Note!
Ang Tagal na niyong nakataho sa baol😅
Pero hinalukay ko just for my sister.
One thing for sure may wakas po ito. Sana magkaroon ako ng lakas ulet ng loob na sulatin pa yung iba.Hope you like it.
For you ate🥰Let's start meeting the Madrigal Clan
One
Sunshine
“3:47!!” salubong sa akin ni Gabby ng makarating na ulit ako sa gilid ng pool.
“What?” Kunot noong sabi ko “Bakit parang mas bumagal ako?”
Nilahad niya ang kamay sa akin pero parang hindi ko iyon nakikita. Tanging nasa isip ko lang ay ang pagbagal ng oras ko.
Kanina mabilis na ako, bakit bigla akong bumagal.
“Magpahinga ka kaya muna.” Utos niya sa akin. Binaba niya na rin ang kamay na hindi ko pinansin.
Magpahinga!!!
Huminga muna ako ng malalim bago lumubog ulit sa tubig. I heard her say something pero hindi ko na iyon pinansin.
I need to swim…swim fast…Break my record….So I can join the Philippine Team.
Yes Philippine team!!!
Ako nga pala si Ineya Sunshine Rodriguez half Filipina half Chinese, but I’m not singkit huh!! I have one kuya at ako na bunso. I’m a swimmer since bata pa ako ito na ang gusto ko. Ang makapag bigay ng karangalan sa Pilipinas. Kaya nga nag aral ako ng mabuti. Pumasok sa pinakamagandang University na maganda ang program sa swimming.
Noong una ayaw ng parents ko na ganito ang gawin ko sa buhay ko. But nagbago yun ng una kong mapanalunan ang first ever gold medal ko nung nasa grade 5 palang ako. Regional yun at sa dami ng kalabaan kong magagaling ako ang nanalo. Kaya mas nagpursige pa ako para sa pangarap ko. Lumaban ako sa palararong pambansa
Naging Team Captain din ako sa Alexandria De Montecillo University sa swimming team. We Bagged a lot of medals para sa school syempre maraming nanggaling sa akin. At dun ko din sa University nakilala si Ritch ang first girlfriend ko. Yes I’m into girls ‘BI’ sabi nila. Kasi naatract din ako sa boys eh.But wala pa akong nagiging boyfriend, crush…crush lang kumbaga. So about Ritch teakwondo player magaling siya. . 2nd year ako ng magkilala kami 4th year na siya same ang course namin BSPT. Ang dali lang namin nagka gaanan ng Loob, siya din ang nagparealize sa akin na BI nga ako.
Tingin ko perfect ang relationship namin kasi mahal ko siya at mahal din niya ako yun ang akala ko. Pero sabi nga nila all good things come to an end. Nagbago lahat ng makapasok na siya sa Philippine team. Noong una ayos pa naman. Sabi pa nga niya hihintayin niya ako na ako na maging Member din ng Philippine Team dahil pangarap namin yung dalawa. Pero isang araw tumawag na lang siya at sabing break na kami. Alam nyo ba yung feeling na yun… Pero wag na nating isipin yun..
Gaga ikaw nga nag isip eh!! Bulong ng isipan ko.
Matagal na rin naman yun isang taon at mahigit na rin naman. Tapos na tapos na tapos na.. Back to me now eto ako ngayon todo practice para sa try-out ko sa next month. So I can join the Philippine team kaya kailangan ko talagang mag practice. Thursday ngayon at bukas may practice ako kung saan nag-eensayo ang mga trainee na katulad ko.
Every Monday, Wednesday and Friday yun. Pag naman TTh may work ako as physical therapist, private lang mahirap kasi pag full time kasi may iba pa rin akong ginagawa. Pag Weekends naman nasa Shop ako namin sa tagaytay. Andun kasi yung Farm ng mga bulaklak namin pero nasa Makati ang shop namin. Pumunta rin ako doon. So I can help. I know how to arrage flowers kasi, as in gusto kong ginagawa ang bagay na yun.
“Hoy..” tawag sa akin ng kaibigan ko. Di pala Best friend ko pala. “SUNSHINE!!” sigaw niya. Ano ba naman itong kaibigan kong ito ang sakit sa tenga. Napapikit pa ako dahil sa sigaw niya. Ang sama tuloy ng tingin na naipukol ko sa kanya.
“Tigil tigilan mo ako ng tingin na ganyan huh!!” may pagduro pa ito sa mga mata kong nalalaman. Hindi ko napansin nakalapit na pala ito sa kin sa dito sa kabilang side ng pool. “4 minutes ang 38 seconds.” Tumingin ito sa hawak na stop watch.
“Huh?” nakasimangot na tanong ko dito.
“4:38 yun ang time mo!!” pabalang na sagot niya….Anong tim---.
“Shiiiiiii---“ sabay tampal ko ng tubig…. Ang bagal ko…Ano ba yan..Isip kasi ng isip ng kung ano-ano..
“Hoy!!” tumingin ulit ako kay Gabby.. “Sinasabi ko naman kasi sayo wag mong pinag iiisip yang ex mo pag nag pra-practice ka…Alam mo namang panira ng buhay yung kurimaw na yun.” Mataray na sermon niya sa akin. Nakapamewang pa ang loka.
Nag-iwas ako sa kanya ng tingin.”Hindi ko naman siya iniisip eh!” paggsisinungaling ko na duda ako kung makakalusot sa sa kanya.
“Naku…Naku Ineya Sunshine tigilan mo ako….tsk tsk…” alam kong pa iling iling pa ito habang sinasabi yun.
“Hindi nga.” Parang batang ungot ko habang nakikipagtitigan sa tubig ng pool.
“Lokohin mo lolo mong panot..” saad nito.
“Hindi naman panot si lolo ah!” sabay nguso ko pa.
“Batuhin kaya kita diyan..” mataray na sermon niya.
Minsan talaga daig pa nito si Mommy kung talakan ako. Ih….
“Umahon kana kasi muna.” Malumanay na ang boses nito. Humarap na naman ako sa kanya, Nakita ko na ang mga kamay nitong nakalahad na sa akin. Kaya naman may naisip akong brilliant idea.
“Thank you” sabay tanggap kaliwang kamay niya at hila sa kanya sa papunta dito sa pool. Kitang kita ko pa ang gulat sa mukha niya.
“SUNSHINE!!” sigaw nito habang pinupunasan ng mga kamay niya ang sariling mukha. “KAHIT KAILAN KA TALAGA!!” kitang -kita ko ang inis sa mukha niya.
Tawang tawa naman ako sa hitsura niya.Nakasimabgot siyang mukhang ewan. Akma na siyang lalapit sa akin pero mabilis akong lumangoy. Alam ko naman na hindi niya ako maaabutan. Oo mabilis siyang mag drive pero mag langoy… NAH AH…. Ako ang da-best sa larangan na yun.
“Alam mo kahit kelan talaga napaka sama mo..” kanina pa siya paulit-ulit.Simula ng maka ahon kami sa pool.
Andito na kami ngayon sa kwarto ko. Kasalukuyan siyang nagtutuyo ng buhok niya habang nakatayo dito sa likod ko.Tinitingnan ko lang siya mula sa repleksyon niya dito sa salamin kung saan ko nakaharap. Tatawa tawa lang ako sa kanya.
“Pwede ba Shine mag bago bago ka.” Inis niyang saad sa akin. Ako naman humalumbaba pa sa kanya.
Ilang beses na rin niya kasing sinabi ang mga linyang yan, sa tuwing gingawa ko yun sa kanya. Kung ilang beses na hindi ko na mabilang.
“Pwede ba shine..” nakabusangot pa rin ang mukha niya. “Hoy NAIINTINDIHAN MO BA AKO!!” napapikit na naman ako dahil sa lakas ng boses niya.
“Oo na..” umiko ako paharap sa kanya.. “Ikaw naman hindi ka na mabiro.”sabay ngiti ko sa kanya ng pagkatamis tamis.
Sumeryoso ang mukha niya. At alam ko naman kung saan ito papunta.
“Seriously Shine wag mo ng iniisip yung ungas na yun.”Sabi na eh!
Inilagay nito ang pinan-tuyong towel sa balikat.
“Hindi ko naman siya iniisip.” Napasuklay pa ako sa along alon na brown kong buhok na hindi ko alam kung bakit brown ba.
“Shine..” lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa tigkabilang balikat ko. “Sige kung ayaw mong umamin.”kilala niya talaga ako. Nanatili lang akong nakayuko. “Just focus on the things you want to do at wag kang mag aksaya pa ng oras sa mga bagay na walang kwenta.” Binitawan na niya ang balikat ko at naglakad papunta sa may side table ko at kinuha yung phone niya. Umupo na rin siya sa may gilid ng kama.
Grabe talaga magsalita minsan itong si Gabby. Pero hindi ko naman siya masisi. Sa simula palang kasi ayaw na niya kay Ritch kesyo mukhang hindi daw gagawa ng matino. Pero nga dahil sabi ko mahal ko yun DATI pumayag siya at pinilit pang makisama kay Ritch.
Mabait naman itong si Gabrielle Veron Layroso. Gabby na lang since mga grade six pa lang kami magkaibigan na kami nito. Sa aming dalawa siya yung laging napapansin kasi nga napaka ganda naman niya talaga. Yung mga matang niyang kulay green grabe talaga pag tumingin. Ang dami rin sa kanyang gustong manligaw na boys yun nga lang ay mas gusto niya ang mga pretty girls at support na support naman ako sa kanya. Pero sa dami na ng naka-date niya wala pa atang tumagal ng isang linggo. Ewan ko ba dito sa kaibigan kong ito. Pag tinatanong ko naman bakit ganun siya laging ang sinasabi lang wala pa daw ng papa abnormal ng tibok ng puso niya. Akalain nyo yun kahit may pagka player yan may nalalaman pang mga ganung bagay.
“Nga pala shine gusto mo makipag date..” busy lang siyang nakatingin sa phone. “Sama ka sa akin.”parang wala lang na pag-aya niya sa akin.
“Wala akong panahon.” Bored namang sagot ko sa kanya.
“Move o---“ hindi ko na siya pinatapos mag salita dahil binato ko na siya ng hair brush ko.
“Naka MOVE ON na ako..” pagbibigay diin ko pa.. “Wala lang talaga akong panahon sa date date na yan.” Tumayo na ako at pumunta sa harap ng closet ko. Kinuha ko iyong bag na pinaglalagyan ko ng mga damit pag may trainning ako.
“At bakit naman huh!!” sagot niya.
“Busy akong tao Gabby.. at yang mga ganang bagay..” Ini-uli ko ang mga mata sa closet ko. “Ikakasayang lang ng precious time ko..” totoo naman yun.
May schedule na kaya ako. Diba nasabi ko na naman kanina. Kulang na nga lang mag dagdag pa ako ng araw para mas mapahaba ko pa ang mga bagay na dapat pag tuunan ng pansin. Kay yang sinasabi ni Gabby na date wala akong panahon at lalo na yang love love na yan. Sus wala na yang paglalagyan sa sched ko. Sabay hawi ng buhok ko na tumabing sa maganda kong face.
“Bahala ka..” narinig ko pa ang paghinga nya ng malalim.
“Kelan nga pala ulit race mo?” Kinuha ko na yunh pang swimming ko na gagamitin ko bukas.
“Baka Matagal tagalan pa.” sagot niya.
“So magtatagal ka dito sa Pilipinas?”Kung saan saan kasing panig ng mundo itong si Gabby napunta. Professional Car Racer kasi siya.
She’s belong to the all Women car racing team dito sa Pilipinas. Kilala na ang Team nila. Unang Team ba naman ng mga Asian na babae na nakakamit ng gintong medalya. Hindi lang sa isa kungdi marami na mula sa mga ibat-ibang international competition.
“Yeah.” Tipid na sagot niya.
Pagkakuha ko ng mga gagamitin ko para bukas sa practice ay umupo na rin ako sa may paanan ng kama ko. Dito ko na inayos ang mga gamit na kinuha ko.
“Pauwi ka rin ba sa inyo?” tanong ko kay Gabby habang nag aayos ako ng gamit.
“No… I’ll sleep here.” Nakasandal na siya sa headboard ng kama ko.
“Eh..akala ko ba may date ka?” Tumingin na ako sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. “Naku Gabby pupuyatin mo na naman ako paghihintay sayo..” sabay halukipkip ko. Paano ba naman ang hilig niya yung gawin. Makikipagdate tapos magpapahintay pa sa akin para may magbukas ng gate sa kanya.
“Ih….” Binaba nito ang phone sa tabi nito at lumapit pa sa akin. “Minsan na nga lang akong umwi, sige na.” lambing niya na may kasamang pacute pa.
“Gabby naman eh!” napakamot ako sa ulo ko.
“Shine…” nag puffy eyes pa.Tampalin ko kaya siya sa noo.
“Anong oras kaba uuwi?” inis na tanong ko sa kanya. Kahit naman kasi anong gawin ko mangugulit lang siya at maasar lang ako. Isa pa tama naman siya minsan lang siya umuwi. At kahit na naiinis ako syepre love ko naman ang babaeng ito. Sasagot na siya ng mag salita ulit ako. “Pag inabot ka ng ala una…Matutulog ka sa labas…Naku naku Gabrielle sinasabi ko sayo!!” I rolled my eyes while my index finger pointing at her.
“Two naman…” hinigit higit pa niya ang kamay ko. Kaya tininignan ko naman siya ng masama. “Sabi ko nga Ala una..”sabay ngisi sa akin.
Sabay naman kaming napatingin sa saradong pinto ng may kumatok. Si Yaya Maring pala kakain na daw pagbibigay alam niya.
Pagkakain nga ay nag handa na si Gabby para umalis. May mga gamit na rin kasi siya dito sa bahay, ganun din naman ako sa bahay nila. Pinaalalahanan ko pa siya na wag masyadong mag paumaga at syempre mag ingat siya. Kahit naman mag best friend kami maraming mga bagay na magka iba kami. Katulad ng hindi ako masyadong mahilig pumarty na gustong gusto naman ni Gabby.
Bago ako matulog ay nakatanggap pa ako text mula kay ate Yen, staff siya sa gym kung saan kami nag prapractice. Nagpaalala kasi siya tungkol sa practice. Ganun naman lagi ang ginagawa niya pag may practice sa Gym.
Kinabukasan maaga nga akong gumising.Si Gabby dahil siguro sa kalasingan ayun nasa floor natulog. Inaantok pa rin kasi ako kagabi kaya hindi ko na siya masyadong naasikaso. Pero sa pagkakatanda ko nasa kama naman siya.
Dahil nga Friday wala na si Mommy sa bahay maaga siyang pumunta sa tagaytay at ako naman mamaya pag katapos ng practice ko. Kumain na rin ako not so heavy breakfast, loaf bread lang with coconut jam at coffee mamaya na lang ulit ako kakain after practice.
Parang ang gaan lang ng araw na ito. Pa kanta kanta pa ako sa loob ng kotse para tuloy akong nasa Carpool, ayaw ko kasi talaga ng tahimik sa loob ng kotse eh.Dahil nga maaga pa naman wala masyadong traffic at nakarating ako kaagad sa gym ng walang hassle.
“Sunshine…” humahangos na salubong sa akin ni Jena. Kasamahan siya ni ate Yen.
“Oh!!” hinawakan ko pa siya sa balikat. Hingal na hingal kasi siya dahil sa pagtakbo. “May problema ba?” nag aalalang tanong ko sa kanya.
Nag angat naman siya ng tingin.Sapo sapo pa nito ang dibdib. “Oo..Cancel ang practice muna..Mamaya pa after lunch”
“Huh!” napasimangot naman ako. Paano ba naman ang aga ko kayang gumising tapos ano daw cancel.. Naman oh!..bakit kasi hindi man lang sinabi ni ate Yen. Pero nasagot naman ka agad yun.
“Hindi kasi ito alam ni Yen.” Nawala na ang hingal niya pero patuloy ang pagtulo ng pawis niya. “Pasensiya kana Sunshine.” Kita ko naman sa kanya na sincere siya. Ano pa bang magagawa ko.
“Sige Jena, balik na lang ako mamaya.” Bagsak na bagsak ang balikat ko ngayon.
Hindi pa naman ako nakapag-lapse sa bahay dahil nga maaga ako ay naisip kong dito na lang gawin ang daily routine ko.
“Sorry Sunshine.” Paghingi niya muli ng paumanhin.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Pero bago ako tumalikod ay may naisip akong itanong. “Bakit nga pala cancel ang practice?”
“May taping kasi sa loob.” Mahinang sagot niya.
“Taping?”takang tanong ko naman sa kanya.
“Basta…” kinampay pa nito ang kamay para wag na akong magtanong.
Hmmm.. Baka private, isip ko na lang.
Nagkibit balikat na lang ako. Papaalis na sana ako ng may tumatakbong lalake namang lumapit kay Jena.
“May PT ba dito?” halata sa boses nito ang pag ka kaba. Hingal na hingal din ito. Parang kamukhain si ni Smokey manoloto. Kilala ko yun kasi crush siya ni Mama nung kabataan daw niya.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Jena sa lalake. Ako naman palipat lipat lang ng tingin sa dalawa.
“Si…..Si…..KL kasi kailangan ng PT.”Para pa itong naiiyak.
PT..Diba PT ako. Ay sus ang stupid ko din talaga PT nga pala ako.
“A-ako po PT po ako..” kandautal ko pang pag singit sa usapan nilang dalawa.
“Talaga?” parang nabuhayan naman yung lalake at mabilis na lumapit sa akin.
“Ay…OO PT ka nga pala.” Napatampal pa si Jena sa noo.
“kung gayun PT ka nga..” Mabilis naman niyang hinigit ang kamay ko.Wala naman akong nagawa kung di magpa tinanod na lang sa paghila niya.
Baka nga kasi emergency kaya inintindi ko na lang siya.
Tinahak namin ang papunta sa pool area. Samantalang si Jena ay nakasunod lang sa aming dalawa. Siguro nga emergency kasi sobrang kabado itong lalakeng.
Papalapit na kami sa pool side. Kaya malinaw kong naririnig ang pagmumura nong babaeng na swimsuit na itim nakaupo ito sa side habang ang dalawang paa niya ay nakatuwid sa sementadong floor.
“I told you…Shit…shit..” naka unat ang kanang paa nito.. “oh Shit…..” patuloy na pagmumura nung babae. Hindi ko naman makita yung mukha niya kasi nakayuko ito. Basa rin ang buhok nito na halatang kagagaling lang sa pool.
“May PT na..”parang nakahinga ng maluwag na anunsiyo nang kasama kong lalake. Nakatingin lang naman ako sa babaeng nakaupo.
“Shit…Sabi na kasing…” Hindi naman nito alam kung hahawakan ba o hindi yung binti niya.
Parang alam ko na tuloy kung bakit siya nagkakaganito. Lumapit naman ako sa paanan niya. Para naman akong naiilang na ewan pano ba naman kasi na swimsuit lang siya.
Bakit te first time nakaita ng naka swim suit na babae,bulong isip ko.
oo
Yeah bakit nga ba ako maiilang, swimmer ako at araw-araw may nakikita akong ganito.
Kaya naman hinawakan ko na nga ang binti niya.
“Hey wh-what are you do-doing?” mataray na tanong niya sa akin.
“KL PT siya..” sagot dito ng isang boses lalake. Kung sino malay ko nakayuko kasi ako eh.
“Shit……..You stupid..” sigaw niya ng marahan kong hawakan ang kanyang binti . “Stupid…Don’t you notice ma-masakit..”sabay ng sigaw niya.
“KL…..” may himig na pagsaway sa boses nung babae na hindi ko alama kung sino.
“S-Stupid…” tatlong beses na yun huh!! Pilipitin ko kaya ang binti niya… “Why don’t you just ease the pain?” para siyang isang reyna kung mag-utos.
Hindi ko mapigilan ang pag init ng ulo ko . Idagdag mo na mura siya ng mura.
“Pag Cramps hindi hinihilot..” nag ikot pa ako ng mata dahil alam ko naman hindi niya iyon makikita.
“So Shit…..”Pilit niyang ginagalaw ang binti pero syempre mas masakit yun. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na wag titigan yung binti niya. Grabe ang kinis mahihiya ata ng mga balahibong tumubo sa balat niya. At ang haba ng hita niya.. “Hey stupid..Ti-tingnan mo na lang ba talaga…..” at sumigaw na naman po siya.
Hinakan ko na nga yung mga daliri niya sa paa at marahang iyon hinilot..
“Stupid hindi yan masakit..”Lima… Bakit ba mas marunong pa siya sa akin.
“KL..calm down…” alo dito ng mga kasama.
“Calm down..This stupid PT…wala naman siyang ginagawa..” Anim….Hindi ko tuloy napigilan mapadiin yung pagkapit ko sa bintin niya. “Oh..holy shit..Masakit..” pinilit ng isang paa niya na tanggalin yung kamay kong nasa binti niya.
“Pwede ba…” sabay tampal ko ng paa niya.. “Bakit ba mas marunong ka pa..?” angil ko sa babaeng ito pero hindi na ako nag abala pang tumingin sa kanya.
“You…..” at naririnig ko ang impit na sigaw niya nung marahan kong hinihilot ang daliri niya sa paa.. “Stupid do you know what your we’re doing?” Makapagasalita itong babaeng ito akala mo naman.
Eh siya nga itong wala ng ginawa kungdi ngumawa ng ngumawa. Nakakarindi na kaya siya.
Pinagpatuloy ko lang ang paghihilot sa nga daliri niya. At ng wala na akong marinig na reklamo sa babaeng ito. Marahan kong ibinaliko ang ang paa niya. Ginawa ko yun mga limang beses at ng alam kong okey na siya tumayo na ako.
“Miss….. Salamat po.” Saad nung lalake kaninang humila sa akin.
Nagpasalamat din yung ibang nandun. May relief naman sa mukha ni Jena.
“KL…..thanked her..” narinig kong boses ng isang babae.
“Why?” maarteng sagot nung KL.
“She helped you.” Wika pa nung babae.
“Helped me?...” parang gulat pang sabi nito. “That stupid di----“
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinarap ko na siya. Kania pa talaga ako nagtitimpi sa kanya.
Pero natigilan ako ng makita ang kabuuan niya. Napalunok pa ako ng hindi ko alam kung bakit. Para akong nakakita ng isang dyosa.
Shocks maganda pala siya. But masama ang ugali. Taray mode tayo Shine.
“Hoy kung makapagsalita ka..” Parang nagulat naman siya nung makita ako. “Akala mo anak ka ng diyos…Hindi ko kailangan ng thank you mo!!.” singhal ko sa kanya.. “Sayong sayo na..” tumalikod na ako.
Naglakad na ako papalayo pero may gusto pa akong sabihin kaya naman humarap ulit ako. Napansin kong may naka agapay na ditong lalake. Pero parang nakatingin pa rin siya sa direksyon ko.
“Kahit kelan hinding hindi na kita tutulungan..” tinuro ko pa siya habang nakapameywang ako. “STUPID KA RIN!!” at tuluyan na akong naglakad papalayo.
Maganda siya….Maganda lang Period.
YOU ARE READING
LOVE & SUNSHINE
RomanceHow can Love put a Sunshine in your life. And it says it all. My Scents of Romance.