Ika Lima

2 0 0
                                    

Ten years ago.

Dito ka muna CJ.

Mama saan ka pupunta?

May kakausapin lang ako dyan sa loob. Huwag kang lalabas ng kotse.

Opo. Dito lang muna ako.

Pumasok si Krizzia sa law firm. Dapat ay noong isang linggo pa naayos ang mga papeles ng kanilang diborsyo, pero may isang dokumento pala siya na nakaligtaang ipasa.

Medyo natagalan siya sa dahil kinailangan din niyang ayusin ang paghahati ng properties nilang mag asawa, kaya naman nakangiti siyang lumabas ng gusali. Sa wakas, pinal na ang kanilang diborsyo. Makukuha niya ang bahay at ang kotse dahil nasa kanya si CJ. Hanggang sa umabot ito ng labing walong taon, siya muna ang hahawak sa allowance nito.

Pagbalik sa kotse ay agad na siyang umalis. Kailangan niyang maihatid si CJ sa school bago pumunta sa kanyang opisina. May isang maliit na advertising agency si Krizzia, regalo sa kanya ng kanyang biyanan nuong araw ng kasal nila ni Fredrick.

Inisip na agad ni Krizzia ang ipagbibilin sa kanyang anak. Matalino si CJ subalit tahimik na bata ito sa eskwelahan. Mataas ang marka ngunit hindi sumasali sa anomang extra curricular activities.

Araw araw nya itong binibilinan at sumsusunod naman ito.

Huwag kang lalabas na magisa sa eskwelahan. Hintayin mo ang driver ng papa mo.

Opo mama. Nakangiting sasagot ito sa bawat bilin nya.

Pero isang araw, walang CJ na umuwi. Hindi nila malaman kung saan na ito napunta. Walang tumawag para humingi ng ransom.

"Kung di nyo kayang tumbasan ng pera nyo ang buhay ng anak ko ano pang silbi nyo!" Galit na galit si Krizzia sa biyanan nya.

Sumugod siya sa bahay nito nang malaman nyang dumating na si Fredrick mula sa Australia.

"Ikaw anong ginagawa mo? Ubusin mo ang pera mo para makita ang anak ko! Wala kang kwentang ama!"

"Krizzia! Tama na hindi ito ang oras para mag away tayo!" Pag aawat ni Fredrick sa asawa naiintindihan niya ang galit nito, kahit siya man ay sobrang nagngingitngit ngunit wala siyang magawa.

Tumikhim ang police officer na kausap ng kanyang ama.

"Mr. Calderon, we will do our best to look for your daughter. Mayroon na rin kaming mga tao na nagiimbestiga sa eskwelahan."

"Ano?! Ganun na lang? Hindi nyo ba naiisip na baka nagugutom ang anak ko kung nasaan man sya?" Umiiyak na tanung ni Krizzia. Pilit siyang pinapayapa ni Fredrick.

"let them do their job Krizzia."

"The best thing right now is to wait. Make sure na open po ang telepono ninyo para kung kokontak ang kidnappers ay masagimot ninyo agad.

Mamaya ay pupunta dito ang dalawa sa tao ko para matulungan kayo sa oras na komontak ang mga kidnappers."

Tumayo na ang pulis at nagpaalam sa kanila.

Nanlulumong napaupo si Krizzia sa sofa.  Hindi nila alam ang gagawin. Kahapon pa nawawala ang anak niya at wala naman tumatawag sa kanila.

"Papa, nagpa imbestiga na ako sa mga kasosyo natin sa negosyo. I've also checked with the Montecilllos and they are doing their own investigation. Im mobilizing our resources para mapabilis ang paghahanap..."

"Tama! Gamitin ninyo ang pera ninyo!" Sigaw ni Krizzia sa mag ama. " Kung hindi dahil sa pera nyo hindi magkakaganto ang anak ko! Ikaw Fredrick pinabayaan mo kami kaya nagkaganito. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!"

"Krizzia, alam mo na walang may gusto sa nangyari! Ikaw ang nakaka alam kung gaano ko kamahal ang mga anak ko!"

"Mahal? Sana nga mahal mo ang mga anak mo Fredrick!"

Umalis si Krizzia sa bahay ng mga Calderon at saka umuwi sa kanyang apartment.

Pagdating niya ay malinis ang bahay. Walang kalat. Hindi tulad noong nandito si CJ na kapag ganitong oras ay naglalaro sa sala.

Dahan dahan siyang umupo sa sofa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Napakatahimik ng bahay nya. Walang Aura na madalas nasa telepono at kausap ang nobyong si Grey. Wala ang munting halakhak ni CJ.

"Mag-isa na lang ako..." Umiiyak na sambit niya. Saka siya biglang humalakhak.

"Mag-isa na lang ako!! Hahahahaha!"

Tumayo si Krizzia at itinaas ang kamay saka tila baliw na nagpaikot ikot sa sala. Tumatawa at umiiyak ito.

"mag- isa na lang ako Fredrick!"


"CJ!"

Tarantang napabangon si Eros ng makitang wala sa tabi niya ang asawa. Sumulyap siya sa orasan na nasa ibabaw ng mesita. Alas siyete ng umaga.

"CJ! Nasaan ka?!"

Hangos siyang bumaba at napatda sa kanyang nakita. Kumakanta si CJ habang nagluluto. Nakasuot ang earphones nito kaya marahil di siya naririnig.

Nilapitan niya iyon at agad na niyakap.

"Oh gising ka na pala." Nakangiting binalingan siya nito. Hinalikan niya sa pisngi si Eros.

"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya naisipan ko ipagluluto kita ngayon. Di ba noong nasa Australia tayo sabi mo gusto mo nang pinoy breakfast? Ipinagluto kita ng sinangag tapa at ang paborito mong kape"

" Hmm ang sarap nga." Nakangiting sagot ni Eros.

"Tikman mo muna kaya," nakatawang sambit ni CJ.

Tinulungan siya ni Eros mag ayos ng pinggan. " Amoy pa lang syempre alam ko na masarap talaga ang luto mo. Kaya nga yata ako nagising eh."

"Nako kasal na nga tayo nambobola ka pa Mr Montecillo."

Napuno ng halakhak ni CJ ang kusina ng kilitiin siya si Eros saka sila tila bata na naghabulan paikot sa mesa.

Natigil lang sila ng bumungad na si Grey sa pinto. Nakatawa itong kumindat sa dalawa saka kumuha ng pinggan.

"Nagluto pala ang sister in law ko. Pahingi nga nito..." Iniabot ni CJ ang tapa at ang hiniwang kamatis kay Grey.

Tahimik na silang nag almusal pero paminsan minsan ay nagtatama ang tingin ng magkapatid. Para kasing walang nangyari noong isang araw base sa mga ikinikilos ni CJ.

"Punta tayo sa museum Eros." Napatingin si Grey sa mag asawa ng magsalita si CJ. Nasa veranda sila at nagbabasa siya ng dyaryo.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanung ni Eros.

"Oo. Ok naman ako, para lang akong napagod noong kasal natin. Sorry na hon."

"Ano ka ba? Wala yun nag aalala lang ako kasi nawalan ka ng malay."

Nag pout si CJ "..pero kahapon lang naman yun ok naman na ako ngayon."

Napatitig si Eros sa asawa. "Ah, oo nga pero alam mo naman na ayokong napapagod ka. Pero sige mamaya pupunta tayo sa museum. Sasama ka na Grey?" Baling niya sa kapatid. Nakita niya na naka kunot ang noo nito.

"Pati ba ikaw ay nag alala sakin?" Nakangiting tanung ni CJ kay Grey. "Pasensiya na ah. Pero ok na ako now."

Ngumiti si Grey, " o sige magbihis ka na. Pero hindi na ako sasama sainyo. Honeymoon nyo pa naman at isang buwan ang paalam ni Eros sa opisina."

Napapalakpak pa si CJ saka hinalikan ang pisngi ni Eros. Nagmamadali itong pumunta sa kwarto.

"Grey..." Nag aalalang sinundan ni Eros ng tingin ang asawa nya. Isang linggo na ngunit sa isip pala ni CJ ay kahapon lang iyon.

"I know. Tama ang sabi ni Adrian. Her mind forgot about what happened again. Pero lalabas yang mga fears nya Eros. Something might trigger her kaya dapat ay alert ka.

Go ahead and spend the day with her. Sasabihan ko ang mga bodyguards nyo na sumunod. You wont even know they're there. Just enjoy your day. Kakausapin ko si Adrian about this."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S e c r e t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon