Kaibigan Lang Pala

3 2 5
                                    

Natulala, nababalisa
Hindi alam kong ano ang magagawa
Pagkakabigan ay ayaw mawala
Kaya ang nararamdaman ay mas mabuting pigilan na

Ang mahalin ka'y tama ba?
Bakit pati pag asa ay walang-wala?
At bakit pati tadhana ay tutol sa ating dalawa?
Kaya ang nararamdaman ay nabalewala

Sana'y kahit kunting oras ako'y pagbigyan
Kahit saglit at maririnig mo ang aking nararamdaman
Na sa pagbukas ng naka-kandadong isipan
Pilit binubuksan ang pag-asang tuluyan mo ng winawakasan

Naghahangad ng mas mahigit pa
Mas mahigit sa pagkakaibigan nating dalawa
Ngunit, pilitin man ang tadhana
Tayo'y hanggang kaibigan lang pala

Ang dating pagkakaibigan
Ngayo'y unti-unti ng kinakalimutan
Ang dating tayo?
Malayo na sa una nating pagtatagpo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon