Intro

21 1 2
                                    

Ako si Ian, kilala sa mga Unibersidad sa pagiging masipag, mabait, matulungin, pasimuno ng prayer meeting, paborito ng mga professor, at kung anu-ano pang mga mababait na bagay na pwede mong ihambing sakin.
Syempre biro lang...

Kilalang kilala ako sa bawat school na nililipatan ko sa pagiging mabuting ehemplo. Andun na yung nagdala ako ng alak sa loob ng paaralan, mag weeds sa likod ng canteen, makipag saksakan ng ballpen, mambully ng mga uhugin, mag sunog ng basketball ring pagtapos ng intrams, makipag suntukan sa loob ng klase at kung anu-ano pa.

Isa sa hindi ko malilimutan na pagiging mabait ay yung nahuli ako at ng kaklase kong babae na hubo't hubad. Hinintay namin na magsi-uwian na lahat ng estudyante hanggang sa abutan na ng gabi. Saka namin ginawa ang aming binabalak. Pumwesto kami sa library saka dali-dali nagsasayaw. Sa madaling salita, nagsex kami sa loob ng library haha. Syempre sa sobrang pagod at sarap, nakatulugan na namin hanggang sa abutan ng umaga. Ayun, nadatnan kami ng librarian na hubo't hubad habang kami sarap na sarap sa pagkakatulog.

- - - - - - - - - - - - - -

16 years old ako nung unang pumasok ng kolehiyo.

Sa loob ng apat na taon sa kolehiyo, apat na eskwelahan na din ang nalipatan ko. Kung anong available lang na kurso ang kinukuha ko kasi alam ko na hindi rin naman ako tatagal. Lahat yun puro hanggang first year college lang.
Laging 1st sem, masuwerte na kung maka-abot ng 2nd sem.

21 years old naman ako nung napag-isipan ko na huminto muna sa pag-aaral sa kolehiyo. Nakakapagod din na paulit-ulit ang routine. Lilipat ng eskwelahan at ipapangako sa sarili na magtitino, pero hindi naman nangyayari.

- - - - - - - - - - - - - -

Ako ay nag-iisang anak ng aking mga magulang. Ang aking ama at ina ay may negosyo kaya maganda ang aming pamumuhay. At dahil sa nag-iisang anak lang ako, madali lang para sa kanila na iprovide ang ano mang pangangailangan ko.

Honor student din ako noong elementary at highschool. Bibo lagi sa klase kaya paborito ng mga teachers.

"Excellence in Science, most creative thinker, best class leader, most obedient, most cheerful, best in handwritting, best in Art"

Yan yung mga madalas kong mahakot na award sa school.
Halos mapagod na kakatayo ang aking mga magulang dahil sa pagrecieve lahat ng mga medalya ko. Ang sarap sa pakiramdam na proud na proud sila sakin kaya mas pinagbubutihan ko pa.

Ngunit nagbago ang lahat simula nung maghiwalay ang aking mga magulang. Ang aking ama ay may bago nang pamilya. Kaya bihira ko nalang siya makasama.

Pero ang pinakamasakit sa lahat, ay nung mawala ang pinaka mamahal kong ina dahil sa sakit na leukemia.
Ako ay 15 years old nung panahon na iyon.
Sobra ko itong dinamdam dahil sobrang sakit talaga mawalan ng magulang. Siya ang naging kakampi ko at tumayong tatay simula nung maghiwalay sila ni papa. Tapos babawiin lang ng ganun, di ko talaga matanggap.

Tumira ako sa aking ama sa loob ng isang taon ngunit umalis din ako dahil sa nararamdaman kong ayaw sakin ng bago niyang asawa. Mabait siya pag andun si papa sa bahay. Pero pag wala, lagi kong kaharap si satanas.
Pakiramdam ko, wala na akong kakampi.

Galit at poot ang naramdaman ko sa mundo. Nawalan ako ng gana sa lahat. Nawalan ako ng pangarap sa buhay. Natuto akong magrebelde, mapabarkada, malihis ng landas, gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Naging motto ko sa buhay,
"Fuck you all, Fuck the world!"

Kaya naisipan kong tumira sa aking lola.
Siya ang nakakaalam sa lahat ng pinag gagawa kong kalokohan sa loob sa kolehiyo. Madalas kasi siya ipatawag sa school hehe. Mabait apo niya eh.

Siya na ata ang piiiinaaaakaaa maunawaing taong kilala ko, sobrang haba ng pasensya. Sobrang maaruga.

Siya ang nakakaalam kung pano ako sumaya, nagalit, nasaktan, lumuha at umibig....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Follow YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon