It's been what 2 years since i last updated this story. Pasensiya na po sa mga mistakes or typos.
Happy reading
Shout out kay Ate ko and Bebebu, hoping to find my courage to write Jexine.******
Love
“Grabe ka Gabby..” saad ko habang nasa loob kame ng elevator.
“Tutulungan na nga kita sabi.” Inis na parinig sa akin ni Sunshine.
“I can handle nga diba.” Sinulyapan ko siya sa likod ko.
Ako na kasi ang nagpresintang umalalay kay Gabby. Nakaakbay sa akin si Gabby while my right hand is on her waist. Lasing na lasing pa naman si Gabby,mukhang tulog na nga. Tuloy lahat ng bigat niya nasa akin. Kutos talaga to sa akin ang bigat niya.
“Tulungan na nga kasi kita.” Pangungulit naman nung isa sa likod ko. Hindi nga siya umiimik buong byahe papunta dito sa condo ni Gabby. Ngayon naman ang kulit kulit. Paulit ulit lang naman ang sinasabi.
“Diba sabi......” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil muntik ng maghulog si Gabby.
“Sabi na kasi…..” Akma niyang kukunin ang isang kamay ni Gabby. Pero tinapik ko yun.
“Ano ba?” angil niya sa akin.
“KAYA ko na nga diba?” pagbibigay diin ko.
Hindi na siya umimik, pero para naman hindi ko narinig mga pagbulong niya sa likuran ko.
Dinala na nga namin si Gabby sa Condo niya. Buti na lang may card key si Sunshine. May kasama pala itong si Gabby sa condo niya. Pinsan daw sabi ni Sunshine.
Hindi rin naman kami nagtagal sa Condo no Gabby. Gustuhin man ni Sunshine na mag stay ay may tumawag dito. Hindi ko naman narinig kasi lumayo siya sa akin
Wala na kaming imikan hanggang makababa sa parking lot.
Pasakay na ulit ako ng sasakyan pero napansin kong mukhang may iniisip siya.
“Hindi ka pa ba sasakay?” tanong ko sa kanya.
“Ano kasi…” pinaikot niya pa yung nguso niya. “Ano….eh….Kasi…”
“Just say it.” Nawawalan na ako ng pasensiya.
“Sasakay na lang ako sa Taxi.” Mahina pero mataray ang pagkaksabi niya.
“What?” inis na talaga ako.
“Narinig mo naman ako diba?” siya pa talaga ang nagtataray ngayon. Tatalikod na siya, pero mas mabilis ako.
“Where do you think your going?” Salubong na ang kilay ko.
“Sa labas hahanap ng TAXI..” sagot niya.
I close my eyes to calm myself.
“Ihahatid na kita.” Sabay hila sa kanya.
“Teka…..” sinubukan niya pang bawiin ang braso niya sa akin. “Teka… lang sabi….Ano ba..” pinagpag niya yung kamay niya. Pero mas matigas ako hindi ko binitawan. “Nasasaktan ako.” Oh!!! Hinarap ko siya. Nakangiwi na nga siya.
Sa pagkakataong iyon ay niluwagan ko ang hawak ko pero hindi ko pa rin siya binitawan.
“Hindi mo ako pwedeng ihatid.” Mahina lang ang pagkakasabi niya nun.
“And why?” magagalit ba ang boyfriend niya. Who cares.
“Basta….” Binabawi niya ang kamay niya. But I will not let her go.
“Magagalit ba ang boyfriend mo kung ihahatid kita?” hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko.
Siya naman kumumot ang noo. But still she’s beautiful.
“Ano bakit aya----”
Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
“Sa tagaytay ang uwi ko…. Dapat si Gabby talaga ang maghahatid sa akin kaya nga lang nalasing siya. Tumawag ako kay Mommy na bukas na lang ako pupunta. Ayaw naman niyang pumayag.” Litanya niya.
“So?” tinaasan ko pa siya ng kilay.
“Anong So?” tanong niya
“Ihahatid pa rin kita.” Sagot ko.
“Hindi mo ba narinig..TAGAYTAY AKO UUWI.” Halatang diniiinan niya pa ang sinabi
“Alam ko naman ang Tagaytay….Anong problema?” naguguluhan tanong ko sa kanya.
“Ang engot mo….” Ano daw ako.. “Tagaytay ibig sabihin ko.malayo dito..
Ah so yun pala ayaw niyang magpahatid kasi malayo. Pero okey lang naman sa akin. Kesa mag Taxi siya. It’s past 12.
“Hey yound lady… I’m not engot at pwede ba wag mo ako matawag tawag na ganun.” Imbis na na matakot siya, iningosan niya pa ako. Kakaiba talaga ang babaeng ito. “Pangalawa ihahatid kita.” Magsasalita sa na siya but I cut her off. “At pag nagreklamo ka pa.. You don’t like what will I do to you…but hindi rin naman ako sure dun…Baka kasi magustuhan mo.” This playful smile on my face.
“Ikaw napa----” napatigil siya dahil hinigit ko siya papalapit sa akin. Kakaunting galaw lang niya may paglalagyan ang mga labi niya.
I smell her scent,napakabango niya. Hindi ko alam kung perfume ba iyon o mismong amoy niya. Naamoy ko din ang hininga niyang banayad na dumadampi sa akin dahil sa paghinga niya. I feel her heart beating so fast.. O sa akin ba yun. Ewan..
“So sasakay ka ba….o Sasakay ka?” I smirked.
Marahan niya akong tinulak. “O-oo na sasakay na ako…Bitaw.” Pero syempre hindi ko siya binitawan. Iginiya ko siya pasakay ulit ng kotse ko.
Ako na naman ang ang nagwagi. 2points Love.
Dahil nga sa gabi na hindi naman hassle mag drive. Ang hassle siguro yung kasama ko dito sa kotse. Paano ba naman parang bubuyog na bulong ng bulong.
“Pwede bang magsalita ka na lang ng normal…” mas nakakapikon kasi yung bulong niya.
“Sure ka?” paninigurado niya.
“Yeah.” Nakatutok lang ako sa dinaraanan namin. Hindi pa rin kasi kami nakakalabas nag Maynila. Nakainom na rin ako at kailangang magdahan dahan.
“Yang ilong mo ba totoo?” nawala naman ako sa pagmumuni ko. What dis she said?
“Anong sabi mo?” amused na tanong ko sa kanya.
“Eh diba yung ibang mga artista mahilig magparetoke ng kung ano ano?” nakatingin lang siya sa labas ng bintana. “Kaya tinatanong ko yang ilong mo…Para kasing ang perfecr nung pagkakatangos?”
Mas napahawak pa ako sa ilong ko. Seryoso ba siya. Oo matangos ang ilong ko at hindi lang ito ang perfect sa akin. Ako kaya perfect. “This is not fake.” Tukoy ko sa ilong ko.
“Hmmmm……Pero yung ngiti mo fake.” Hindi tanong huh!! statement.
“EXCUSE ME?” tumaas ang boses ko dahil sa tanong niya.
“Fake yung ngiti mo!!” pag uulit niya. Tiningnan niya ako pero agad ding bumaling sa labas ng kotse. “Slow down..” utos niya.
Aba etong babaeng to Malay akala mo….
“Hoy sabing slow down!!” ulit niya.
What the heck. Dahil wala ako sa mood makipagtalo nag slow down na lang ako.May sinabi siya pero hindi ko naman naintindihan.
“Ayan oh!” nakakunot ang noo ko sa kanya. May tinuturo siya sa labas. Tiningnan ko..Billboard ko pala para sa isang international line ng lipstick. “Ang fake ng ngiti mo.” Diretso niyang sabi.
Fake ang smile ko. Dahil.sabi niya nga slow down kami. Tiningan ko yung billboard. I remember pagod ako nung shoot na yan. Last month lang yang kinuhaan eh kaya tanda ko pa. Yeah I fake my smile that time, pero few people lang ang nakaka alam,yung talagang kilala lang ako.
Pero siya paano niya nalaman. I simply look at her, and to my surprise nakatingin rin pala siya akin.
Diniinan ko yung gas. Ewan ko pero may iba sa mga mata niya. Hindi ko matagalan parang may ewan. And for the first time ako ang unang nagbawi ng tingin. Dahil kung hindi ko yun ginawa, bak magkagulo pa kame dito sa loob ng kotse.
“Tama ako no…Fake yung smile mo?” siguradong sigurado siya.
“At paano mo nasabi?” pormal lang ako.
“Kasi nakita ko yung mga ngiti mo kaninang kausap.mo si Gabby iba, kumpara dun sa fake billboard smile mo.” Saad niya.
“So tinititigan mo pala ako?” I smiled to her. Pero kakaiba talaga siya, tinaasan ba naman ako ng kilay.
“Assuming.” She rolled her eyes at nagbawi ng tingin. “Sa harap ko kaya kayo ni Gabby naglalandian, kaya napansin ko.” May inis ba akong narinig sa boses niya.
“NAGLALANDIAN?” woooooh big word.
“Oo bakit hindi ba?” mataray niyang sabi.
“We’re not flirting.” Tanggi ko.
“Paakbay-akbay…may payakap yakap pang nalalaman…Pabulong bulong pa….Anong tawag dun.” Duda ako kung bulong yun kasi narinig ko naman.
“That’s what you called……” I saw in peripheral view that’s she’s looking at me… “Catching up with a friend.” I smirked.
She pouted her lips and I see at her face, that she didn’t believe me.
Hindi na rin siya nag komento. Naging tahimika na ulit sa loob ng kotse ko. Akala matitigil na siya.
“Itong kotse mo….sponsor ba ito?” tanong na naman niya.
“Huh?” naguguluhan na talaga ako sa kanya.
“Diba ganun naman kayong mga artista, may mga pa spo-sponsor pang nalalaman.” I looked at her again. Nakaharap pala siya sa akin. Naka sideview siya, tiningnan niya pa yung backseat.
Sponsor…Yeah I have sponsor but, pagdating sa car…No.
“No this is mine..”tinapik tapik ko ang steering wheel.
“Ah!!” I saw her nodding.
“You have car?” try to make conversation..
“Meron..Kaya lang yung si Gabby nag promise nga na ihahatid nga ako..So hindi ko dinala..eh Dahil nga magaling siya ayun naglasing.Kaya eto ako ngayon.”parang may inaamoy siya. “Stuck with you.”
Napilitan lang ba siyang kasama ako. Nakakainis na itong babaeng to. Tumahimik na ulit kami. Nakatingin lang siya sa unahan. I’m not sure pero parang may iniisip siya.
“Hey spill it out?” basag ko sa katahimikan namin.
“Ano?” inosenteng tanong niya.
“Alam ko may gusto kang sabihin, So tell me.” Utos ko.
She hummed, maybe she’s thinking if she can tell me.
“Hey Sunshine..” ulit ko. My voice became authorative.
Tumingin siya sa akin.
“Anong air freshener mo?” she asked.
“Seriously?” Napatanga talaga ako sa kanya. Yun ang iniisip.niya kanina pa.
“Seryoso ako….” Nag pout pa siya.
Natawa na talaga ako sa kanya.
“Bakit ka tumawatawa?” nagtatakang tanong niya.
“Nakakatawa ka eh!” sagot ko.
“Ano kyang nakakatawa dun?” narinig kong bulong niya. “Gusto ko kasing malaman” sabi pa niya.
“Why?” amused kong tanong.
“Eh, sa gustong kong malaman eh!” pabalang niyang sagot.
“Ano?” pagkaklaro ko.
“Wala ka na bang alam na itanong kung di….Why….What?” pinaarte pa niya talaga yung pagkakasabi.
I can’t suppressed my laughter now. Ewan ko ba kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Ako naman kasi yung taong hindi palatawa.
“You’re weird?” narinig kong sabi niya.
I shook my head. Ako pa talaga ang weird. Minutes past seryoso na ulit siya. Ako naman pailing iling lang. Ramdam ko ang mata niyang pasimpleng tumitingin sa akin.
Siguro hindi na niya natagalan ang katahimikan. She cleared her throat.
“So ano ngang air freshenner mo?” I looked at her. She’s so serious about that Goddamn topic. “Sabihin mo na lang kasi.” Ang kulet.
“Bakit nga kasi?” syempre makulet din ako.
“Hmmmm…Mabango eh!!!!” suminghot singhot pa siya. “Ilalagay ko sa Car ko.” Dagdag niya.
“Hindi ko alam eh….” True naman yun kasi si Monet ang bumili ng freshenner ko.
Sumimangot siya ay inirapan pa ako.
“At bakit mo ako inirapan?” mataray na tanong ko.
“Kasi ang dami mong ek..ek..Hindi mo naman pala alam ang sagot sa tanong ko.” Halata sa boses niya ang inis.
“What’s ek ek?” tanong ko.
“Wala…..” singhal niya sa akin. “Ang arteeee.” Bulong niya.
“Anong sa------” She cut me.
“Wala……NGA…” diniinan niya pa talaga. “Mag drive ka na lang.” utos niya.
I shook my head and focused in my driving. Sinabi lang niya sa akin kung saan kami pupunta. Nasa highway lang daw naman yun kaya madaling makita. So I just drive.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na lingunin siya. Para kasing hindi siya komportable.
“Are you okay?” tanong ko.
“Haisssst..” nag crossed arms siya “Nakakaboring naman..Kung si Gabby sana kasama ko for sure walang dull moment.”
Awtomatikong kumunot ang noo ko.
“Anong sinabi mo na boring ako.”Naapakan ko tuloy na wala sa oras ang break.
“Ano ba???” angil niya.Halata ang gulat sa kanya,napakawak pa.siya sa seatbelt.
Hindi ko na rin talaga mapigilan ang inis ko. For the first time in my entire life, someone told me that I’m boring.
“Alam mo ba ang mga sinasabi mo?” angil ko din.
“Ano bang sinabi ko?” nag isip pa siya.
“I’m not boring….”pagtatama ko. “Do you want me to prove it to you.?” Panghahamon ko.
Nainis na talaga ako sa kanya, kanina pa siya.Pinayagan ko na siyang sigaw sigawan ako, utos ustusan. Pero ang sabihing boring ako. Parang sobra na ata siya.
“Diyan ka lang naman magaling....”nagtaas pa siya ng baba.. “Manakot….”
Manakot pala huh!!. Inalis ko nga yung seatbelt ko.
“A-anong gin-----” I didn’t finished her sentence.
I adjust her seat, palikod. I saw shocked in her beautiful face. Kasabay ng pagbaba ng upuan niya palikod ay ang pagpa imbabaw ko sa kanya.
Dahil nakalabas na kami ng Manila. I stop the car na lang sa gitna ng kalsada. Kung nakaharang ang sasakyan ko, pakialam ko mag adjust sila.
“U-umalis ka n-nga…” tinutulak pa niya ako gamit yung kamay niyang nasa gitna namin sa tapat ng dibdib.
“I will show you that I’m not boring..” I arched my eyebrows. “So be ready..” I slowly lowered my head.
“No please…..” sabay takip sa mukha niya.
Syempre tinatakot ko lang siya. Pero ngayong andito ako sa ibabaw niya.
Oh! Shit I like it here.
Inalis ko yung kamay niya sa mukha niya. Ayaw niya pang alisin but pinilit kong alisin ang mga yun.I place our hands in our sides.
Now I’m intently looking at her. Near and straight to her face. And she did the same.
Damn…..She’s really a beauty. I hardly stop myself to caress her face.
Nakatingin rin lang siya sa akin. Ang mga kamay niyang kanina nangingilig ay nawala na. Mas nilapit ko pa ng konti ang mukha ko. I know pinigilan niyang ibuka ang bibig niya, napalunok pa siya ng ginawa ko yun.
Oh Love you’re just teasing her. Get up. Paalala ng utak ko.
Shup up she’s enjoying this, sabat naman ng isa.
I don’t want to think anymore. I need to do what I wanted to do the first time I saw her. I was about to close our gap. But we heard someone’s phone.
“Perfect.” I whispered.
Naramdaman kong may kinuha siya sa bulsa ng jeans niya. Her phone ofcourse.
She answered it. Nag enjoy ata ako sa pwesto namin,kasi hindi ako umalis sa ibabaw niya. Hindi niya rin naman ako pinaalis. Inangat ko lang ng konti ang mukha ko.
“Yes Ma….” Mama niya pala. “O-opo..malapit na po.” Tinitingnan ko lang siya. Hindi niya ata matagalan kasi, tumingin siya sa ibang direksyon. “Opo…Sige na po.” Inilayo na niya ang phone sa tenga niya.
“Hi-hinihintay na tako ni Ma-mama.” She bite her upper lip.
Tinaasan ko siya ng kilay.
“KL…..” she said my name. “M-mabigat.” Saad niya.
“You’ll get used to this.” I teased.
“Sabi na kasi-------” Hindi ko na siya pinatapos. I kissed her lips, but it’s just a smack. And after that I get up. I saw shocked in her face.
Umayos na ulit ako ng pag kakaupo. I helped her to adjust her seat back to normal. Pinasibad ko na ulit ang kotse ko. Hindi pa rin siya kumukibo. Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.
“Don’t you ever challenge me again……Sunshine.” Tiningnan ko siya. “Dahil hindi lang yun ang kaya kong gawin.” I smirked.
I wait her response pero naging tahimik na lang siya for the whole drive. Narinig ko na lang ang boses niya ng marinig kong sabihin niya na iliko ko na daw sa may kanan na arko.
Ng maipasok ko yung kotse sa isang malawak na parking lot, may nakita lang akong dalawang kotse, isang van at dalawang delivery van na naka park. I parked my car sa katabi lang nung isang kotse.
Pababa na ako ng magsalita ulit si Sunshine.
“Saan ka pupunta?” halata namang pinataray lang niya yung boses niya.
“Bababa.” Inunahan ko na siya sa pagbaba.
Inuli ko ang mata ko sa paligid. I saw a signage ‘INEYA’s GARDEN’ basa ko. Kahit na leather jacket ako ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin.
Lumapit ako sa may entrance ng, sa tingin ko ay entrance ng shop.
“Hoy.” Hinawakan niya ako sa braso. “Umuwi kana.” Humarap siya sa akin
“SUNSHINE!!!!?” sabay pa kaming napatingin sa babaeng papalapit sa amin. “Diyos ko kang bata ka kanina pa kita hinihintay.” I saw relief in her eyes ng makita niya si Sunshine, mommy niya siguro.
“Mom, bakit mo pa kasi ako hinintay.” Kumamot pa siya sa ulo.
“Sinabi ko naman sayong hihintayin kita diba?” Hinawakan pa niya sa magkabilang pisngi si anak.
“Mama naman…okay lang po ako.”Hinawakan nito ang kamay ng ina sa pisngi at tumango tango. Kinuha nito ang mga iyon at ibinaba. “Okey lang ako Ma..” sabay halik sa pisngi ng mama niya.
Ng mga oras lang ata niya ako napansin. Kasi napabaling siya sa direksyon ko na katabi lang naman ni Sunshine.
“Shine si Gabby?” halata ang pagtataka sa mukha ng Mommy niya.
“Nalasing kasi si Ga-----” Hindi na nito natulog ang sasabihin dahil, agad akong yinakap ng Mommy niya.
“Ma?” hindi na nakapag react si Sunshine.
Kahit ako nabigla din. Inalis nito ang pagkakayakap sa akin, pero hinawakan ako nito sa mukha. Parang pinag aaralan pa niya ang buong mukha ko.
“Si KL ka diba?” puno ng excitement ang boses nito.
Tumango lang ako sa kanya.
“Ma, ano ba.” Nasa likod na pala si Sunshine ng Mommy niya at hawak.ito sa balikat. “Mama, nakakahiya..”nakangiwi pa siya.
Binitawan ako ng Mommy niya. Pinalo nito ng bahagya si Sunshine sa balikat.
“Ma?” nagulat pa siya.
“Bakit hindi mo sa akin sinabi na Kaibigan mo pala si KL?” tanong nito anak.
“ihh….” Kumamot siya sa ulo. “Hin----”
“We just met not long ago.” Tiningnan ko ng makahulugan si Sunshine.
“Ah kaya ba.” Tumango tango ito. “Tara na.” sabay kawit ng braso niya sa akin at hinila pa ako papasok ng loon ng shop.
“Ma…” nakasunod siya sa amin ng Mommy niya.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad. Lumabas ulit kami sa isang parang pathway. May mga nakikita akong ibat-ibang klase ng bulaklak. Not sure kung anong mga tawag eh. Napansin kong papunta pala kami sa isang bahay. I’ts more like a Villa.
“Ma bakit mo siya dinala dito?” tanong ni Sunshine.
“Dito na siya tutulog.” Diretsong sagot ng Mommy niya. “Kung okay lang sa kanya” tumingin sya sa akin.
“Yeah… Wala pong problema.” Ngumiti pa ako.
Binigyan ako ni Sunshine ng nakakamatay ng tingin. Pero nagkibit balikat lang ako.
“Ma naman….” Reklamo niya.
“Masyado ng gabi Sunshine, delikado ng magbiyahe pabalik sa Manila.” Tumango tango pa ako na parang bata, may pag nguso pa ako.
“Ah bahala ka Ma..” sabay walk-out ni Sunshine.
“Ineya Sunshine.” Tawag niya. So yun pala ang true name niya. “Bigyan mo siya ng damit at dun mo na rin siya pag palitin sa kwarto mo.” Utos Ng Mommy niya.
“Bakit sa kwarto ko?” nakasimangot na tanong niya.
“Walang sariling banyo ang guest room.”Marahan niya pa akong tinulak para sumunod kay Sunshine. “Sige naagpalit na kayong dalawa…Mag hahanda lang ako ng makakain nyo.” Automatic naman ng pagkasabi niya nun, nakaramdam ako ng gutom.
Hindi na nga nakipagtalo si Sunshine sa Mommy niya. Ako sumunod lang sa kanya. Pagka akyat namin sa wooden stairs ay binuksan niya yung pang huling kwarto sa dulo.
Ng makapasok kami ay agad niyang binuksan ang closet niya. It took some minutes for her bago siya humarap sa akin.
“Oh” sabay abot ng sa tingin ko ay pajama at tanktop. “gamit na yan, pero yung undies hindi.” Lumampas siya sa akin.
“Okey lang naman sa akin kahit gamit mo.” I teased.
“Pwede ba KL.” Pikon na siya, and I like that. Tumalikod na ulit siya at pumasok sa pinto ma sure ako banyo yun.
Nagkaroon ako.ng pagkakataon na pag masdan ang kwarto niya. Simple lang ang pang double niyang Bed, may Vanity table siya sa kaliwa ng kama niya. Simple lang ang closet niya all made by wood. Homey parang ang sarap lang tumulog dito sa room niya.
Pagkatapos nga niyang magbihis ay pumasok na rin ako sa banyo. As I expected simple lang din yun. I took a shower na rin. May nakita naman akong spare na toothbrush.
“Mabait din naman pala.” Anas ko.
Wala na si Sunshine ng lumabas ako sa banyo. Dinala ko na lang yun towel na pinangtutuyo ko ng buhok ng bumaba ako. Buti na lang narinig ko sila ng Mommy niya ng nag uusap. So naglalakad ako kung saan nanggagaling yung naguusap.
Wala na rin akong narinig sa Mommy niya. Si Sunshine tahimik.lang siyang kumakain. Pagkatapos ngang kumain ay pina akyat na kami ng Mommy niya sa taas.
“Dito ka daw matulog.” Binuksan ni Sunshine yung isang pinto katapat ng kwarto niya. “Bahala kana dito..” Tumalikod na siya.
“Hey” pigil ko sa kanya.
“Ano na naman?”Pormal lang siya.
“Thank you.” No I’m sincere
“Kay Mom ka mag thank you siya naman nagpatulog sayo dito.” she said pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
“Ayaw mo bang andito ako?” aalis na lang ako kung ayaw niya. Binitawan ko na rin ang kamay niya.
Tumingin siya sa akin. I can’t say kung ano ba ang nasa mga mata niya.
“Tumulog kana KL.”anas niya.
But before she turn back at me, I pulled her closer to me. I hugged her, sinapian na talaga ako.
“Good night Ineya Sunshine.” I whispered.I smelled her shampoo. I released her. She look shocked and before she say something. I peck a kiss on her lips. “Good night.”
Pumasok na ako sa kwarto. I touched my lips.
“Oh Love you’re in big trouble.” Napasandal ako sa saradong pintuan
YOU ARE READING
LOVE & SUNSHINE
RomanceHow can Love put a Sunshine in your life. And it says it all. My Scents of Romance.