Zelle's POV
Pasensya na Zelle, out of the blue, sinabi ng boss kong ngayon ang alis namin para i-meet ang client. Nandito ako ngayon sa bahay para kumuha ng iilang damit at mga gamit na kakailanganin ko. 3 days akong hindi makakauwi kaya ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid natin. Be easy on them. Wag beastmode. Magsesend nalang ako ng message sa kanila. Ingat kayo.
First time atang mag-a.out of town si ate Liana?
Naisip ko tuloy na baka matindi yung impact nung pag-absent nya last time sa pagpunta sa Department ni Heav. At kailangang humanap ng paraan nung boss nya para hindi bumaba yung sales nila.
Actually, hindi naman kasi masyadong nagsasabi si ate Liana ng mga problema nya lalo na't pagdating sa trabaho. Ayaw kasi nyang mag-alala kami sa kanya lalo pa't alam nya na sya yung tumatayong magulang naming lima.
Minsan tinatanong ko naman sya kung kamusta sya lalo na paghalatang pagod at stress sya pero tanging ngiti lamang ang sagot nya sa akin kaya hindi na ako namimilit pa.
Kaya bilang pagtulong sa kanya, hindi man sa financial ay ako nalang yung nagbabantay sa mga kapatid namin. Hindi naman kasi sya talagang namamalagi sa bahay. Minsan kahit Linggo may trabaho pa rin sya. At minsan lang syang makita ng mga kapatid namin. Idagdag mo pang sobrang late na rin sya kung makauwi at maaga pa kapag umaalis. Kadalasan, yung mga bayarin at allowance namin ay inilalagay nalang nya sa drawer ko.
Alam kong matagal na rin nyang gustong magresign sa trabaho nya dahil jan sa damuhong boss nya. Pero dahil nga siya lang ang may trabaho sa amin at lahat kaming lima ay nag-aaral pa, no choice sya kundi magtiis na lamang muna sa trabaho nya, isa pa nasasayangan din sya dahil mataas na din naman ang posisyon nya sa company nila.
Sige ate, wag ka ng mag-alala sa amin dito. Ako ng bahala. Mag-ingat ka din.
Reply ko bago inilagay ang cell phone ko sa bulsa.
Mamamalengke nalang ako mamaya pagkarating ko sa bahay. Gustuhin ko mang bumili nalang ng ulam dahil pagod na rin naman ako sa ginawa ko buong araw ngayon sa school ay hindi ata pwede. Nagtitipid kami kaya kung bibili ako sa labas, hindi kakasya yung pera saka isa pa malakas kung kumain si Eri. Panigurado hindi sya mabubusog.
At dahil wala si ate, ako ang magluluto ngayon.
Napakamot ako sa noo bago huminga ng malalim.
Bibilisan ko na sana ang paglalakad ng may tumawag sa akin..-"Zelle!"
Napalingon naman ako sa kanya..-"Jemen? este Jimin?"-ano ba yan
Mabilis syang tumakbo papunta sa akin..-"Hehe"-bati nya
"Bakit? may kailangan ka?"-bati ko din sa kanya
"Wala. Gusto lang sana kitang makasabay sa pag-uwi. Actually, kanina pa ako naghihintay sayo sa gate. Kaso lang sa backgate ka ata dumaan kaya hindi kita nakita. Buti nalang at naisipan kong pumunta sa gawing ito."
"Ah ganun bah? hindi mo naman kaila---"
Hindi ko na natapos pang magsalita ng kunin nya ang mga bitbit kong folders..-"Akin na. Ako na ang magdadala.."
At dahil sa mabilisang ginawa nya ay nagloading pa yung utak ko. At narealize ko nalang ito ng sya na ang nagbibitbit.
"Alam kong pauwi ka na pero parang gusto kong kumain ng ice cream. Gusto mo kai---"
"Jimin.."-ako naman ngayon ang nagsalita..-"Alam mo naman di ba?"
Biglang nawala ang excitement sa mukha nya pero ilang sandali pa ay ngumiti ito. Pilit na ngiti..-"Zelle, maghihintay ako. Kahit gaano katagal."
YOU ARE READING
Sabog Sisters
Teen FictionKwento ng anim na magkakapatid na puro sabog. Pero wag nyo ng basahin. Para sa kanila lang to.