Zelle's POV
Ito na naman si Harm. Nag-uumpisa na namang kumanta. At si Sky na naman ang target nya.. "Kung liligaya kaaaa....."-saka naman sya tumingin sa akin.. "Sa piling ng ibaaaa...."-at naisingit pa ako
"Tama na yan Harm ah."-saway ni Sky sa kanya bago ito tumayo at hawak pa rin ang kanyang mahiwagang ballpen.
"Sus! tinamaan agad. Tsk. Wala ka namang ka thrill thrill kung tuksuin ate Skylie."
"Tumigil ka na kasi sa kakakanta jan."
"Naku naku! Matawag nga si Sunoo. Nasaan na ba yung toothpaste na yun ng mahanapan ko ng sipilyo?"
"Yah! Isa pa Harm ah! bakit mo ba dinadawit si Sunoo dito? saka mas maganda pa ngipin nun kesa satin kaya wag mo syang insultuhin jan"
Sasabat pa sana si Harm ng dumating si Eri na punong puno ang bibig ng mga pagkain..-"Tara na daw po dun sa ilalim ng kahoy at kakain na sabi ni ate Liana"
Tumaas naman ang kilay ni Heaven..-"Kakain palang tayo pero puno na yang bibig mo. Yung totoo?"
Ngumisi lang si Eri at tumakbo na pabalik kay ate Liana.
Nagsitayuan nalang din kami at sumunod na rin sa kanya.
"Grabe talaga itong si Eri sa pagkain. Okay pa ba tyan nito? alam nyo mga ates, kung magkakapera ako, ipapacheck up ko na talaga sya."-di ko alam kung seryoso ba itong si Harm sa mga pinagsasabi nya o nagbibiro pa eh.
Sya si Kaela Harmonia Jeong, Harm ang tawag namin sa kanya. Pang-lima sa amin. Sya yung parating zombie mode sa aming magkakapatid. Di nakakatulog sa gabi kaya ayan pag umaga karag. Pero matalino yan, mana sa tatay namin. Sya na din ata ang pinakamadaldal. Banned naman sya sa kusina at hindi pwedeng magluto dahil delikado bahay namin sa kanya. At higit sa lahat, sabog kapag kumakanta.
"Siguro pati simbahan na din. Try natin syang ipakumpisal sa pari para minsan maintindihan naman natin mga sinasabi nya."-dugtong ni Heaven sa sinabi nya
Sya naman si Heather Verene Jeong at Heaven ang tawag namin sa kanya. Pangatlo sa amin. Sya naman ay ginawa ng classroom ang detention room at minsan kaklase na rin kami ni ate Liana sa guidance office dahil palagi nalang kaming pinapatawag. Ewan ko ba at ano ang ipinakain ng mga magulang namin sa kanya nung baby pa sya at sumesegway sa amin. Kung purely matino lang sana yan, masaya na sana eh! kaya lang.. naku ewan ko ba sa kanya. At kapag sabog pa yan, nangdedekwat sila ng kung ano ano ni Yoongi at pinagkikitaan. Gaya nalang nung bakod ng kapitbahay namin dati. Dinekwat nila at ibenenta. Huhu
"Uy grabe ka naman ate Heav! Matino naman yan si Eri ah! Half half nga lang haha! Ewan ko nga ba kung anong mga pinagsasabi nyan minsan eh, di ko din magets."-saka napakamot si Sky sa kanyang ulo.
Skylar Asteria Jeong. Sya nama'y pang-apat sa aming magkakapatid. Sky ang kanyang palayaw. Eto yung tipong half half sa amin. Tamang sabog at tamang shy type lang din. Sya na ata ang pinakamabait sa aming anim eh. Ayan tuloy paboritong asarin nila Harm at Heaven.
"Ate Lia! tinawag ko na po sila."-pagtawag ni Eri kay ate Liana.
Si Nica Avery Jeong. Bunso namin at ang palayaw nya ay Eri. Magaling yan! magaling yang kumain. Kahit anong pagkain kinakain nya. Kahit hindi pa kilalang pagkain, natikman na nya. Kung hindi naman sya kumakain ay tulog naman sya. Oo nga eh, napaka-busy nya. Eto pa, parati din syang walang maintindihan. Di alam yung mga nangyayari sa paligid nya. Basta sa kanya makakain lang sya ay sapat na.
Ngumiti naman si Ate Liana ng makita kami sa likod ni bunso..-"Nailabas ko na ang mga pagkaing nasa basket at naayos ko na lahat kaya kumain na tayo.."
Yuliana Elieanor Jeong. Sya ang ate naming lahat. Napakabait na panganay sa amin. Liana naman ang tawag namin sa kanya. Wala na syang ginawa kundi ang magtrabaho. Peytpul na employee sa companyang pinagtatrabahuan nya. Pero minsan sinisikap ding magbigay ng oras para sa amin. Kagaya ngayon, tamang picnic lang kami sa ilalim ng mangga at sa harap ng palayan. Napakamapagmahal din nyang ate, at sobrang maaalalahanin.
YOU ARE READING
Sabog Sisters
Roman pour AdolescentsKwento ng anim na magkakapatid na puro sabog. Pero wag nyo ng basahin. Para sa kanila lang to.