako sa kanya agad itong bumaling sa katabi niya kaya napatingin ang katabi niya saakin.

Nagsukatan kaming tatlo nang titig ng biglang tumikhim si mommy. Kaya napunta ang atensyon namin sa kanya.

"You're very weird guys. Arae this is our new maids. Mary Santiago"  tinuro nito ang una kong tiningnan kanina, hilaw akong ngumiti ganun din ito saakin, "and Stephanie Gomez." Nag titigan lang kami, at agad nabaling ang atensiyon  namin ng biglang pumasok si Delilah at Reese.

Anong ginagawa ng mga yan dito? Wala naman akong sinabi na pupunta ako dito.

"Delilah! Reese! O my god girls namiss ko kayo!" Excited na sigaw ni mommy at agad itong tumayo at sinalubong ang dalawa ng yakap. Tapatingin ako sa tiyan nito medyo malaki nadin ang baby bump ni mommy ilang buwan na ba yan?

"Come, take a sit girls alam kong nagugutom na kayo dahil dalawang oras pa naman ang byahe mula sa inyo papunta dito."

"It's like a reunion! Bakit wala si Faye at Grey? Namiss ko ang dalawang yun!" Excited na wika ni mommy.

"Di po nila alam na pupunta kami dito tita." Sagot naman ni Reese, ngumiti lang si mommy at tinanguan ang dalawa.

Saktong pag ka upo ni Delilah at Reese napatingin din ito sa mga maids at dun ko napag tanto na di lang sila ordinaryong maid, sa reaksyon palang ni Delilah alam kong nakilala niya na ito, she's good at remembering people kahit matagal na namin itong nakita. Iniwas ng mga maids ang tingin nila saamin at nag patuloy sa pag kain.

Tumawag si Daddy sa telepono kaya umalis si mommy sa hapag kainan at lumabas ng bahay. Agad kaming napatingin sa isang maid na nag ngangalang Mary dahil tumayo ito at akmang aalis na ng biglang nag salita si Delilah.

"Stay." Malamig na wika nito. Bumalik sa pagkakaupo ang isang maid habang ang isa ay prente lang na nakaupo at kumakain.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Napatingin saakin si Stephanie

"We're working? As maids? Di ba obvious?" Sarkastiko nitong tanong. Bigla nalang naglakad si Delilah palapit dito at hinawakan ang panga ni  steph kaya akmang tatayo si Mary ng nakalapit na dito si Reese at hinawakan ang dalawang balikat nito kaya di ito nakatayo. Habang ako ay nakatingin lang sa kanila.

"Answer the question seriously. Sinong nag padala sa inyo? Alam kong kilala niyo na kami pero alam niyo din kung paano kami magalit Stephanie Gomez leader of the Soul Hunter and the rank 3 of the empire, the gang that we fought last year and ended up defeated." Seryusong wika ni Delilah. Saka lang nag sink-in saakin ang sinabi nito.

Shit! Sila nga ito! Yung nakalaban namin last year sa underground battle at natalo namin they have 7 members 4 girls and 3 boys. Sila din ang isa sa mga gang sa empire na may galit ata saamin, mailap kasi silang grupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

White liesWhere stories live. Discover now