Ikatlo

9 0 0
                                    

"Di ba sabi ko huwag kang aalis sa upuan na yan? Talaga bang hindi ka susunod?"

Dumagundong ang boses nya sa tenga ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang syang nagalit. Kanina kumakain kami ng almusal at nakangiti pa siya ng sabihin sa akin na nakahanda na ang paborito ko.

"H- hindi na. D - dito na l- lang ako." Nanginginig ang boses ko sa takot at kaba.

"Bakit ganyan ka magsalita? Ano? Wala ka na ngang ginagawa bulol ka pa? Tanga ka ba? Oo tanga ka nga!"

Nagulat ako sa hampas ng palad sa gilid ng ulo ko. Saglit akong nabingi at nalaglag sa kinauupuan ko.

"Tayo! Tumayo ka diyan! Ang tanga tanga mo! Wala ka bang lakas? "

Padaskol na hinila niya ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Ta tama na.. Masakit.."

"Talagang sasakit iyan mas masakit pa diyan amg ibibigay ko sayo! Napaka tanga mo. Uupo ka lang hindi mo pa magawa!"

"Ayoko na..a a-ayoko na..."

Isa...
Dalawa...
Tatlo...

Pulang pula ang mukha ni CJ matapos siyang makatikim ng tatlong pares na sampal. Nabingi siya ng bahagya at saka nagunahang tumulo ang kanyang luha.

"Tama naaa, wala naman akong ginagawa. Itinulak mo ko..."

"Gaga! Tanga! Anong magiging silbi mo ha? Sasagot ka pa sa akin? Isa lang ang dapat mong gawin! Hindi ka marunong sumunod!"

"Ayoko na ..."

Kinaladkad siya nito papunta sa sala. Itinulak siya papasok sa isang maliit na kwarto. Tumama ang ulo ni CJ sa pader.

"Diyan ka! Wala kang pagkain dahil hindi ka marunong sumunod!"

Agad na isinara nito ang pinto at nang makakilos si CJ ay pinilit niya itong buksan.

"Palabasin mo ko hindi na ko u ulit! Palabasin mo ko."

Natuwa siya ng bumukas ang pinto. Marahil ay naawa ito sa kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan. Agad siyang humakbang pero isang sipa ang sumalubong sa kanya. Napaluhod siya sa sakit. Tinamaan ang hita niya ng sipain siya nito.

"Agghhh..." Daing niya. "Huwag t-tama na."

Wala siyang nagawa ng pagsisipain siya nito. Sa tagiliran at sa hita. Sunod sunod. Ni hindi na siya maka-igik sa sakit.

Sinabunutan siya nito. "Huwag kang mag iingay at dito ka lang naiintindihan mo ba?" Singhal nito sa kanya.

"Huwag kang mag iingay dahil oras na marinig ka ng mga tao sa labas mas malala pa diyan ang matitikman mo! Naiimtindihan mo ba? Naiintindihan mo ba?!"

Isang mahinang pagtango lang ang nagawa niya. Wala na siyang lakas para magsalita. Tila natuwa naman iyon at agad na umalis. Dinig niya ang pag lock nito sa pinto.

Masakit ang katawan niya dahil sa nangyari. Tiniis niya iyon. Baka mamaya papalabasin din siya nito. Baka mamaya, hindi na ito galit, hindi na mainit ang ulo.

Nakatulugan na ni CJ ang isiping iyon.

Hindi niya alam kung anong oras na mula ng ikulong siya sa kuwartong iyon. Nagising siya dahil nagugutom na siya. Masakit ang tiyan nya at ang hita niya. May pasa din siya sa tagiliran.

Anong oras na kaya..?

Sa labas ay naririnig niya ang mahinang tunog ng TV. May nanunuod sa sala at dinig iyon mula sa pinagdalhan sa kanya. May tao pero bakit nandito pa rin siya sa kwartong ito?

Naisipan niyang lumapit sa pinto ay maghintay. Baka nagluluto na ng pagkain at malapit na siyang lumabas. Baka mamaya pupuntahan na siya nito at papalabasin.

Nakatalungko siya sa may pinto at dahil gutom na gutom na siya ay naisipan niyang kumatok na mahina. Gusto na niyang lumabas. Gusto na niyang kumain.

Tatlong araw bago muling nabuksan ang pintuan. Nang panahon na iyon ay sobrang nanghihina na si CJ. Nakahiga sya sa malamig na sahig at bahagyang nakamulat ang mata. Nuong ikalawang araw ay naubos ang boses siya sa paghingi ng tulong at pagkain. Natuyo ang luha na tumutulo sa kanyang mata habang nagmamaka-awa na mabuksan ang pintuan.

Padaskol siyang itinayo ng lalaki subalit dahil sa panghihina ay muli siyang natumba, tumama ng noo niya sa sahig bago pa niya nakontrol ang sarili.

" Ano? Masarap mag-isa di ba?" Nakangising tanong ng lalaki. Hinawakan nito ang maliit niyang braso at saka siya hinila palabas.

Bahagya siyang nakapikit kaya di niya alam kung saan sila nagpunta. Basta naglakad ito sa isang mahabang pasilyo. May nabuksang pinto at saka siya itinulak sa loob.

Inaninag ni CJ ang kwarto at napantanto niya na nasa likod bahay sila. Sa likod ng bahay ay may maliit na shed kung saan dating may kural ng hayop.

Sa dulo ng kural ay may maliit na kwarto na puno ng mga kagamitang pang karpentero. Noon lamang sya nakapasok duon dahil dati ay natatanaw lamang nya ito mula sa bintana ng kanyang kwarto.

"Maganda tong kwarto mong bago." Sabi ng lalaki at nilingon niya ito. Nagsindi ito ng sigarilyo bago lumapit sa kanya. Nagulat sya ng hawakan siya nito sa buhok saka binugahan ng usok sa mukha. Inihit siya ng ubo. Mabaho ang amoy nga usok ng sigarilyo at sa pagkataranta ay naitulak niya ang lalaki. Ni hindi man lang ito umusog bagkus ay muli itong nagbuga sa kanya ng usok at saka siya pinagtawanan.

Itinulak siya nito sa paleta na nasa sahig ng kwarto. Tinangka niyang gumapang sa takot. Pero agad sya nitong naabutan.

Ibinaba ng lalaki amg pang ibaba niyang damit saka siya paulit ulit na pinalo sa pigi.

Napaigik si CJ. "T- tama na p-po..." Nauutal niyang sabi pero tumawa lang ito ng malakas. Nagiinit na ang kanyang puwit sa sunod sunod na tama ng magaspang na kamay nito. Sigurado siya na namumula na iyon. Maya maya ay huminto na nag lalaki ng hindi na siya magkakawag. Naubos na ang lakas nya dahil di pa sya kumakain.

Itinihaya siya ng lalaki saka hinawi ang magulo niyang buhok.

" Maghihintay ka kung kelan ka kakain at hindi ka magiingay naiintindihan mo ba?" Paasik an tanung nito.

Tumango si CJ pero agad siyang sinampal ng lalaki. "Sagot! Hindi ka naman pipi di ba CJ?"

"Opo...opo..." Mahina niyang sabi.

Ngumisi muna ito saka siya binitiwan.

Naglakad na ito palabas ng kwarto. "May tubig diyan sa gilid pagkasyahin mo sa sarili mo dahil pang isang linggo mo na yan."

Malakas ang pagkakasara nito ng pinto. Saka lang kumilos si CJ ng marinig niya na ikinando nito ang pinto.

Matutulog muna sya. Nakakapagod kumilos kaya matutulog muna sya.

----
media not mine but a google find
Enjoy reading!

S e c r e t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon